Maddie's POV
After ng pagtugtog nila ay biglang nawala si Cyleen sa tabi ko kaya hinanap namin siya ni Louise pero dahil sa dagat ng mga tao ay hindi na namin siya nakita. Umexit na din sila Eirol sa backstage kaya hinatak na din ako nila Louise papunta doon kasi baka nag-cr lang daw si Leen.
Nang makapunta kaming backstage ay pinakita niya yung backstage pass namin kaya pinapasok na kami sa loob. Bawal kasi pumasok ang mga unauthorized persons. But since maparaan itong si gaga at lahat gagawin ay bigla kaming nagkaroon ng backstage pass.
Nang makapasok kaming backstage ay tumambad sa amin ang ibang mga band na kasali din. Hinanap namin sila Eirol. Nang makita namin sila sa di kalayuan ay agad kaming lumapit sa kanila.
"Waaah! Bully, I'm so proud of you." bungad ni Louise kay Ethan sabay yakap dito. Ganon din si Andy. Yumakap din siya kay Drex kaya napatingin ako kay Eirol. Nginitian niya lang ako saka uminom na ng tubig.
"Nasaan si Gian?" tanong ko nang makitang wala yung gago kong kapatid.
"Biglang tumakbo paalis eh nung pagbaba namin ng stage. Di namin alam kung saan nagpunta." sagot ni Ethan.
"Si Leen din. Nawala bigla nang matapos ang kanta niyo." sagot ni Louise kaya nagkatinginan na lang kaming anim na mukhang parehas ang iniisip. Pero hinayaan na lang namin sila since hindi naman namin alam kung nasaan sila.
Napatigil ako nang mapansin na hindi ko pala nadala ang paperbag na dala ko kanina. Nandoon kasi yung cookies at brownies na binake ko lang kanina para sana sa kanila. At mukhang naiwan ko ito sa van dahil sa pagmamadali ni Louise kanina.
"Uhm, guys? May kukunin lang ako saglit sa van ha? May naiwan ako." pagpapaalam ko. Tumango na lang sila kaya nga naglakad na ako palayo sa kanila at akto na sanang lalabas ng pinto nang biglang may humarang na lalaki sa harap ko. Kinunutan ko naman siya ng noo nang makitang ngingisi-ngisi lang siya sa harap ko. Hmm. Base sa pagkakatanda ko, isa siya sa banda na unang nagperform kanina.
"Uhm. H-Hi. Sorry for being straight forward pero kanina pa kasi kita napapansin nung nagpperform pa lang kami. I can't stop looking at your face. I'm just wondering if I can get your number?" tanong niya sabay nagkamot pa sa batok niya. Napatingin na lang ako sa mga kasamahan niya na chinecheer siya ngayon. Sasagot na sana ako para tanggihan siya dahil hindi naman ako interesado pero napatigil ako nang biglang may braso na umakbay sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sino ay nakita ko si Eirol na seryosong nakatitig ngayon sa lalaking nasa harapan ko.
"Sorry, my girl is not interested." ismid niya sa lalaki. Nakita ko naman sa mukha ng lalaki ang pagkahiya.
"Oh, I-I'm sorry. I didn't know that she's taken bro." sagot ng lalaki.
"Well, now you know." sabi ni Eirol saka hinigit na ako paalis doon. Napangiti na lang ako dahil doon. Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil doon sa ginawa niya. Na iniwas niya ako doon sa lalaki na gustong kumuha ng number ko. Nagselos ba siya?
"Sasamahan na kita papunta sa parking lot. Baka mamaya ano pang mangyari sa iyo." sabi niya at inalis na ang braso niya sa pagkakaakbay sa akin at napamulsa na lang. Tumango na lang ako kaya nga naglakad na kami papuntang parking lot. Habang naglalakad kami ay bigla naming nakasalubong si Gian pero mukhang hindi niya kami napansin dahil dire-diretso lang ang lakad niya. Mukhang galing pala siya sa parking lot.
Nang makarating kami kung nasaan ang van na sinakyan namin ay agad ko ng kinuha yung paperbag na nakalapag sa upuan ko kanina saka humarap kay Eirol pagkasara ng pinto ng van.
"What is that?" tanong niya nang makita ang paperbag na dala ko.
"Cookies and brownies. Binake ko kanina para sa iyo. Pero you can share it kila Ethan dahil medyo madami naman iyan." sagot ko at nakangiting inabot ang paperbag kay Eirol. Agad niya naman itong kinuha mula sa kamay ko.
"Thanks. Nag-abala ka pa. Let's go back?" tanong niya kaya tumango ako bilang sagot. Tapos ay naglakad na ulit kami paalis ng parking lot at nagtungo muli pabalik sa may backstage.
"Eirol?" tawag ko habang naglalakad kami.
"Hmm?"
"Bakit mo sinabi sa lalaki na I'm your girl?" nahihiya kong tanong. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil doon kaya naisipan kong tanungin na lang siya para malaman ang kasagutan.
"W-Wala. Para lubayan ka niya." sagot niya.
"Bakit mo gustong lubayan niya ako?" tanong ko ulit.
"Wala. Ayoko sa kaniya. Mukhang walang gagawing maganda. Y-You should choose a better man to give your number you know?" sagot niya.
"Why? He looks good." I teased. Napatigil naman siya.
"Him? Geez, I didn't know that you have a low standards, Maddieson." He frowned. Napangisi na lang ako dahil doon. I don't really mean it naman talaga. Gusto ko lang tignan ang magiging reaksyon niya. And yep, I'm satisfied with his reaction.
"Bakit? Mukha naman siyang mabait." utas ko at sumunod na sa kaniya sa paglalakad.
"Tsk. Looks don't define personality. He may seem angelic on the outside, pero malay mo sa loob-loob pala mas marami pang sungay kay satanas." he smirked. Napangisi na lang ulit ako at napatango-tango na lang dahil doon. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka mamaya eh kapag sumobra na ako sa pagtatanong masaktan na naman ako. Ayos na itong sagot niya na ito. Kahit papaano naramdaman ko na may pake na ulit siya sa akin. At masaya na ako doon.
_
Nang matapos ang mga nagperform ay agad ding inaannounce ang mga winner. Hindi nag-champion sila Eirol pero nakuha nila ang 2nd place kaya natuwa din kami kahit papaano dahil naging sulit naman ang effort nila sa pagrerehearse. At dahil nga nanalo sila ng second place ay dumiretso kami sa isang samgyeopsal restaurant para magcelebrate bilang dinner na din dahil pare-parehas kaming di pa nakakakain. Kasama na din namin si Elaine na kanina pa pala nandoon sa crowd hindi lang namin napansin dahil bandang gitna daw siya nakapwesto. Si Cyleen naman nagchat sa akin na umuwi na daw at sumabay na sa kaibigan niyang si Ahl dahil masama daw pakiramdam niya kaya hinayaan na lang namin para makapagpahinga na siya. Too bad lang at hindi siya nakasama dito sa restaurant.
Kasalukuyan kaming kumakain habang nagkkwentuhan at nagtatawanan sila Louise. Si Eirol at Drex naman ang nagluluto ng strips ng karne sa may grill na nasa gitna. Napangiti na lang ako nang lagyan ako ni Eirol ng another strip ng pork sa plato ko. Hinayaan ko na lang siyang gawin iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nang mayari naman kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit saka nagpasya na ding umuwi para makapagpahinga na din kami.
Kaso nang makauwi ako ay napatigil ako nang makitang may kausap sila Mama sa sala. Anong oras na ng gabi pero may bisita pa din sila? Nakatalikod yung lalaki sa akin kaya hindi ko makilala kung sino. Pero nang makita ako ni Mama na dumating kasama si Gian ay tila naestatwa siya na parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kaya nagtaka ako bigla.
"Gian. Maddie. N-Nandiyan na pala kayo." bungad niya sa amin ni Gian. Kasabay non ay ang dahan-dahang paglingon ng lalaking bisita nila sa direksyon namin. Napatayo siya nang magtama ang mga mata namin. Nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay tila naestatwa din ako gaya ni Mama. At ang galit na akala ko ay nawala na sa puso ko ay muli na namang nabuhay. Lalo na nang makita ko siya. Ang mukha ng lalaking nang-iwan sa amin ni Mama. Ang mukha na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan.
"Maddie...anak." tawag niya sa akin. Pero hindi ako nakaimik. Sa halip ay napakuyom ang palad ko. Imbes na tuwa ang maramdaman ko ngayong nandito na ang tunay kong ama ay galit ang naramdaman ko. Galit at pighati dahil sa ginawa niya sa amin ni Mama.
Kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa amin. Dahil sa kaniya malaki ang nagbago sa buhay ko. Sa buhay namin ni Mama. Sinira niya lahat ng pangarap namin. Sinira niya ang masayang pamilya na minsang inasam ng bata'ng ako. Sinaktan niya si Mama. At sinaktan niya din ako.
Tapos ano? Ngayon babalik siya dito at tatawagin ako ulit na anak na akala mo wala siyang ginawang malaking kasalanan sa amin ni Mama? Ang kapal niya para bumalik pa at magpakita sa amin. Ngayon pa? Ngayon pa na okay na kami. Para ano? Para sirain na naman kami? Ganiyan ba siya kawalang puso talaga? Hindi pa ba sapat na iniwan niya kami noon at sumama siya sa ibang babae niya? Tss.
***
(Maddie's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Roman pour AdolescentsAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...