22: Thinking of You

19.7K 608 14
                                    

Cyleen's POV

"Yes, Ahl. Don't worry hindi ko naman nakalimutan ang reason kung bakit talaga ako nandito. Hahaha!--Yeah. Nameet ko na ang mga kaibigan ko dito. I'm glad they're still the same. Actually, pupunta nga sila dito eh. Magssleepover daw sila. You know? Bonding." sakto namang narinig ko ang tunog ng doorbell. "Well, speaking of. Nandito na sila. Talk to you later.--Bye." sabi ko then ended the call at pumunta na sa frontdoor at pinagbuksan sila ng pinto. Bumungad silang tatlo sa akin. Agad tinaas ni Louise ang dala niyang beer.

"Seriously? We're gonna drink tonight?" natatawa kong tanong.

"What? Walang parents eh. Sulitin na. Saka san mig lang naman ito. Easy peasy." sabi ni Louise. Napailing-iling na lang ako saka pinapasok na sila. Kumain muna kami sa dining area ng dinner. Nagdala din kasi silang pagkain. Tapos after that we decided to drink. Si Andy lang ang hindi namin binigyan kasi bawal sa kaniya. Kaya pinagtimpla ko na lang juice para hindi ma-out of place sa pag-inom namin. Hahaha!

After a few bottles of beer ay lasing na agad si Louise. Yeah. Grabe di ba? Easy peasy daw pero siya ang nauna malasing. Kahit na light lang naman itong ininom namin. Kaya ito kumakanta si loka ng nursery rhymes ngayon.

"Kainis talaga. Dapat hindi na ito pinainom eh. Kalakas lakas mag-aya mababa naman pala alcohol tolerance. Tss." sabi ni Maddie. Natawa na lang ako. Tapos ilang saglit lang ay na-knock out na si Louise. Nakadukdok na doon sa lamesa.

"Iaakyat ko na siya sa kwarto mo Leen ha?" sabi ni Andy. Tumango na lang ako.

"Tulungan na kita." sabi ni Maddie kaya nga tinulungan niya na si Andy na iakyat si Louise sa kwarto. Ilang saglit lang ay bumalik na din si Maddie at umupo ulit sa tabi ko. Umiinom pa kami ngayon habang kumakain ng nachos.

"Pinagpahinga ko na din si Andy. Baka makasama pa sa kaniya kapag masyado siyang nagpagod." sabi niya. Napatango na lang ako. Bigla na namang pumasok sa isip ko si Gian kaya nagtanong ulit ako kay Maddie.

"Hindi mo naman siguro sinabi sa kaniya ang reason ko kung bakit talaga ako umalis before right?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo. Hindi ko sinabi gaya ng pinangako ko sa iyo." sagot niya. Napangiti na lang ako dahil tinupad niya ang pangako niya sa akin.

"Bakit hindi mo na lang sinabi sa kaniya ang totoo noon? Nang kahit papaano ay alam niya." tanong ni Maddie. Napabuntong hininga ako.

"Well, akala ko kasi matagal pa bago ako makakabalik ulit dito. Kaya mas pinili ko na lang itago sa kaniya ang totoong dahilan. Para kahit papaano eh makapagsimula na siya ng bagong buhay. Without me on it. I just didn't expect na magiging ganon ang kahihinatnan ko at makakabalik dito ng mas maaga sa inaakala ko." sabi ko. Pinili ko kasing itago kay Gian ang totoo para magalit siya sa akin at magsimula na lang ng bago. I know him. Kapag nabalot siya ng galit ay mas pipiliin niya na lang magsimula ulit na parang walang nangyari. At mas gugustuhin ko iyon kaysa ang paghintayin siya. Ang akala ko kasi talaga makakatagal ako doon sa France. At ngayon nagsisisi na ako na hindi ko nasabi kay Gian ang totoo.

"What's your plan? Now that you're here. May balak ka bang kausapin siya?" tanong ni Maddie. Napaisip naman ako. Dapat nga bang kausapin ko siya? Kaso mukhang nakapagsimula na siya ulit ng wala ako. Kaya bakit ko pa siya guguluhin?

"I don't know. For now, wala sa plano ko iyan. Nandito ako kasi I have a task assigned by my agency." sagot ko. Napatango na lang si Maddie.

"Start na ng klase ngayon ah? Paano ka nakaka catch up sa studies mo?" tanong niya.

"Home school." sagot ko. Napatango na lang ulit siya.

"After ng task na inassign sa iyo. Babalik ka na ulit ng France?"

"Hmm. Maybe." sagot ko. Pero wala pa sa isip ko iyon dahil ilang buwan din naman ang aabutin namin dito for sure.

After that, nag-aya na si Maddie matulog kaya nga umakyat na din kami parehas sa kwarto ko at nahiga sa kutson na nilatag ko sa tabi ng kama ko. Hindi kasi kami kasya sa kama. Sa kama natutulog si Andy at Louise kaya kami ni Maddie ang magkatabi sa kutson.

_

It was already 2am pero hindi pa ako makatulog kaya nga bumangon muna ako at pumunta sa balcony ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ahl.

To: Ahl

Still up?

From: Ahl

Of course.

To: Ahl

Can I call you?

From: Ahl

Sure.

Pagkareply niya non ay tinawagan ko naman na siya. Agad niya itong sinagot.

"Hello, Ahl. May task na ba agad ako bukas?" tanong ko.

[Hmm. Yep. You have a meeting with Ms. Lazaro tomorrow at 9am. Siya yung nagrequest ng project.]

"Okay then. Bakit hindi ka pa kasi sumunod dito nang may kasama ako sa mga task?" tanong ko. Naiwan pa kasi siya sa France. At dapat na kasama ko siya dito ngayon para i-assist ako.

[Susunod na din ako diyan after mayari lahat ng pinapaasikaso sa akin ng boss natin. Hahaha! Miss mo naman ako agad.] sabi niya. Natawa na lang ako.

"Osige. Aasahan ko yan ha? Kapag ikaw hindi dumating nako." natawa na lang din naman siya sa kabilang linya.

[Alright. Alright. Basta hindi ko sasabihin sa iyo kung kailan ako pupunta diyan. Susurpresahin na lang kita. Magugulat ka na lang bigla na nandiyan na ako.]

"Sige. Hahaha! Bye. Matutulog na din ako. Baka mamaya tanghaliin pa ako bukas."

[Sige sige. Bye!]

"Bye." sabi ko then ended the call. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa mga nagniningning na bituin sa langit. Napangiti na lang ako sa ganda nito.

I know I don't have rights to assume na may babalikan pa ako. Kasi after all ako ang nagplano nito lahat. Na saktan ka. Pero bakit ngayong nandito na ako. Bakit parang gusto kitang makita at sabihin ang lahat ng nangyari. Bakit may part pa rin sa akin ang umaasang tatanggapin mo pa din ako gaya ng dati?

I'm sorry for hurting you. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako tumigil kahit kailan na isipin ka. I still care for you, Gian. No matter how hard I tried na kalimutan ka ay hindi ko magawa. Kahit na ang laki na ng pinagbago ko, I'm still that Leen na may pakialam sa iyo. I hope you're doing well.

***
(Cyleen's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon