56: Far From You

19.7K 610 31
                                    

Eirol's POV

Kasalukuyan akong nakasandal ngayon sa sasakyan ko na nakapark hindi kalayuan sa café ni Maddie. It was already 8am in the morning. At oras na ng pagbubukas niya ng café kaya inagahan ko talaga para maabutan siya agad.

Gusto ko kasing personal na magpaalam sa kaniya. Na babalik na akong Miami next week kasama si Eliz. Na hindi na ako magtatagal pa dito. Pero parang merong parte sa akin ang nais na manatili dito. Somewhere near Maddie. But I can't.

Nang makita ko na ang pagdating ni Maddie at ang pagbubukas niya ng café ay agad na akong lumapit papunta sa kaniya.

"Maddie." I called at napabuntong hininga. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita kong walang bahid na ekspresyon ang mukha niya. Na para bang wala na lang sa kaniya kung nandito ako.

"Eirol, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" she asked at pinilit ngumiti para sa akin.

"Can we talk?" tanong ko. Nagdalawang isip pa siya nung una dahil hindi siya sumagot.

"Baka magalit sa iyo ang girlfriend mo kapag nakita tayong magkasama." sagot niya.

"I'm not with her. Naiwan siya sa bahay. She's still sleeping." sagot ko. Napatango na lang siya.

"Sige. But we can't talk for long." sabi niya. Marahan akong tumango.

"Yes. Of course. This won't take long." sagot ko kaya nga sabay na kaming pumasok sa loob ng café niya. Nang buksan niya ang ilaw ay agad na kaming naupo sa isang bakanteng pwesto. She served me a cup of coffee kaya nagpasalamat ako.

"So, anong pag-uusapan natin?" bungad niya kaya napasimsim ako sa kape ko at agad bumaling sa kaniya. Napatitig ako sa mga mata niya na nakatuon ngayon sa akin. I just can't help it but to stare at her. Parang may kung ano sa mga mata niya na nagpapaalala sa akin ng nakaraan ko. Ng buong pagkatao ko. Siguro, dahil naging malaking parte siya ng buhay ng dating Eirol.

"Maddie, una sa lahat. Nagpapasalamat ako sa pagtulong mo sa akin. Kahit na hindi ko narecover ang mga memories kong nawala, binigyan mo naman ako ng mga bagay na dapat alalahanin. Mga bagay na hindi ko dapat makalimutan. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa iyo. Thank you."

"Hindi man tayo nakapagstart sa magandang approach magmula ng nagkaamnesia ako, natutuwa ako na nagkaroon akong chance na mas makilala ka, Maddie." sabi ko.

"Why are you saying these things na parang nagpapaalam ka?" she asked. Damn, how could I say this to her? Paano ko sasabihin na aalis na ako?

"Maddie...I'm leaving. I'm going back to Florida next week with Eliz." sagot ko. Napayuko siya bigla pagkasabi ko non kaya nakaramdam ako ng kung anong sakit nang makitang parang ayaw niya akong paalisin.

"Then, why are you here? Why are you telling these things to me? Are you that desperate to push me away?" she asked at agad nag-angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya.

"Ganiyan mo ba ako ka-ayaw na manghimasok ulit sa buhay mo kaya sinasaktan mo ako ng ganito? It hurts Eirol. Sobra. And I hope you're happy now sa nakikita mo." hagulgol niya. Napailing-iling ako. Kailan ako naging masaya na panoorin siyang umiiyak sa harapan ko? Never akong naging masaya na makita siyang umiiyak. Siguro dati noong hindi ko pa siya nakikilala. Pero ngayon? It's different. Every time na makikita ko siyang umiiyak ay nasasaktan din ako. Pero, napakaduwag ko dahil hindi ko magawang punasan ang mga luhang iyon.

"No, Maddie. It's not like that. Wag mong isipan iyan please." sagot ko at hinawakan ang kamay niyang nakalapat sa lamesa. Napatitig naman siya doon kaya agad kong inalis ang pagkakahawak ko.

"Then anong iisipin ko Eirol? Ayoko nang umasa pa na babalik tayo sa dati dahil may desisyon ka na. At hindi ako iyon." sagot niya at tumayo. Napatingin ako sa kaniya.

"Kaya mabuti pa nga siguro na umalis ka na. Nang hindi na ako masaktan. Dahil hindi ko na kayang panoorin na maging masaya ka kasama si Eliz. I'm sorry. Call me selfish pero iyon ang totoo." sabi niya at agad umalis sa harap ko at nagtungo siya papasok ng restroom. Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa kape na nasa harapan ko.

I'm sorry Maddie for hurting you. I'm sorry pero hindi ako ang dapat na lalaki para sa iyo. I can't make you happy. Wala akong gagawin kung hindi saktan ka.

_

Nang makabalik ako sa bahay ay naabutan ko nang gising si Eliz. Kasalukuyan siyang nagbbreakfast sa dining area.

"Come on join me." aya niya sa akin kaya nga naupo ako sa tapat niya at napatingin sa mga pagkain na nakahain ngayon sa lamesa. Which is mga fastfoods. Eliz can bake but she can't cook kaya madalas talaga puro take out and deliveries siya kapag magkasama kami.

"So, are you ready to go back?" nakangiti niyang tanong sabay kain ng waffles.

"Why don't we stay here a little longer? May ilang buwan pa naman bago magpasukan." sabi ko kaya napatigil siya at tumitig sa akin.

"Eirol, para saan pa? Naghehesitate ka ba dahil sa Maddie na iyon? Pag-aawayan na naman ba natin siya?" sabi niya na halata naman ang pagkairita sa boses niya. Hindi ako sumagot. Umiwas na lang ako sa tanong niya at saka nagtimpla na lang ng kape ko sa kusina. Napatigil ako nang makatanggap akong message kay Ethan.

Ethan: Is it true? You're leaving already? I heard the news from Louise kasi na kila Maddie sila ngayon.

Me: Yes. It's true.

Ethan: Why? 😭 Akala ko naman dito ka na brad. Iiwan mo na naman pala kami.

Me: Oh come on, I can visit you guys naman every summer.

Ethan: Why change your mind bruh? Dahil ba sa girlfriend mo?

Me: Sort of.

Ethan: Well, okay. Kung iyan desisyon mo brad. ☹️

Nang ibaba ko na ang phone ko ay napabuntong hininga ako. Bigla akong napaisip para sa sarili ko. Is this really what I want? Ang bumalik sa Miami with Eliz? She's my girlfriend. I should be happy. Pero bakit parang nagdadalawang isip ako? Hindi ba dapat excited pa nga ako? Kasi iyon ang buhay ng bagong Eirol. Iyon ang naabutan ko. Pero bakit? Bakit ganito? Bakit naguguluhan ako?

"Then anong iisipin ko Eirol? Ayoko nang umasa pa na babalik tayo sa dati dahil may desisyon ka na. At hindi ako iyon."

Yes. May desisyon na nga ako. At si Eliz ang pinili ko. Pero bakit kita naiisip Maddie? Bakit?

"Kaya mabuti pa nga siguro na umalis ka na. Nang hindi na ako masaktan. Dahil hindi ko na kayang panoorin na maging masaya ka kasama si Eliz. I'm sorry. Call me selfish pero iyon ang totoo."

I'm not the man for you, Maddie. Pero bakit parang may parte sa loob-loob ko na tumatalima sa akin? I should not feel this kind of emotions towards you. But I can't help it. The more I ignore it, the more na pinapaalala ka nito sa akin.

"Eirol, I'm sorry." bungad ni Eliz sa akin sabay yakap sa bewang ko.

"I'm sorry for questioning you. I'm just worried that you'll leave me. That you're gonna choose her over me. I love you, Eirol." sagot niya.

"It's okay, Eliz. I love you too." sagot ko. Napangiti naman siya sa akin kaya napatitig din ako sa kaniya. But somehow, biglang si Maddie ang nakita ko sa harapan ko na nakangiti sa akin. Kaya nga napapikit ako ng mariin at saka umiling-iling.

"Anything wrong?" tanong ni Eliz. Nang dumilat ako ay si Eliz na ulit ang nakita ko. "Ahh. Wala. Wala." I answered saka niyakap siya.

Damn it! Now, I'm seeing her. This is wrong. So fucking wrong. You have already a girlfriend for pete's sake, Eirol! Stop thinking about Maddie! Tsk. Mabuti na nga sigurong umalis na lang ako. Baka naaapektuhan lang ako kasi malapit ako kay Maddie. Kaya itong dating Eirol na nasa loob ko ay nabubuhay. Siguro kapag nalayo na ako hindi ko na siya maiisip. Kaya maganda nga siguro na lumayo ako. Malayo sa kaniya.

***

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon