19: Scared

18.5K 608 25
                                    

Andy's POV

Nagising ako nang marinig na may nag-uusap. Kaya narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"What do you mean she have arrhythmia, dok? Eh ngayon lang naman nakaramdam ang anak ko ng paninikip ng dibdib. Baka namali lang po kayo ng test." rinig kong sabi ni Mama. Pero teka. Tama ba ang rinig ko? Arrhythmia? Ano naman yon? Ako may ganon?

"That's what the result says, Mrs. Lovato. Possible na nakakaramdam na siya before pero hindi umabot sa point na nawalan siya ng malay gaya nito. Or maybe hindi lang niya sinasabi sa inyo."

"Impossible, dok. Malakas si Andy. She's a healthy child. Saka masyado pa siyang bata para magkaroon niyan."

"I know, Mrs. Lovato. But we still need a lot of tests to identify what kind of arrhythmia she have bago namin marecommend what type of treatment ang kailangan niya. Later on baka kailangan din namin siyang ma-ECG. Para mameasure namin ang heart electrical activity niya." sagot ng Doktor.

"Dok, paano yan? Paano ang anak ko. Bata pa siya para makaranas ng ganito. Please do everything you know." rinig kong sabi ni Mama na medyo naiiyak na.

"We're doing our best, Mr. and Mrs. Lovato. Some arrhythmia are harmless unless the heart becomes abnormal. But since, sabi niyo nga na healthy namang bata itong anak niyo mukhang wala naman tayong magiging problema for now. But she needs to stay here for a few days para mamonitor namin ang lagay niya while we're doing some other tests for her. Reresitahan ko na lang po muna siya ng gamot para sa chest pain niya." sabi ng Doktor.

"S-Sige po, dok. Salamat." sabi ni Papa saka umalis na ang doktor.

"Ma, Pa." tawag ko kaya gulat silang tumingin sa akin at agad lumapit.

"A-Anak, kanina ka pa ba gising? Kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba ang dibdib mo?" tanong ni Mama.

"Hindi na po." sagot ko. "Ano po yung arrhythmia, Ma? Iyon daw ba sakit ko sabi ng doktor?" tanong ko kaya nagkatinginan si Mama at Papa.

"Lalabas muna ako saglit. Bibili akong lugaw para sa kaniya." sabi ni Papa at saka lumabas ng kwarto. Napabaling naman ako kay Mama ngayon na nakatingin sa kawalan.

"Ma? Is it true?" tanong ko sabay hinawakan ang kamay ni Mama. Napatingin naman siya sa akin. Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mga mata niya at tumango sa akin bilang sagot.

"Is it bad?" tanong ko. Hindi sumagot si Mama.

"Do I have a possibility to die?" tanong ko ulit kaya napalingon sa akin si Mama.

"No anak! Don't say that. You will not die. At hindi namin hahayaan ni Papa mo na magkaroon pang posibilidad na mangyari iyon sa iyo. Gagawin namin ang lahat." sabi niya na wala pa ring tigil sa pag-iyak while caressing my hair.

"Can you enlighten me about it?" tanong ko. Dahil gustong-gusto kong malaman kung ano ang mangyayari sa akin. Gusto kong malaman kung anong klaseng sakit ang bagay na iyon.

"It's a heart disease. A heart disease that you inherited from our family. That's the reason why my Mother died." sabi ni Mama. Doon ako lalong kinabahan lalo na nang malaman kong iyon ang rason kung bakit namatay ang lola ko. I was there. Nakita ko kung gaano naghirap ang lola ko. Kami ni Mama ang nag-alaga sa kaniya nung naospital siya. She was too old already kaya hindi na siya non pwede sumailalim sa heart transplant. Kaya iyon ang rason kung bakit siya namatay. At inaamin kong natatakot ako na balang araw umabot ako sa point na ganon.

_

While, I'm in the hospital ay lagi akong chinachat ni Drex kung bakit hindi ako nakapasok. Dalawang araw na kasi akong absent at kahit sila Maddie ay hindi alam na nandito ako sa ospital. Ang sinabi ko na lang ay nagkalagnat ako. He insisted na bisitahin ako sa bahay pero tumanggi ako. Ayokong malaman niya muna ang about sa sakit ko. Gusto ko malaman ko muna sa sarili ko kung gaano ka-fatal ang sakit ko. Lalo na at alam ko ang maaaring mangyari.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon