45.2: Ilocos

16.9K 567 23
                                    

Gian's POV

"Mag-gagabi na. Bakit wala pa si Cyleen?" tanong ni Maddie. Nandito kami ngayon sa sala nang mapansin niyang wala pa si Leen. Kahit ako kanina ko pa napapansin pero hindi lang ako nagsasalita.

"Tito, do you know where is Leen?" tanong ni Louise nang lumabas sa kwarto ang Dad ni Leen.

"Ha? Wala pa ba siya?" tanong nito at tila kinabahan na nang makitang di pa pala nakakabalik si Cyleen.

"Wala pa po, Tito eh. Hinahanap nga po namin dahil pag-uusapan po sana namin kung saan kami mag-gagala bukas." sagot ni Louise.

"Lumabas siya kanina." sagot ko. Kaya  napatingin silang lahat sa akin.

"You didn't even tell us?" sabi ni Maddie.

"Malay ko ba. Akala ko napansin niyo eh." sagot ko.

"Hindi namin napansin that's why we're looking for her, Gian." sagot ni Maddie. Tss. Kasalanan ko bang ako lang nakapansin? Buti nga sinabi ko sa kanila eh.

"Ayos brad. Ikaw lang pala nakapansin kay Cyleen. Hehe." sabi ni Ethan at tinap ang balikat ko. Sinamaan ko ngang tingin.

"Kung lumabas pala siya, baka nagpahangin siya sa labas at nag-ikot ikot sa lote. Matagal na din kasi mula nung bumisita siya dito. Kaya baka nag-ikot ikot nga siya." sabi ng Dad ni Leen.

"Kaso, Tito. It's been an hour mula ng umalis siya. Baka may nangyari ng masama sa kaniya." sabi ni Maddie.

"Why don't you try to call her?" sabi ni Eirol.

"Mabuti pa nga." sabi ni Maddie at agad kinuha ang phone niya at sinubukang tawagan si Cyleen. Ilang saglit lang ay lumabas mula sa kwarto ni Leen ang kapatid niya hawak ang nagriring na cellphone ni Leen.

"Why are you calling Ate Leen, Ate Madds?" tanong nito kay Maddie. Natigilan naman sila Maddie nang malamang hindi dala ni Leen ang phone niya.

"Hindi niya dala ang phone niya?" sabi ni Louise.

"Oo, ate. Nakacharge kanina eh kaya baka iniwan ni ate. Katatanggal ko nga lang. Nasaan ba si Ate?" sagot ni Noreen. Nagkatinginan sila Maddie.

"We need to find her. Madilim na sa labas oh. Hindi naman magpapaabot ng dilim si Leen." sabi ni Louise.

"Nako. Oo nga. Baka mamaya kung ano ng nangyari kay Cyleen. Saglit at kukuha akong mga flashlight para sa atin. Wala pa kasing mga ilaw sa ibang parte ng lote kundi dito lang sa daan papuntang bahay." sabi ng Dad ni Leen at agad pumasok sa kwarto. Nang makalabas ito ay may bitbit na itong mga flashlight na isa-isang inabot sa amin.

"We need to go by pairs. Kaming dalawa ni Ethan. Then kayong dalawa Maddie at Eirol. Tapos Andy and Drex. Gian and Ahl." napaismid naman ako nang mapagtanto kung sino kasama ko.

"I can be alone." utas ko at sinamaan ng tingin si Ahl.

"Contact'in na lang natin ang isa't-isa kapag nahanap na natin siya." sabi ni Maddie. Tumango naman kaming lahat.

"Mag-iingat kayo mga hija at hijo. Tignan niyong maigi mga dadanan niyo. May ilang butas kasi sa lote kung saan iniipon ang mga tuyong dahon at sinusunog. Baka mahulog kayo doon. Medyo may kalaliman din eh." bilin ng Dad ni Leen. Napatango na lang kami at nagpasya ng lumabas ng bahay at maghiwa-hiwalay. Kasama ko si Ahl ngayon pero hindi ko pinapansin. Busy lang ako sa paghahanap at pagtawag kay Leen.

"Bakit hindi mo sinama ang girlfriend mo? Baka magtaka siya kasi lumabas ka pa para makihanap kay Cyleen na ex mo." sabi ni Ahl na halatang may panunuya sa tono.

"She's sleeping." sagot ko.

"Bakit hindi mo na lang siya sinamahan doon? She's your girlfriend di ba? Why are you looking for Cyleen too? Are you worried like her friends?" tanong nito. Inis ko naman siyang tinignan.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon