28: Eliz Callister

18.2K 612 8
                                    

Eirol's POV

"Does this mean you're letting me to court you?" tumango siya at ngumiti. Gumuhit naman ang malaking ngiti sa mga labi ko at napatalon na lang sa sobrang tuwa.

"Wala ng bawian ha? Umoo ka na. Umoo ka! Hahaha!" masaya kong sagot.

"Oo nga baliw!"

"Promise, you will not regret this." I told her with a smile.

Nagising ako bigla matapos ang panaginip na iyon. Nang tignan ko ang oras ay alas kwatro pa lang ng madaling araw. Kaya nga pumunta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig nang mahimasmasan ako.

Hindi ito ang unang naniginip ako ng ganito. This is the third time already. I keep dreaming about those things na hindi ko naman malaman kung sino ang babaeng nasa panaginip ko. Blurred kasi ang mukha niya. Hindi ko malaman kung si Eliz ba or that Maddie. Wala naman kasi akong matandaan na may ganon kaming scenario ni Eliz. Kaya napapaisip talaga ako.

Sabi kasi ni Eliz magkakilala na kami mula nung lumipat kami dito sa Florida. Hindi ko naman matandaan kasi nga nagkaamnesia ako. Basta paggising ko siya ang nasa tabi ko.

_

Magkasama kami ni Eliz ngayon dito sa may pastry shop ng Mom niya. Dito kasi kami panay dumidiretso kada pagkagaling sa school.

"Eliz?" bungad ko kaya napatingin siya sa akin. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang about sa naging pagkikita namin ni Maddie at ang nalaman ko. Hindi ko kasi alam kung kailan ang tamang tsempo para sabihin sa kaniya. Ang tanging nasabi ko lang sa kaniya ay nagkaamnesia ako ng hindi ko nalalaman.

"Yes?" tanong niya.

"You said before na kilala mo na ako magmula ng mag-migrate kami dito sa Florida di ba?" tanong ko.

"Hmm. Yes. Why?"

"Uhm. Back then, bago ako maaksidente. May nasabi ba ako sa iyo na may girlfriend ako na wala dito?" tanong ko. Napatigil naman siya sa pagsimsim ng tsaa at napatingin sa akin na parang nagulat.

"Why? May narerecall ka na bang memory from your past?" tanong niya.

"M-Medyo. Lagi kasi akong nagkakaroon ng panaginip about my past." sabi ko. Hindi nakasagot si Eliz kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Eliz, you know how much I love you right?" tanong ko saka hinawakan ang kamay niya. Tumango siya.

"I want to tell you something." sabi ko.

"What is it?" kunot noong tanong niya. Napabuntong hininga naman ako bago tumitig ng diretso sa mga mata niya.

"The day of my birthday, my friends visited me. Uhm. A surprise visit..."

"And?"

"W-Well, may kasama sila na hindi ko ineexpect. Nung una ayokong maniwala. But then, nung nakausap ko si Mama. Ang sabi niya totoo ang lahat. Wala akong ideya na nagkaamnesia ako noon. Kaya hindi ko alam Eliz na...na may girlfriend pa pala ako." sabi ko. Tinignan ko ang reaksyon niya. Pero nagtaka ako kung bakit hindi man lang siya nabigla.

"How did you react?" mahinahong tanong niya.

"Well, of course nung una nagulat talaga ako. Hindi agad ako naniwala. Hanggang sa inexplain nga ni Mama ang lahat. Doon lang ako naniwala." sabi ko.

"Did you talked to her?"

"Yes. I said that we should just forget what we had in the past and move on. Kasi sabi ko, ayoko ng balikan ang alaala kong nawala na. Na nakapag simula na ako ulit. Kasama ka." sabi ko. Napangiti naman si Eliz.

"I'm so lucky that I met you, Eirol." sabi niya. Saka hinawakan pabalik ang kamay ko. Napangiti na lang ako. I don't know kung sasabihin ko pa kay Eliz ang naging sagot ni Maddie sa akin nung nag-usap kami. Na hindi pumayag si Maddie. I don't have the courage to tell her yet. I don't want to hurt her feelings.

Flashback

Nang umalis si Maddie sa restaurant ay hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sa totoo lang naguguilty ako. Hindi niya naman din kasi kasalanan na nagkaroon akong amnesia at nakalimutan siya. Wala siyang kasalanan.

Napatingin ako sa maliit na paperbag na nakalapag sa table. Kinuha ko ito at tinignan ang laman. Tumambad sa akin ang isang box kaya binuksan ko pa ito. Nang mabuksan ko ang box ay nakita ko ang isang relo. A carrera tag heuer watch. May nakaattach na letter doon kaya kinuha ko ito at binasa.

Nahirapan akong mamili ng watch. I don't know your preferred color or type. But I tried my best to choose what will look good on you. Hope you like it. Happy Birthday!

Napabuntong hininga na lang ako nang mabasa ang sulat at saka nagdecide ng umalis ng restaurant. Habang nagddrive ako ay napapatingin ako sa paperbag na nakalapag sa may frontseat. Napahinto lang ako sa pagddrive nang matanaw si Maddie sa hindi kalayuan.

Nakaupo siya sa sidewalk. She was crying. Kaya nga lalo akong nakaramdam ng guilt. Mukhang naging harsh ako masyado sa kaniya. Bababa na sana ako ng sasakyan para lapitan siya nang maalala ko ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Maybe It's a bad idea if lalapit pa ako sa kaniya.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sa messenger si Ethan. Agad niya itong sinagot.

[Hey, brad. Napatawag ka?]

"Ethan. Can you call someone to fetch Maddie here near the Cipriani Restaurant Downtown? She's here in the sidewalk." sabi ko.

[Ahh. S-Sige. Brad. Thanks for letting us know.]

"Okay. Bye." sabi ko then ended the call. Nagdesisyon muna akong hindi umalis agad at hintayin na lang muna ang susundo kay Maddie. Kaya nga nandito lang ako sa sasakyan ko habang pinapanood siyang umiiyak. Hindi ko alam pero somehow there's a part of me na nasasaktan habang pinapanood siya. I don't know if sakit ba itong nararamdaman ko o guilt lang. Basta parang hindi ako natutuwa na nakikita ko siyang ganito.

Nang may dumating ng sasakyan para sunduin siya ay agad na siyang sumakay. Pinanood ko na lang ang sasakyan hanggang sa makaalis ito at siniguradong nakaalis siya ng ligtas bago ako nagdesisyong umalis. Pero hindi ko pa din talaga maialis sa isip ko ang itsura niya. Ang itsura niya habang umiiyak.

Bakit ba ako nagkakaganito? May parte pa din ba talaga sa akin na nag-aalala sa kaniya? Well, I guess It's because the past Eirol loved her. But this is me now. Nagbago na ako. Maraming nawala sa aking alaala na hindi agad maibabalik kaya mas pinili ko na lang magmove forward. Pero bakit ngayong nakilala ko itong si Maddie ay tila may humahatak sa akin pabalik? Bakit parang nagkaroon ako bigla ng doubt about myself?

End of Flashback

Napatingin na lang ako sa relo na nasa side table ko nang maalala na naman si Maddie. Inaamin ko na sa tuwing mananaginip ako ay naiisip ko na baka siya ang babaeng iyon. Ang babaeng nasa panaginip ko. Tila hindi ako pinapatahimik ng nakaraan ko. Every other night na lang ako laging nananaginip about that mysterious girl. At hindi ako mapakali kasi gusto ko ng sagot. Gusto kong malaman kung ano ang istorya behind those dreams. Kasi feeling ko ay malaking parte ito ng pagkatao ko na kailangan kong malaman. And I can't even continue to move forward hangga't hindi ito nalalalaman. I tried to ask Mama about it. Kung may nakukwento akong ganon sa kaniya before. Pero ang sabi niya ay wala. Kaya hindi niya masasagot ang mga katanungan ko.

Sa totoo lang, I tried to forget those dreams. Sinubukan kong iignore ito pero minsan umaabot na ako sa point na hindi ako makatulog tuwing gabi kaiisip kung ano ang meron sa mga panaginip na iyon. Tila binabagabag ako. And I'm damn frustrated.

Mukhang isang tao lang ang makakasagot nito. And that's Maddie.

***
(Eliz Callister's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon