Gian's POV
Nang tumakbo si Maddie palabas ay agad siyang sinundan ni Louise at Andy. Napabaling naman kami kay Eirol na tila naguguluhan ngayon sa nangyayari.
"Ano ba kasing pakulo ito mga brad? Kung biro ito. Hindi nakakatuwa." seryosong sabi ni Eirol. At dahil sa sinabi niya ay bigla akong nakaramdam ng galit at agad siyang sinugod at sinapak sa mukha. Dahilan para mapaupo siya sa sahig. Agad naman akong hinawakan ni Ethan at Drex.
"Putangina ka! Hindi kami nakikipagbiruan sa iyo! Nag-effort si Maddie na puntahan ka dito para surpresahin ka! Para makita ka! Tapos anong isusukli mo sa kaniya? Iyang pakulo mo?! Gago ka pala eh." sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang inis ko dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig niya. Lalo na nung makita ko ang kapatid ko na umiiyak nung isang gabi sa rooftop dahil sa kaniya.
"Eirol! Jusmiyo!" bulalas ni Tita Jamie. Ang Mama niya at agad dinaluhan si Eirol na pumutok ngayon ang labi dahil sa suntok ko.
"Ano ba kayo! Maghunos dili nga kayo ha?! Nagka-amnesia si Eirol kaya hindi siya makaalala! Hindi niya kasalanan kung nakalimutan niya si Maddie!" sigaw ni Tita Jamie at naiiyak na tinignan si Eirol. Panandalian akong kumalma dahil doon.
"Amnesia, Tita?" kunot noong tanong ni Drex kay Tita Jamie.
"Oo, naaksidente si Eirol 2 months ago nung pauwi na siya galing school. Ang ulo niya ang pinaka napuruhan sa aksidente. Halos ilang araw siyang walang malay non. Sabi ng doctor posible na magka-amnesia siya dahil sa nangyari. Pero hindi kami naniwala kasi kilala niya pa din naman kami ng Papa niya nung magising siya. Pati ang iba pang kamag-anak namin. Pati kayo. Pero ngayon ko lang na napatunayan na totoo ngang nagka-amnesia siya dahil hindi niya maalala si Maddie. Kaya please, don't hurt my son porque hindi niya maalala si Maddie. Hindi niya kasalanang makalimot." sabi ni Tita Jamie.
"Bakit hindi niyo po sinabi sa amin Tita na naaksidente si Eirol nung time na iyon?" tanong ni Ethan.
"I was preoccupied that time. Nawala sa isip kong sabihan pa kayo dahil mas inisip ko ang recovery ni Eirol. Sobra ang pag-aalala ko sa kaniya that time kaya hindi ko na naisip pang sabihan kayo. Sana maintindihan niyo." explain ni Tita Jamie. Napatitig naman ako kay Eirol. Nakatingin siya sa akin ngayon sabay pinunasan ang dugong nasa labi niya. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko kaya umalis na din ako agad doon. Tinignan ko sila Maddie kung nasa labas pa sila. Pero wala na sila. Mukhang umuwi na sila. Sakto naman pa lang sumunod na sila Ethan sa akin kaya inaya ko na din silang umuwi. Nag-aalala ako ngayon sa kalagayan ni Maddie. Sa kapatid ko. Dahil paniguradong umiiyak na naman siya ngayon. Tss.
Nang makabalik kami sa Villa nila Ethan ay naabutan namin doon sila Louise at Andy sa sala na nakaupo sa sofa. Nakahiga si Maddie sa lap ni Louise habang hinahawi-hawi ni Louise ang buhok ni Maddie na humahagulgol. Nagkatinginan naman kaming lima. Hindi kami nakapagsalita. Tahimik lang kaming pinagmamasdan si Maddie. Hinayaan namin siyang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog siya. Kaya nga agad kong binuhat si Maddie at dinala sa kwarto nila. Ihiniga ko siya sa kama. Sumunod naman sa akin si Louise kaya siya ang nagkumot kay Maddie.
"You care for her do you?" sabi niya sa akin. Napa-smirk naman ako at tumitig kay Maddie na mahimbing ng natutulog ngayon.
"Of course. Dad told me to take care of her while we're here. I'm just doing my part." sagot ko.
"I know that's not the real reason why you're doing this. Ginagawa mo ito kasi you care for her as your sister. Hindi dahil sa bilin ng Dad niyo." sabi niya.
"Isipin mo ang gusto mong isipin." sabi ko at bumalik na sa sala kung nasaan sila. Sumunod din naman si Louise at naupo sa tabi ni Ethan.
"What happened? Bakit ganon ang reaksyon ni Eirol? Bakit parang hindi niya kilala si Maddie?" bungad ni Louise.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...