Louise's POV
Nang umayos na ang kalagayan ni Andy ay para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan. Agad na siyang nilipat sa isang room kaya nga agad na kaming pumunta doon kasama sila Tita Helena at Tito Andres.
Nang pumasok kami sa kwarto ay wala pa ding malay si Andy. Lumabas ng kwarto sila Tita Helena at Tito Andres para kausapin ang doktor kaya kaming dalawa ni Maddie ang naiwan dito sa loob habang pinagmamasdan si Andy.
"Thank God she's okay." sabi ko at napatingin kay Maddie. Nakita kong napakuyom ang kamay niya.
"Kasalanan ito ng gagong Drex na iyon eh. Manda talaga siya sa akin pag nagkita kami." inis na sabi ni Maddie.
"Hey, you can't blame him. He's hurt like Andy. At saka wala siyang alam about sa sakit ni Andy kaya hindi natin pwedeng isisi sa kaniya ang nangyari kay Andy ngayon. Si Andy ang nagdesisyon nito, Madds." sabi ko kaya napabuntong hininga siya.
"Hindi naman ito mangyayari kung hindi niya sinaktan ng harap-harapan si Andy. Hindi niya kailangan gawin iyon Louise para lang gumanti." sagot ni Maddie.
"That's the way he thinks. Lahat ng tao iba mag-isip Maddie. Just look at the good side and don't stress yourself. Ang mahalaga okay na siya." sabi ko.
"Okay fine." sabi ni Maddie.
Maya-maya lang ay dumating na si Cyleen at agad lumapit sa amin. Mukhang nagmadali talaga siyang pumunta dito.
"How is she?" bungad niya sa amin at napatingin kay Andy.
"Okay na siya." sabi ko. Kaya she sighed as relief.
"What happened? Bakit siya nagkaganito?" tanong ni Leen.
"Nakita niya si Drex na may kahalikang babae kaya walang tigil kakaiyak. Siguro natrigger ang sakit niya kaya bigla siyang nawalan ng malay." sabi ni Maddie.
"Drex cheated on her?" gulat na tanong ni Leen. Hindi pa kasi namin nasasabi sa kaniya na wala na si Andy at Drex. We don't want to stress her kaya mas pinili na lang namin ni Maddie na hindi na dagdagan pa ang iniisip niya.
"Sorry, hindi namin nasabi sa iyo. Break na sila last week pa. Nagsakripisyo si Andy. Mas pinili niyang itago kay Drex ang totoo para hindi na daw mahirapan si Drex sa kaniya. Hindi namin nasabi sa iyo kasi ayaw naming dagdagan pa ang iisipin mo." sabi ko.
"Guys, kahit kailan hindi ko naisip na naging dagdag kayo sa kung anumang pinagdadaanan ko. Kaya please, next time wag kayong mahihiyang magsabi sa akin. Nag-iba lang ang appearance ko. Pero ako pa din itong Cyleen na nakilala niyo. Maiintindihan ko kayo." sabi ni Leen kaya natahimik kami ni Maddie.
"We're sorry. Next time iuupdate ka na lagi namin Leen. Nag-aalala lang talaga kami para sa iyo." sabi ko. Binigyan na lang ako ng ngiti ni Leen at saka napatingin na lang kay Andy.
We stayed their for a while para bantayan si Andy. Nagpaalam kasi saglit sila Tita Helena na kukuha muna ng mga kailangan nila sa bahay bago bumalik. Kaya nga kaming tatlo muna ang nagbantay. Pero nung makabalik na sila Tita Helena ay pinauwi na din kaming tatlo dahil nga past 8pm na ng gabi.
Naiwan namin ni Maddie ang sasakyan namin sa school dahil sa ambulance kami sumakay kanina kaya nagtaxi na lang kaming tatlo pauwi. Naunang makababa sila Leen at Maddie dahil mas malapit ang kanila kaya dibale ako ang bababa ng huli.
"Manong, diyan na lang sa may tabi." sabi ko at nagbayad. Saka bumaba na ng taxi. Bigla akong naestatwa nang makita si Ethan na nakaupo sa sidewalk namin. Nakatakip ang kamay niya sa mukha niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita ko ang mga luha sa mata niya. Doon ko lang napansin na naka formal attire siya. And then, I remembered. Ngayon nga pala ang dinner na napagplanuhan namin with his parents. Napapikit ako nang mariin nang mawala sa isip ko iyon. Sa sobrang pag-aalala ko kay Andy kanina ay nakalimutan kong may lakad nga pala kami ni Ethan. Omg, Louise you're so stupid.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Kaya nga tumayo siya at tumitig lang sa akin blankly. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang tignan ang phone ko at puro missed calls and texts niya ang nandoon. Hindi ko na napansin ito dahil nasa loob ito ng bag ko.
"I-I'm sorry..." sabi ko. Feeling ko maiiyak na ako sa sobrang pagkaguilty ko. Lalo na at hindi siya umiimik. I tried to hold his hand pero dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa kamay ko. Doon na ako nagsimulang maluha.
"I'm sorry, bully. I forgot about the dinner kasi isinugod namin si Andy sa ospital kanina. I'm very sorry." sabi ko habang humihikbi. Nakatitig lang siya sa akin.
"Bully. Please. Talk to me." pagsusumamo ko. Kasi nakatitig lang siya sa akin hindi talaga siya sumasagot. Feeling ko mas nasasaktan ako ngayong wala siyang masabi dahil hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya.
"Bully..." tawag ko.
"I waited Louise. Naghintay ako para sa iyo. Umasa akong dadating ka. Kasi nangako ka Louise. Kaya naghintay pa ako. Kahit na nagmukha na akong tanga doon. Naghintay pa din ako para sayo. Pero pinaghintay mo lang ako sa wala." sabi niya. Nasesense ko ang inis sa bawat salita niya kaya nasaktan ako. Pero somehow ay nainis ako kasi hindi niya man lang naintindihan ang sinabi ko na dinala nga namin si Andy sa ospital. And that reason is more than valid!
"Ethan, I'm sorry kung pinaghintay kita. Kung pinaasa ko kayo sa wala ng parents mo. Pero kaibigan ko naman kasi ang nasa ospital, Ethan. Anong gagawin ko? Ang pabayaan siya? Do you think I can do that?" sagot ko.
"And you didn't even bother to inform me, Louise. Kahit isang sagot man lang sa tawag ko or sa text ko. Mahirap bang gawin iyon? Pinagmukha mo akong tanga sa wala! Damn it!" sigaw niya kaya nagulat ako. Why is he being like this na akala mo eh nangcheat ako sa kaniya?!
"That's just a dinner Ethan! We can schedule it again. Pero ang buhay ng kaibigan ko hinding-hindi mo pwedeng isantabi lang! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?" inis kong sagot. Napaismid naman siya.
"Yeah. Right. It's just a dinner. It won't hurt. Yes." sabi niya kaya napakunot ang noo ko. I can't understand him. Bakit ba siya biglang nagkakaganito? Oo nga at may kasalanan din naman ako. Na nakalimutan ko siyang iinform man lang na hindi ako makakarating. Pero nag-apologize naman na ako at inexplain ang side ko. Bakit hindi niya pa din ako maunawaan?
"Ethan. You know our situation right? We already talked about this matter. We're on the same place. Which is in the middle. Tayo ang nasa gitna. Tayo na lang ang kinakapitan ng mga kaibigan natin. Na kailangan nating maging matatag for them. Kasi sa atin na lang sila kumukuha ng lakas hindi ba? I just did my part as Andy's friend." explain ko.
"Naiipit din ako gaya mo. Pero hindi ako nagrereklamo. Kasi mga kaibigan ko naman sila. Sila ang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong. Ngayong, ako naman ang kailangan nila bakit hindi pwede?" I continued. Hindi siya sumagot. Nanatili ulit siyang tahimik. Tila malalim ang iniisip.
"You're just pressured because of the situation, Ethan. Pareho lang tayong nappressure dahil tayo ang nasa gitna. Tayo ang nagbabalanse sa kanila." sabi ko. He remained silent.
"Alam mo kung gaano kahirap, Ethan. Alam mo yung feeling na hirap na hirap ka na pero hindi ka pwedeng sumuko. Na you should remain strong for them. Kasi ikaw na lang ang inaasahan nila." sabi ko na wala pa rin tigil sa pag-iyak.
"We're just tired, Ethan. Physically and emotionally. And we need to rest. We need to cool down. Siguro ito ang mas makakabuti sa ating dalawa sa ngayon. Mas mabuting magfocus muna tayo sa kung ano ang mahalaga. Which is our friends." sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"What do you mean?" kunot noong tanong niya.
"Let's cool off, Ethan. I'm sorry. I'm choosing them over you. Kasi sila ang mas mahalaga para sa akin ngayon." sabi ko. Tinitigan niya lang ako.
"You're right. Maybe that's the solution. Mas mabuting magcool off muna tayo." sabi niya with a tone of sarcasm at saka umalis. Pinanood ko lang siyang sumakay ng kotse niya at nagmaneho palayo. I just stared on his car hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Napatakip na lang ako sa bibig ko at napahagulgol.
"I'm very sorry, bully. Sorry." I mouthed. I know he's hurt. And I am too. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na mabalanse pa ang dalawang bagay na mahalaga sa akin kaya kailangang ilet go ko muna ang isa kahit na mahirap. I feel guilty pero mas matimbang ang mga kaibigan ko. I love you, Ethan. But my friends need me more than you do.
***
(Louise's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...