Drexler's POV
Nang makalabas akong cafeteria ay nagmadali akong lumabas ng school. Sinita ako ng guard kaya agad akong tumakbo at sumakay sa sasakyan ko saka nagmaneho paalis.
Tinext ko ang Mama ni Andy kung saang ospital naka confine si Andy. Agad niya itong binigay sa akin ang address kasama ang room number ni Andy at nagsorry. Kaya nga nagmadali akong pumunta sa ospital na sinabi niya. Nang makarating ako sa ospital ay agad akong bumaba ng kotse at mabilis na umakyat papunta sa room ni Andy. Naghagdan na lang ako para mas mabilis.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto at nakita ang pangalan niya na nakasulat dito ay agad na akong pumasok kahit na hindi pa kumakatok. Naabutan ko sa loob sila Maddie. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila. Pati si Andy ay tila naestatwa nang makita ko.
"D-Drex?" nauutal niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Tumitig lang ako sa kaniya.
"Uhm, Ands. Labas muna kami ni Maddie. Hehe." sabi ni Louise at agad hinatak si Maddie palabas ng kwarto at iniwan kaming dalawa ni Andy.
Pinagmasdan ko si Andy na nakaupo ngayon sa hospital bed. May dextrose siya sa kamay. Ngayon ko lang din napansin na medyo pumayat siya. Kaya bigla akong nakaramdam ng kung anong kirot sa puso ko. I just stared at her with tears on my eyes. Hindi ko na napigilan ang sarili ko lalo na at nakikita ko siya ngayon sa ganitong kalagayan. Na ako dapat ang nag-aalaga sa kaniya pero anong ginawa ko? Sinaktan ko siya. At ako ang dahilan kung bakit siya nandito. Bigla akong nakaramdam ng konsensya at pagsisisi sa mga nagawa at nasabi ko sa kaniya without knowing her true reasons. Napakatanga ko para hindi mapansin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya na hindi pinuputol ang tingin ko sa mga mata niya. Nanatili akong umiiyak kaya naiyak na din siya habang nakatitig lang sa akin. At nang makalapit ako sa kaniya ay agad ko siyang ikinulong sa mga bisig ko at humagulgol.
"I hate myself. I fucking hate myself for hurting you, Andy. I'm so sorry. I'm sorry, Andy. Damn it." sabi ko habang patuloy pa din na humahagulgol. Parehas kaming umiiyak dito ngayong dalawa.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Andy? Bakit?" bulong ko sa kaniya habang hindi pa din umaalis sa pagkakayakap sa kaniya.
"I'm sorry. Ayoko lang na isama ka pa sa paghihirap ko Drex. Sorry." sagot niya na medyo pumiyok na dahil sa paghagulgol niya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi.
"Stupid girl, why do you think that way? Una pa lang kasama mo na ako sa lahat. Kahit mahirap man yan o magaan, Andy. Please don't do this again. Ipangako mo." sabi ko. Marahan naman siyang tumango.
"Yes, I promise. Drex. I'm very sorry." sabi niya. Kaya nga niyakap ko siya ulit.
"Sorry for what I did. I'm just hurt when you leave me. I didn't know na palabas mo lang ang lahat para itago sa akin ang totoong rason mo. I'm sorry, Andy. Masyado akong nagpadala sa galit ko. Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa iyo. Sorry." sabi ko.
"Naiintindihan ko Drex. Ako naman ang nagsimula non eh. Kaya naiintindihan kita." sabi niya at hinaplos ang likod ko. Kumalas naman ulit ako sa yakap at saka pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Pinunasan niya din naman ang luha ko kaya napangiti ako.
"Hindi na ako aalis, Andy. Sasamahan kita. Magkasama nating haharapin ito. Understand?" sabi ko. Tumango-tango naman siya.
"I will never leave your side again." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Napatingin na lang ako doon sa palad niyang may nakakabit na dextrose. Hindi ko maiwasang malungkot. At paulit-ulit kong sisisihin ang sarili ko dahil dito. Kasi ako naman talaga ang may kasalanan nito eh. Kung hindi ako nagpakagago nung time na iyon at hindi hinalikan yung babaeng hindi ko naman masyadong kilala edi sana wala dito si Andy sa ospital.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...