31: Heartache

15.8K 539 15
                                    

Cyleen's POV

Nandito na ako ngayon sa ospital. Dumalaw ako agad nang malaman kila Maddie na nagkamalay na si Andy. Kakamustahin ko na lang muna siya bago ako dumiretso sa shoot.

Nang makalabas akong elevator ay agad akong naglakad patungo sa room ni Andy. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Tapos nang pumasok ako ay nakita ko doon si Maddie at Louise. Binati nila ako. Kaya napangiti na lang ako.

"Taray ah? Lakas maka ootd." sabi ni Louise nang mapansin ang suot ko. Natawa naman ako.

"Yeah. Didiretso kasi ako sa shoot after ko dito kaya pormado ako ngayon." sagot ko. Napatango na lang sila. Napakunot noo ako nang mapansing nakashades si Louise kahit na nasa loob naman kami ng room ni Andy.

"What's with the sunglasses?" I asked.

"Why? Do I look gorgeous?" nakangising tanong ni Louise. Napailing-iling na lang ako.

"Tanggalin mo iyang salamin mo. Tignan natin kung gorgeous ka pa. Parang kagagaling mo lang sa suntukan eh." sabi ni Maddie.

"Shut up, bitch." sabi ni Louise kaya napairap si Maddie. Hahaha! Grabe namiss ko ang pagtatalo nila ah? Napabaling naman ako kay Andy ngayon na kumakain ng tinapay.

"Kamusta ka Andy? Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sabay nilapag sa sidetable niya ang dala kong basket ng fruits.

"Yep. Pero kailangan ko pa daw magstay dito ng ilang araw pa eh. Natatakot din sila Mama baka atakihin kasi ako ulit. Hehe." sagot niya. Napangiti na lang ako. Buti naman okay na siya ngayon. Pinakaba niya talaga kami nila Maddie kahapon. Hays.

Napatigil naman ako nang magring ang phone ko. Nakita ko ang name ni Zeb. Ang assistant ni Ms. Jil. As in Jilniana Lazaro. Ang handler ng project namin ngayon. Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello, Zeb?"

[Gurl, where are you na? Magsstart na ang shoot in 5minutes. Kaloka ka.] sabi niya kaya napatingin ako sa orasan ko at napagtantong magsstart na nga ilang minuto ang shoot.

"Ay, osige. Pupunta na ako diyan." sabi ko.

[Dalian mo gurl nako. Magtataxi ka pa. Bakit kasi hindi ka na lang mamili ng car.] bulalas ni Zeb. Natawa na lang ako.

"I'll be there in no time, Zeb. Ako na ang bahalang mag-explain kay Ms. Jil pagkadating ko. Don't worry."

[Osige, gurl. Goodluck and hurry! Time is running.]

"Sige, Zeb. Bye." sagot ko then ended the call. Lumingon naman ako kila Louise.

"Uhm, guys? I have to go. Tinawagan na ako ng assistant ng manager ko." sabi ko. Kaya napatango sila.

"Sige sis. Ingat!" sabi ni Louise. Sila Maddie at Andy naman ay kumaway na lang sa akin. Kaya nga napangiti na lang akong lumabas ng room at dumiretso ulit sa elevator. Nang makababa ako sa ground floor ay agad akong tumawag ng taxi pagkalabas ko.

At dahil traffic ay nakarating ako sa venue ng late. Late ng 20 minutes. Pagkababa kong taxi ay dumiretso na ako agad sa loob ng building. Pagkapasok ko pa lang ay agad akong sinalubong ni Zeb.

"Cyleen. Gosh. You're late!" bungad niya sa akin.

"Traffic eh. Sorry." sabi ko kaya napabuntong hininga siya.

"Wait, sabihan ko lang si Madam na nandito ka na." sabi niya. Napatango na lang ako kaya umalis siya agad sa harap ko. Napatingin na lang ako sa paligid. Busy ang lahat as always. One week lang ang photoshoot namin talaga. At ikatlong araw ko na ngayon. After that eh makakapagpahinga kami ng ilang buwan. 2 months kasi ang preparation para sa fashion show. Then after that, saka ko na pag-iisipan kung babalik pa ako ng France at itutuloy ang career ko or magsstay na lang dito for good. Parang ang hirap na kasing umalis gayong nakasama ko ulit ang mga kaibigan ko.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon