Maddie's POV
Kinabukasan nang sumapit ang ala sais ay agad na akong nag-ayos para sa pagpunta sa ktv bar na sinasabi ni Louise. 7pm kasi ang usapan naming lahat. Nagpaalam ako kay Mama tungkol doon at gusto niya kay Gian ako sumabay papunta dahil tutal parehas lang naman daw kami ng pupuntahan. Wala na lang akong nagawa kung hindi pumayag kaya sumabay na lang ako kay Gian. Baka magalit pa si Mama at hindi na ako pasamahin pa sa susunod. Tss. Bwisit na Gian. Buti hindi niya sinama si Elaine.
Nang makarating kami sa ktv bar ay hindi muna kami agad pumasok sa loob ni Gian dahil wala pa sila Louise. Eh si Louise pa naman may access sa vip room. Wag lang sanang late ang gaga na iyon dahil masasampal ko talaga siya.
Ilang saglit pa, dumating na din sila Andy at Drex na sinundan naman nila Louise at Ethan. And infairness, hindi nalate si Louise.
"Let's go guys!" excited na sabi ni Louise sabay pasok sa loob kaya nga sumunod kami sa kaniya. Dinala kami ng staff sa isang private room na mukhang vip na sinasabi ni Louise. Nang makapasok kami sa loob ay napanganga na lang kami sa ganda nito. May karaoke setup na nasa malaking screen, nakapatay ang ilaw na tanging disco light lang ang nakabukas, may dance floor sa harap, may u-shaped couch at lamesa sa gitna na may nakaready ng korean grill at mga pagkain for samgyeopsal. Tapos may mga soju na din na mukhang inorder ni Louise. Napapalakpak na lang sa tuwa sila Andy at agad nagsipwesto sa loob. Si Louise naman ay agad kinuha ang microphone.
"LET'S PARTYYYY!" sigaw niya sa mic kaya napapikit na lang akong mariin dahil sa pagkatulig sa matinis niyang boses. Excited niyang kinuha ang song book at nagsimula na ngang magwala doon sa karaoke. Si Andy naman, iyon doon sa korean grill dumiretso. Agad nagsimulang magluto ng pagkain. Napailing-iling na lang ako.
"Cr muna ako." bulong ko kay Andy para marinig niya dahil sa sobrang ingay ni Louise. Tumango naman siya kaya lumabas na muna ako ng vip room at nagtungo sa cr para umihi. Pagkalabas ko ng cubicle ay akong dumiretso sa sink at nagretouch. Napangiti na lang ako nang pagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ngayon ko kasi sinuot yung dress na binigay sa akin ni Aunt Jil sa akin. Wala naisipan ko lang isuot kasi feeling ko magiging espesyal ang araw na ito. Hahaha!
Nang makalabas akong cr ay agad na akong naglakad pabalik sa vip room. Kaso bigla akong napahinto nang makasalubong si Eirol. Nagulat kami nang makita ang isa't-isa. At dahil hindi ko inaasahan na makikita siya ngayon ay nakaramdam ako ng kung anong kalabog sa dibdib ko. Teka? Nakauwi na siya ngayon sa Pilipinas? Bakit siya nandito ngayon? Kasama niya ba ang girlfriend niya. Hindi ko maiwasang hindi sabayan ang titig niya dahil ngayon ko lang ulit siya nakaharap matapos ang limang buwan. Inaamin kong namiss ko ulit ang presensya niya. At ngayong nandito na siya sa harap ko ay tila nanlambot ang tuhod ko sa sobrang saya. Gusto ko mang tumakbo palapit sa kaniya at yakapin siya ay pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam kong hindi tamang gawin ko iyon dahil may girlfriend siya. Kahit na ako naman talaga ang naunang girlfriend niya. Tss.
"Maddie..." bungad niya kaya doon ako natauhan.
"Eirol." tawag ko tapos hindi ulit kami nagsalita sa isa't-isa at nagtitigan lang. Mukhang parehas naming hindi alam kung ano ang sasabihin. Kaya ako na lang ulit ang nagsalita.
"S-Sila Ethan ba ang hinahanap mo? Halika nandoon sila sa vip room na pinareserve ni Louise." sabi ko at akto na sanang aalis nang hawakan niya ang braso ko. Para akong biglang nakuryente nang gawin niya iyon kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Oo hinahanap ko sila. Pero bago iyon, pwede ba kitang makausap?" sabi niya sabay binitawan ang braso ko.
"T-Tungkol saan?" tanong ko. Dahil sa pagkakaalam ko tinapos niya na ang koneksyon namin noon nung nagkita kami sa restaurant sa Miami. Pero ngayon nandito siya sa harap ko at gusto ulit akong kausapin. May kung ano sa sistema ko ang natuwa dahil doon. Umaasa ako na baka babalik na sa akin si Eirol. Na baka ito na ang chance para bumalik kami sa dati.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...