Cyleen's POV
After the shoot ay dumiretso kami ni Ahl sa isang restaurant para magdinner. At gaya ng pangako ko sa kaniya ay nilibre ko siya.
"So, kamusta habang wala ako? Okay ka lang naman ba?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Yeah. Luckily, wala pa namang nangyayari sa aking masama." sabi ko kaya natawa kaming dalawa. Nung baguhan pa lang kasi ako non sa agency eh lagi akong nagkakamali or napapahamak. Kaya laging to the rescue si Ahl sa akin.
"Nakausap ko si Miss Jil. Looks like you impressed her huh? Despite your age. Kabataan talaga pag-asa ng bayan ano?" sabi niya. Napangiti naman ako.
"Well, I just did my best." sagot ko.
"Ipagpatuloy mo iyan. Malay mo kunin ka ni Miss Jil sa agency niya at dito na lang magstay for good." sabi ni Ahl kaya napaisip ako. Hmm. That's not a bad idea. Para hindi na ako babalik ng France. Saka para makasama ko na talaga ang mga kaibigan ko.
"By the way, I forgot to tell you. Kinausap ako ng Dad mo." biglang sabi ni Ahl kaya natahimik ako at napatingin sa kaniya. Months had passed. At ngayon ko lang ulit narinig ang tungkol sa kanila.
"What did he say?" tanong ko.
"Well, wala siyang sinabi sa akin. Nag-abot lang siya sa akin ng sulat. Iabot ko daw sa iyo kapag nagkita tayo." sabi ni Ahl sabay kuha sa coat niya nung sobre at inabot sa akin. Nang makuha ko naman ito ay agad kong binasa ang message.
Cyleen,
Hindi kami tumigil sa paghahanap sa iyo dito. Hanggang sa makarinig ako ng balita na pumasok ka sa isang modelling agency kaya agad kitang pinuntahan. Ngunit hindi kita naabutan dahil nasa labas ka na daw ng France kaya naisipan ko na lang sumulat. Kung sakaling makarating man sa iyo ang sulat na ito ay gusto lang sana naming sabihin ng kapatid mong si Noreen kung gaano ka na namin kamiss.
Nagpplano kami ngayong umuwi ng Pilipinas ni Noreen pero sa probinsya namin sa Ilocos kami tutuloy dahil nagkasundo kami ng Mom mo na putulin muna ang anumang koneksyon na meron kami dahil sa hindi pagkakaunawaan. Sa akin napili sumama ni Noreen kaya kasama ko siya sa pag-uwi sa Ilocos. Kung maisipan mong dumalaw sa amin ay tatanggapin ka namin anytime.
Sana kung nasaan ka man ngayon ay masaya ka. Nakausap ko ang kaibigan mong si Ahl at sinabing nasa mabuti kang kalagayan kaya kahit papaano ay napanatag ako. Wag kang mag-alala sa kapatid mo. Dumadalang na ang pag-atake ng seizure niya. Mukhang nakakatulong ng malaki ang gamot na nireseta sa kaniya. Kaya wag mo kaming intindihin kundi ang sarili mo.
Nagmamahal,
DadBiglang may tumakas na luha sa mga mata ko nang matapos basahin ang sulat ni Dad. Dahil kahit na hindi siya ang tunay kong tatay ay never niyang pinaramdam sa akin na iba ako. Minahal niya ako gaya ng pagmamahal na binibigay niya kay Noreen na tunay niyang anak. Na kahit kailan hindi pinaramdam ni Mom sa akin. Kaya bata pa lang ako eh study hard na talaga ako. Nagpapahonor ako lagi. Kasi doon niya lang ako pinupuri. Doon lang siya nagiging proud sa akin.
Inabutan ako ni Ahl ng panyo kaya kinuha ko ito agad at pinunas sa mga mata ko. Hindi ko pa din mapigilang hindi maiyak lalo na at naalala ko na naman sila. I miss them too.
"Don't worry, I gave them my number. Para kapag nakapunta na sila ditong Pinas eh macontact kako nila ako at maibigay ko sa kanila ang number mo dito." sabi ni Ahl kaya napangiti ako.
"Thank you, Ahl." sabi ko.
"You're welcome." sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagkain niya kaya nga itinabi ko na ang sulat sa bag ko at pinagpatuloy na din ang pagkain ko. Nang maihatid ako ni Ahl sa bahay ay dumiretso na din siya sa condo na tinutuluyan niya. Kaya nga naligo na ako at nagready para matulog.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...