57.2: Realize

21.4K 594 26
                                    

Eirol's POV

Nasa emergency room pa rin si Maddie at ang Papa niya kaya wala kaming magawa dito kung hindi maghintay. Pero dahil lumalalim na ang gabi ay pinauwi na kami ng parents ni Maddie at bumalik na lang daw bukas. Kaya nga napagdesisyunan na lang naming umuwi muna at magpaalam na.

"Hindi natuloy ang flight mo, brad?" tanong ni Drex nang makalabas kami sa may parking lot. Napatingin din naman sa akin sila Louise dahil doon.

"H-Hindi ako tumuloy." sagot ko kaya napatigil sila.

"So, you mean iniwan mo ang girlfriend mo doon sa airport?" tanong ni Louise. Napabuntong hininga naman ako. Hindi pa din ako makapaniwala na nagawa ko iyon kay Eliz. I'm sure galit siya sa akin ngayon sa pag-iwan ko sa kaniya doon sa airport ng walang pasabi. Anong magagawa ko? Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nawala ako sa tamang pag-iisip nang malaman na naaksidente si Maddie. Na ang tanging nasa isip ko lang that time ay ang puntahan agad siya.

"Parang ganon na nga." sagot ko at nahihiyang tumingin sa kanila Lalo na nang makita ko ang mga ngisi sa mga labi nila.

"Hehe. Brad. May hindi pa ako nasasabi sa iyo." kamot batok na sabi ni Ethan kaya napabaling ako sa kaniya.

"Ano iyon?" I asked.

"Hehe. Ganito kasi iyon brad, habang busy ka kanina kakaisip at wala ka sa sarili mo. Kinausap kita pero hindi ka sumasagot. Sinabi ko sa iyo kanina tumatawag sa akin ang girlfriend mo pero puro tango ka lang eh. Kaya iyon no choice ako, imbes na ibigay sa iyo ang tawag ako na lang ang sumagot. Galit na galit siya sa kabilang linya kasi nagpapalusot ako. Kaya iyon...ano. N-Nasabi ko sa kaniya na nasa ospital nga tayo kasi si Maddie naaksidente. Hehe. At ang sabi niya sabihin ko daw sa iyo na dumiretso ka kaagad sa inyo pagkagaling mo dito. Hihintayin ka daw niya dahil may pag-uusapan daw kayo." sagot niya. Napabuntong hininga naman ulit ako nang marinig ang sinabi ni Ethan. Pero okay na din siguro at nalaman niya na. Kasi malalaman niya din naman ito sooner or later.

"Sorry brad." sabi ni Ethan.

"Okay lang Ethan. Malalaman at malalaman niya din naman." sagot ko.

"So, you still love Maddie all along pala? Kahit nagkaamnesia ka?" nakangising sabi ni Louise. Napaisip naman ako. Do I really love her? I don't know. Naguguluhan pa ako ng konting sa sarili ko. Sa nararamdaman ko. Basta isa lang naman ang napatunayan ko, na mahalaga siya sa akin. Nang marinig ko na naaksidente siya nagkaroon ako ng kung anong kaba sa dibdib ko. Bigla akong natakot at parang nagpanic. Natakot ako na mawala siya.

"Bully, stop it. Baka naguguluhan pa si Eirol." rinig kong bulong ni Ethan kay Louise. Tinaasan naman siyang kilay ni Louise.

"What? Naguguluhan ka pa at this rate, Eirol? The time na tumapak ka palabas ng airport at nagdesisyong iwan ang Miami Girl mo doon sa airport, you have already chosen. May desisyon ka na agad. May pinili ka na. So, I won't accept your excuse na naguguluhan ka pa. Dahil hindi kapani-paniwala." sabi niya sa akin. Hindi ulit ako nakasagot.

"Eh? So ang sinasabi mo ba Louise ay pinipili ni Eirol si Maddie over his girlfriend?" tanong ni Andy.

"Yes, Andy obviously. Bakit siya nandito ngayon di ba? Imbes na kasama niya na sana ang Miami girl niya ngayon habang nakaupo sa eroplano. And besides, Maddie is still his girlfriend. Duh? Wala naman akong nabalitaan na nagbreak sila even though nagkaroon sila ng misunderstanding." sagot ni Louise.

"You're right. I choosed Maddie." sagot ko bigla kaya napatigil sila at napatingin ulit lahat sa akin.

"Pero paano ang girlfriend mo brad?" tanong ni Ethan. Napadaing naman siya nang sikuhin siya ni Louise sa tagiliran.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon