Louise's POV
"Saan ba tayo pupunta kasi?" tanong ko. Bigla-bigla kasing pupunta dito yung tatlo at pinagbibihis ako ng dress na puti. Sabi may pupuntahan daw kaming kasal.
"At sino bang ikakasal?" tanong ko ulit habang nagmmake up. Si Maddie ang nagkakalkal ngayon sa closet ko ng white na dress tapos si Leen ang namimili ng sapatos ko. Si Andy ay nakaupo naman sa kama ko. At oo, silang tatlo nakabihis na. Nakaputing dress silang tatlo. Bigla kasing pupunta dito sa bahay sasabihin aalis di man lang ako tinext ng maaga. Myghaad.
"Basta! Wag na puro tanong at dalian mo na diyan." sagot ni Maddie sa akin. Napairap na lang ako tapos nag-apply na ng lipstick as final touch.
"Iyan, I'm done na." sabi ko kaya nga agad na nila akong hinatak paalis. Sa kotse ni Maddie kami sumakay papunta sa kung saan na kanina pa nila hindi sinasabi sa akin. Ewan ko ba sa tatlong ito kung anong trip. Nang makarating kami sa isang lugar ay agad silang bumaba. Nang makababa naman ako ay nagulat ako nang piringan nila ako.
"Hey! Para saan ito." sabi ko nang takpan nila ng scarf ang mata ko. Narinig ko naman ang hagikgik ni Andy.
"Basta wag na puro tanong tara na." sabi ni Maddie. Tapos naramdaman ko na lang na may humawak sa magkabilang braso ko para gabayan ako.
"Para saan naman kasi ito? Required ba ito sa kasal ha? Lakas naman ng trip ng ikakasal na iyan." sabi ko habang naglalakad kami. At dahil wala nga akong makita ay nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang inaalalayan nila ako. Nang maramdaman kong damo na ang tinatapakan ko ay nagsalita ulit ako. Hirap na baka itapon pala ako sa ilog ng mga ito.
"Hey! Nasaan ba tayo? Itatapon niyo ba ako sa ilog huh? Is this kidnapping? Omfg." sabi ko.
"Dapat pala bibig piniringan sa iyo hindi mata eh." rinig kong sabi ni Maddie. Narinig ko na lang ang tawa ni Leen at Andy. Nang huminto kami ay hindi na damo ang tinatapakan ko. Parang carpet na yata?
Pagkatanggal ni Maddie nang piring ko ay agad akong sinuotan ni Cyleen ng flower crown sa ulo. Tapos inabutan ako ni Andy ng bouquet kaya nagtaka na talaga ako.
"Para saan ba ito? Saka nasaan ang mga bisita? Bakit walang katao-tao?" sabi ko nang mapansing wala namang katao-tao kundi kami lang. Pinaglololoko yata kasi ako ng mga babaitang ito.
"Sumunod ka na lang sa amin. Sa pinakadulo ka. Okay?" sabi ni Maddie at pumila na kami. Ewan ko ba sa mga ito. Di sinabi na mag-aabay pala kami sa kasal. Sino ba kasing ikakasal? Lintek naman. Nang magsimula ng maglakad si Andy ay sinundan siya ni Leen. Tapos sumunod na din si Maddie. Nang ako na ang maglalakad ay natuod ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko si Ethan na nasa altar. Nakita ko din ang gulat sa mata niya nang makita ako. Teka, ano ba ito? Pakulo ba nila ito?
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya. Kasabay non ay ang biglang simula ng kanta.
(Beautiful in White by Shane Filan)
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing pieceNakatitig lang kami ngayon sa isa't-isa. Hindi kami nakangiti or nakasimangot. We're just looking at each other with unreadable expression. Dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. If matutuwa ba ako, or maeexcite, or tatakbo na lang paalis. Kasi I'm the one who decided na magcool off kami.
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...