Ethan's POV
Ngayon ang 10th monthsary namin ni Louise. Kaya nagdecide akong dalhin siya ulit sa pinaka paborito niyang lugar. Ang amusement park. Although, hindi talaga ako fan ng mga rides. May fear of heights kasi ako tapos ayoko din ng mabilis. But oh well, gusto siya ni Louise so pag-aaralan ko na ding gustuhin.
"Hala! Gusto ko sumakay doon." sabi niya sabay turo sa extreme tower. Napatingin naman ako doon. Halos manlaki ang mata ko nang makita kung gaano kataas iyon. Tapos yung mga taong nakasakay doon ay hindi magkanda mayaw kakasigaw. Napalunok ako bigla.
"Hehe. Sure ka ba diyan mo gusto?" tanong ko baka kasi mabago ko pa isip niya.
"Yes! Ang tagal na nung huling sakay ko diyan. That's one of my favorites rides. Kaya please? Sakay tayo." sabi niya na hinila-hila pa ang laylayan ng damit ko. Shet, Ethan. Kaya ba? Rollercoaster pa lang suko ka na. Diyan pa kaya. Pero sige. Dahil gusto ng girlfriend mo, go.
"S-Sige." sagot ko. Napapalakpak siya sa tuwa at agad akong hinila papunta doon.
Nang makaupo na kami sa seats at naisecure na ng staff ang safety locks ay napakapit ako ng mahigpit at napalunok ng sunod-sunod. Hindi pa umaandar pero tagaktak na ang pawis ko. Nang tumunog na ang bell hudyat na aandar na ay napapikit ako ng mariin. Lalo na nung dahan-dahan na itong gumalaw paakyat. Naririnig ko na lang ang excited na sigaw ni Louise. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya.
Nang idilat ko ang mata ko ay nakita kong medyo malapit na kami sa tuktok. Shet. Dapat pala di na lang ako dumilat. Puta. Nang makareach kami sa tuktok ay huminto ito saglit tapos biglang bumagsak.
"AHHHHH! PUTANGINAAA!" sigaw ko nang biglang bumagsak. Pati yata puso ko nahulog puta. Nang makababa kami feeling ko bumaligtad sikmura ko. Yung mga kinain ko yata eh nagulat din.
"Ethan! Doon naman." sabi niya naman sabay turo sa space shuttle. Seryoso ba? Parang wala man lang nangyari sa kaniya?
"Hehe. Pahinga muna. Mamaya naman." palusot ko. Kasi feeling ko kapag sumakay pa ako doon eh lalabas na talaga lahat ng kinain ko pagbaba namin. Baka nga pati mga laman loob ko sumama ng lumabas.
"Ay, osige. Pahinga muna tayo. Wait. Bibili akong cotton candy." sabi niya sabay lumapit sa isang stall na nagtitinda ng cotton candy. Naupo na lang muna ako sa isang bench at pinanood siyang bumili. Nang makabili na siya ay agad siyang tumabi sa akin while eating her cotton candy. Inalok niya pa ako pero iling lang ang sinagot ko.
Nang sumapit ang dilim ay nag-aya naman siya sa horror house. Well, di naman ako gaanong takot sa horror house kaya pumayag na ako. No sweat. Mwahaha!
_
"AHHHHH!" sigaw ko nang biglang may lumitaw na white lady. Napakapit akong mahigpit kay Louise.
"Oh come on. Ako dapat gumagawa niyan eh." sabi ni Louise kaya napaayos akong tindig.
"Practice lang. Hehe." sabi ko sabay taas noo'ng naglakad. Hinatak ko ang kamay niya papasok sa isang room ulit. Humawak naman siya sa akin pabalik.
"Wag kang bibitaw ha? Wag kang mag-alala nandito lang ako." sabi ko at patuloy siyang hinahatak. Kaso nagtaka ako bakit parang nag-iba ang texture ng kamay ni Louise. Nang makapasok kami sa may room na may ilaw na ay napalingon agad ako kay Louise.
"Lou--AHHHHHH!" nang makita kong hindi si Louise ang kasunod ko kundi ang white lady ay kumaripas agad ako ng takbo. Bahala na kung saan ako mapadpad makalayas lang ako dito. Tangina!
Nang makalabas ako ay agad akong naghabol ng hininga. Napagtanto kong nasa loob pa pala si Louise. Kaya napasapo ako noo ko. Ano ba iyan Ethan? Napaka irresponsable mong boyfriend. Iniwan mo ang girlfriend mo sa loob ng horror house. Ngayon baka umiiyak na iyon doon ngayon dahil sa takot. Hays.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...