26: Different

17K 623 30
                                    

Andy's POV

Nang mag-uwian ay nakatanggap akong text kay Papa na dumaan daw muna ako sa grocery na lagi naming binibilhan dahil naiwan niya daw doon yung bouquet na binili niya para kay Mama nung naggrocery siya kanina. Wedding anniversary kasi nila ngayon kaya naisipan ni Papa bilhan si Mama ng bulaklak. Eh kaso may pagka ulyanin na si Papa kaya iyon. Hahaha! Nagpaalam na ako agad kila Maddie na may dadaanan lang ako saglit kaya mauuna na ako. Tatambay pa kasi sila sa café para hintayin si Leen.

Nang makarating ako sa grocery store ay agad akong lumapit sa baggage counter para tanungin kung may nakaiwan ng bouquet. Ayaw pa ibigay sa akin nung una kasi daw wala akong number tag na hawak. Kaya pinakita ko na lang sa kaniya yung pinicture'an ni Papa na number kaya naniwala din sa akin si kuya at binigay din. Tsk. Si Papa naman kasi eh.

Paalis na sana ako nang mapansin ang lalaking nasa gilid ko. Napangiti ako nang mapagtantong si David iyon. Kaya naisipan ko siyang batiin.

"Uy, David!" bati ko kaya gulat siyang napalingon sa akin.

"Andy. Ikaw pala. Dito na naman tayo nagkita." nakangiti niyang bati sa akin. Natawa naman ako doon. Talaga naman kasing dito kami panay nagkikita.

"Oo nga eh. Hahaha! Kinuha ko lang itong bouquet na naiwan ni Papa dito. Anniversary kasi nila ni Mama ngayon tapos nakalimutan itong regalo niya. Naggrocery kasi siya kanina." explain ko kaya napatingin siya sa bouquet na hawak ko at napatango.

"Ah, I see." nakangiti niyang bati.

"Sige, David una na ako. Bye!" sabi ko at pumihit na paalis. Kaso saktong pagharap ko ay nagulat ako nang makita si Drex. Napatingin siya sa akin at kay David sabay sa bulaklak na hawak ko. Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa nakita niya bago siya tumalikod paalis. Namali pa yata siya ng akala. Gusto ko mang habulin siya ay hinayaan ko na lang siyang isipin kung ano ang inakala niya. Napatingin sa akin si David na mukhang nag-aalala pero binigyan ko na lang siya ng ngiti para sabihing okay lang tapos umalis na din ako agad doon na parang walang nangyari.

Nang makauwi ako ay agad kong binigay kay Mama ang bouquet tapos binati siya ni Papa. Napangiti na lang ako nang makitang masaya ang Mama at Papa ko. Tapos umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Naisip ko na naman yung itsura ni Drex kanina. Mukhang inakala niya pa yata na si David ang ipinalit ko sa kaniya. Hays. I'm verry sorry Drex.

_

Kinabukasan ay hindi pumasok si Drex. Kaya tinanong ko kay Ethan kung bakit. Pero hindi niya din daw alam dahil wala daw nasabi sa kaniya si Drex. Inaamin kong nag-aalala ako kung anong nangyari sa kaniya. Pero hanggang dito na lang ako. Dahil wala na akong karapatang mangialam sa kaniya. Wala na kami. At ito ang naging desisyon ko. Kailangan kong pangatawanan ito.

Nang sumunod na araw, dumating na ang teacher namin pero wala pa din si Drex kaya nag-aalala na talaga ako sa tao. Alam kong sinaktan ko siya pero ayokong maging ganito siya. Yung pinapabayaan ang sarili niya. Unti-unti na tuloy talaga akong nagsisisi. Tsk. At dahil hindi na ako mapakali ay kinuha ko na ang phone ko. Akma ko na sanang itetext siya nang biglang may lalaking pumasok. Kaya nagulat ang adviser namin. Pati mga kaklase ko.

"Excuse me?" mataray na sabi ng adviser namin kaya napahinto yung lalaki.

"Sorry, Sir. I'm late. Di na mauulit." nang magsalita ang lalaki ay doon ko napagtanto kung sino. Nang humarap siya sa amin ay doon ko nakita ang mukha niya. Si Drex. Kaso bakit parang nag-iba siya? Nagpa-new look? Anong palabas ito Drex?

Nakasuot siyang polo pero hindi ayos ang pagkakasuot nito. Nakatupi ang dulo ng manggas tapos bukas yung butones sa bandang dibdib kaya kitang-kita yung colored shirt na suot niya. Tapos may piercing siya sa tenga. Which is bawal sa school. Ano ba ito ha? Nagpaka badboy look siya para saktan ako?

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon