55.2: Wrong

14K 512 124
                                    

Maddie's POV

Lubos ang tuwa ko nang sabihan ako ni Eirol na pumunta sa kanila. Kaya nga nagmadali akong mag-ayos at pumunta sa kanila. Ang sabi niya kasi may ipapakita siya sa akin. Pero hindi niya nasabi sa akin kung ano. Kaya somehow, ay nasasabik akong malaman kung ano iyon.

Me: Malapit na ako.

Eirol: Okay. Copy. 👌

Napangiti na lang ako nang mabasa ang reply niya at agad nang nagfocus sa pagmamaneho. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad kong ginarahe sa gilid ang kotse ko at bumaba na. Nakita kong bukas na ang gate kaya pumasok na ako at pinindot ang doorbell.

Ilang saglit pa ay agad na akong pinagbuksan ni Eirol ng pinto kaya napangiti agad ako. Lalo na nang makita siya.

"Eirol, bakit mo ba ako pinapunta dito? Ano yung ipapakita mo sa akin?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"M-Maddie." sagot niya na parang nauutal. Bakit parang may gusto siyang sabihin sa akin? Bago pa ako makapagsalita ulit ay may sumulpot bigla na babae sa likuran niya.

"Eirol, who is--" hindi natuloy ng babae ang sasabihin niya at agad napukaw ang mata niya sa akin. Parehas kaming nagulat nang makita ang isa't-isa. Mukhang parehas naming hindi inaasahan na magkita dito mismo sa bahay ni Eirol. At hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang babaeng nakita kong kasama ni Eirol non sa Miami.

"U-Uhm. Eliz, meet Maddie. Maddie meet Eliz. My uhm--"

"His girlfriend. Nice to meet you, Maddie." sagot ni Eliz at naglahad ng kamay sa akin. So? Siya nga pala talaga si Eliz? Ang bagong girlfriend ni Eirol. Ito ba ang gusto niyang ipakita sa akin? Ito ba ang sinasabi niya?

Napatitig ako sa kamay ni Eliz na nakalahad sa harap ko saka nag-angat ng tingin kay Eirol. I want to say something pero umatras ang dila ko. Kaya inabot ko na lang ang kamay ni Eliz at nakipag shakehands.

"Come in, Maddie. Join us. Eirol baked a cake. Saluhan mo kami. Tutal, nandito ka na din naman." sabi ni Eliz at nauna nang pumasok sa loob ng bahay nila Eirol na para bang feel at home na siya kaya naiwan kaming dalawa ni Eirol dito sa front door.

"M-Maddie, I--" bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay nagsalita na ako. Gusto ko mang dinggin ang paliwanag niya ay hindi ko nagawa. Sapat na siguro itong nakita ko. Na ito ang sinasabi niyang gusto niyang ipakita sa akin. Na gusto niyang ipakilala sa akin si Eliz. Na gusto niyang makilala ko ang bago niya. Na okay na siya. Okay na siya kahit wala na ako sa buhay niya. At iniisip ko pa lang iyon ay nasasaktan na ako. Bakit nga ba ako nag-aassume?

"No, need to explain Eirol. Okay lang. Naiintindihan ko." sagot ko saka binigyan ako ng isang pilit na ngiti at sumunod kay Eliz sa loob. Naabutan ko si Eliz na nakaupo na sa sofa sa sala nila Eirol. Sinenyasan niya akong maupo kaya naupo na din ako. Ilang saglit pa ay sumunod na din si Eirol sa amin kaya sabay kaming napalingon ni Eliz sa kaniya.

"Why don't you get the cake, Eirol?" sabi ni Eliz.

"Uhh, s-sige." sagot ni Eirol at agad nagtungo ng kusina. Nakatingin lang sa akin si Eliz na may ngiti sa kaniyang labi. Pero halata naman na hindi genuine iyon. Ramdam kong parang ayaw niyang nandito ako ngayon. At ayaw ko din talaga siyang nandito ngayon. Tss.

Nang makabalik si Eirol bitbit na ang cake ay nilapag niya ito sa mesa sa harap namin. Agad nagslice si Eliz at iniabot sa akin ang platito na agad ko namang tinanggap. Doon ko lang napagtanto na banana cake ito. Ang paborito ko. Kaya napatingin ako kay Eirol. Doon ko napansin na nakatingin din pala siya sa akin na parang may gustong sabihin. Pero agad akong napabaling kay Eliz nang magsalita ito.

"Naikkwento ka sa akin ni Eirol. And I'm glad na nagkaroon akong chance para makilala ka Maddie. I'm sure naman kilala mo na din ako bago pa ako makapagpakilala hindi ba? I'm sure marami ng naikwento si Eirol sa iyo about sa akin." sabi ni Eliz at kumain ng cake sabay lapag ng platito sa lamesa. Hindi ako umimik at tumitig lang sa kaniya.

"Uhm, kukuha lang akong juice sa kusina." sabi ni Eirol at agad umalis ulit at bumalik sa kusina. Napabaling ulit ako kay Eliz nang magsalita siya.

"You know? This is the first time na nagbake si Eirol ng cake. I'm so proud of him. Mukhang may balak siyang aralin ang baking para sa akin. How sweet right? He's making an effort for me." sabi niya. Napaismid naman ako. Base sa pananalita niya, naaamoy ko agad na maldita din ito. Mukhang mahilig talaga si Eirol sa mga maldita ah?

"Oo nga. Ang sweet niya talaga. Akalain mo iyon? Una niyang naibake is yung paborito ko pa? Banana cake. What a coincidence." I teased saka kumain ng banana cake. Nakita kong pasimple siyang napairap dahil doon. And I can sense na naiinis na siya kaya napangisi ako. Maldita ka? Mas maldita ako.

"Well, I think I should teach Eirol ano ang dapat na magandang ibake." sabi niya at tumayo na naka crossed arms.

"Why are you here anyway?" she asked kaya napatayo din ako.

"Well, I don't know. Eirol messaged me to go here kasi daw may ipapakita siya sa akin." sabi ko na may panunuyang tono. Nagtaas naman siya ng kilay.

"You know what? Didiretsuhin na kita. I don't like you being here. Being with my boyfriend. I think you should back off, Maddieson. Eirol is off-limits. I'm his girlfriend now. At hindi na ikaw." simpat niya.

"Well, Eliz. The feeling is mutual. I don't like you either. And for your information, hindi pa kami nagbbreak ni Eirol officially. So, it means I'm still his girlfriend. At ikaw ang sabit. Ikaw ang kabit." sagot ko. Napanganga naman siya sa sinabi ko.

"And oh, I forgot to tell you na hindi ka palaging kinukwento ni Eirol sa akin gaya ng inaakala mo. I guess, he's not that talkative especially if the topic is about you." taas kilay kong sagot.

"HOW DARE YOU BITCH?!" sigaw niya at akto sanang sasampalin ako pero agad kong hinawakan ang braso niya at binalik sa kaniya ang sampal. Napahawak naman siya sa pisngi niya dahil doon.

"Yes, I dare. Bitch." sagot ko at binitawan ang kamay niya. Nang mapalingon siya sa likod ko ay bigla siyang sumalampak sa sahig kaya napakunot noo ako.

"Eliz!" tawag ni Eirol kaya doon ko lang napagtanto na si Eirol pala ang tinitignan niya sa likuran ko kanina. And now she's acting like a victim kahit na siya naman ang nagsimula. Tss. Drama queen bitch. Nang daluhan siya ni Eirol ay nakita ko pa ang mapang-asar na ngiti na gumuhit sa labi ni Eliz.

"Eirol! She pushed me. I'm just being nice with her lang naman tapos bigla siyang nagalit sa akin at tinulak ako." sagot niya kay Eirol. Napatingin sa akin si Eirol dahil doon. Na para bang tinatanong ako kung bakit ko nagawa iyon. Doon ako biglang nasaktan sa titig niya sa akin. Doon ko napagtanto na panalo man ako sa sagutan kay Eliz ay talo pa din ako. Talo ako pagdating kay Eirol. Malamang si Eliz ang pipiliin niya dahil ito ang girlfriend niya. At ito ang kakampihan niya. Ilang beses ko nang narinig mula sa bibig ni Eirol na pinili niya si Eliz over me kaya ayoko nang marinig pa ulit iyon ngayon.

Naluha na lang ako sa naisip ko at agad tumakbo paalis doon. Agad akong sumakay ng sasakyan ko at umalis sa bahay ni Eirol. Dito ko na lang binuhos ang lahat ng luha ko. Ayokong ipakita ko pa ulit sa kaniya. At hindi sa harap ng Eliz na iyon.

Ayokong sumuko pero itong damdamin ko ay unti-unti nang nanghihina. Anong magagawa ko? Mahal ko si Eirol. Pero sa tuwing nakikita kong mas pinipili niya si Eliz kaysa sa akin ay tila nawawalan ako ng kumpyansa sa sarili ko. Nawawalan ako ng lakas para magpatuloy. Parang pinapamukha niya sa akin na hindi na dapat ako mangialam sa bagong buhay na meron siya. Dahil okay na siya. Okay na siya nang wala ako.

Ang hindi ko lang matanggap, ay hindi ako okay. Hindi ako okay na mawala siya sa buhay ko. Siya ang nagpatunay sa akin na ang babaing tulad ko ay karapat-dapat na mahalin kahit na hindi ako ganon kaperfect gaya ng iba. He fulfilled my life with happiness. At hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin once na mawala siya.

Gusto ko mang lumaban, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa. Dahil wala akong kasiguraduhan kung may ipaglalaban pa nga ba ako. Kung dapat bang kumapit pa ako. Lalo na't alam kong sa una pa lang ay talo na agad ako.

***
(Maddie's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon