Gian's POV
Magkasama kami ni Elaine ngayon dito sa Mall. Nagpasama kasi siya dahil may bibilhin daw siya kaya sinamahan ko na. Panay kasi Mall ito. Wala na lang akong magawa kung hindi ang samahan siya kasi kapag umayaw naman ako ay pupuntahan niya ako sa bahay. Tss.
"Anong mas bagay sa akin babe? Pink or purple?" tanong niya sabay pakita sa akin ng dalawang dress.
"Pareho lang namang damit iyan kaya bakit kailangan pa mamili." sabi ko. Napapout naman siya. Pero hindi ko na lang pinansin.
"Okay, Miss. I'll take this both." sabi niya sa staff at inabot ang dalawang dress. Sumunod naman siya doon sa babae para magbayad sa counter kaya lumabas na lang muna ako ng boutique at hinintay siya. Nang makalabas siya ay agad siyang humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"So, saan naman tayo ngayon?" nakangiti niyang sabi.
"Ikaw bahala ka." sagot ko.
"Why are you so grumpy?" tanong niya. Hindi ko na lang pinansin dahil hinila niya naman agad ako papunta doon sa isang lemonade stall. Halos apat na buwan na din kami ni Elaine. Nasanay na lang ako sa presensya niya. Sa pagiging makulit niya. Kaya wala na lang sa akin.
Nakilala ko siya noon nung mga panahong lugmok na lugmok ako dahil sa biglang pag-alis ni Cyleen. Siya ang kasama ko. Siya ang nagpagaan ng loob ko. Nilibang niya ako kahit papaano. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noon kung bakit bigla ko siyang kinumbinsi maging girlfriend ko. Siguro dahil desperado lang talaga ako na makalimot kay Leen. At si Elaine ang saktong nandoon nung time na iyon. Kaya ito.
Napatingin ako nang agad siyang lumapit sa akin nang makabili na siya ng lemonade. Nakangiti niyang inabot sa akin ang isa pang lemonade na binili niya. Agad ko naman itong tinanggap at ininom.
"Pampalamig ng ulo mo. You're so grumpy eh. Hahaha!" sabi niya. Napatitig naman ako sa kaniya. May parte sa akin na nakokonsenya din. Kasi wala akong nararamdaman kay Elaine. Parang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Pinilit ko ang sarili ko na mahalin siya pero hindi ko magawa. Ginagawa ko lang siyang panakip butas. At naiinis ako sa sarili ko dahil ginagago ko lang siya.
"Elaine. Hanggang kailan?" tanong ko. Napatigil naman siya.
"Ang alin?" nakangiti niyang tanong. Napabuntong hininga naman ako.
"Ito. Hanggang kailan natin lolokohin ang mga sarili natin?" sabi ko. Napatigil naman siya sa pag-inom ng lemonade.
"Don't say that. Ayos lang naman sa akin. Aware akong hindi mo ako mahal. Wag mo na lang ipaalala. I'm happy na nakakasama kita Gian." nakangiti niyang sabi. Napatitig lang ako sa kaniya. Nakangiti siya pero alam kong hindi totoo iyon. Kaya lalo akong nakonsensya. Itong relasyon namin ay hindi pagpapanggap. Totoong kami. Pero label lang. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Aware si Elaine doon. Mahalaga din naman siya sa akin. Pero hinding-hindi ko masusuklian ang mga pagmamahal na binibigay niya sa akin. Sumusubok ako. Pero hindi ko pa din makaya. Naiinis akong aminin na si Cyleen pa din talaga. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya makalimutan. Kung kaya lang turuan ang puso. Si Elaine na lang ang mamahalin ko. Kasi siya ang nandito sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. Hindi katulad ni Leen.
"I'm aware that you don't love me like the way I love you, Gian. Pero okay lang sa akin. Just let me stay by your side. Please. Maghihintay ako kahit gaano katagal." sabi niya.
"Elaine...I'm sorry." sabi ko.
"Don't be sorry, Gian. Ginusto ko din naman pasukin ang relasyong ito kaya okay lang sa akin. Tanggap ko na rebound lang ako. I know siya pa din." sabi niya.
"Why are you doing this? Bakit ka nagtitiis sa akin? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?"
"Because I love you. That's why I'm doing this. Kahit na alam kong hindi naman ako ang mahal mo. Okay lang sa akin Gian. Basta hayaan mo na lang akong mahalin ka. Desperada na kung desperada." nakangiti niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at ininom ang lemonade.
"Hurry. I'll take you home." sabi ko nang maubos ko ang lemonade ko at agad tinapon sa basurahan.
"Masyado ka namang nagmamadali. Ayaw mo bang mag-ikot ikot muna?" tanong niya.
"I'm not in the mood today. Next time na lang." sabi ko. Napatango na lang siya.
"Okay. If that's what you want." sabi niya at tinapon na din sa basurahan ang pinag-inuman niyang lemonade.
"Let's go." nakangiti niya sabi at umakay ulit sa braso ko. Hindi na lang ako umapila.
Nang maihatid ko na siya sa kanila ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto kaya nga bumaba siya.
"Thanks." sabi niya. Tumango na lang ako at akto na sanang sasakay ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Gian!" tawag niya. Kaya napalingon ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin.
"I have something to give you." nakangiti niyang sabi at inabot sa akin ang isang paperbag. Napakunot naman ang noo ko.
"What is this?" tanong ko.
"Open it." sabi niya kaya nga agad ko ng binuklat ang paperbag. Tumambad sa akin ang isang watch. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Happy Birthday!" masaya niyang sabi. Doon ko lang naalala na birthday ko nga pala ngayon. Nakalimutan ko.
"T-Thanks. But you don't need to buy this for me." sabi ko. Nahihiya ako kasi hindi biro ang presyo ng relo na ito.
"Why not? You are my boyfriend kaya bibigyan kita ng regalo kahit kailan ko gusto. Saka birthday mo ngayon. Hindi pwedeng wala akong regalo no." sabi niya at tumawa.
"Thank you." sabi ko ulit.
"No, Gian. Thank you." sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Bakit siya nagpapasalamat sa akin?
"Thank you dahil hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo kahit na hindi mo ako kayang mahalin. Doon pa lang Gian masaya na ako. Kaya wag mo akong alalahanin." sabi niya ata agad akong dinampian ng halik sa pisngi.
"Bye. Ingat ka! Happy birthday ulit." nakangiti niyang sabi at agad ng pumasok sa loob ng apartment na inuupahan niya. Kaya nga agad na akong sumakay ng sasakyan at umuwi.
Nang makauwi ako sa bahay ay patay ang ilaw kaya nagtaka ako. Nang buksan ko ang ilaw ay nagulat ako nang may biglang may sumabog na confetti sa mukha ko.
"HAPPY BIRTHDAY!" sigaw nila. Pero napapikit ako kasi sa mukha ko mismo sumaboy yung confetti. Nang dumilat ako ay si Ethan ang bumungad sa akin.
"Hehe. Sorry brad. Si Drex talaga iyon eh." sabi niya at hinagis kay Drex yung confetti na hawak niya kanina.
"Anong ako. Ikaw nga yon eh." sabi naman ni Drex. Napairap na lang ako sa dalawa at napatingin ngayon sa sinet-up nilang handaan sa lamesa.
"Happy birthday, hijo." masayang bati ni Tita Liyanel. Nginitian ko na lang siya.
"Happy birthday, son." sabi naman ng Dad ko at tinap ang balikat ko. Tinanguan ko na lang siya. Mula nung naging mag-asawa sila ni Tita Liyanel naging maayos naman na ang turingan namin ni Dad. Hindi na kami nagtatalo gaya ng dati. Kaya kahit papaano ay ayos din naman sa akin na nakapag-asawa siya ng bago. He's my Dad after all. Deserve niya ding maging masaya ulit. And I know ganito din ang gustong mangyari ni Mom. Na maging masaya kami ulit.
Sunod na lumapit sa akin ay si Maddie na hawak ang cake na may nakasinding kandila. Agad ko itong binlow.
"Alam mo? Uso magwish ungas ka." sabi niya at inirapan ako.
"Tss. Bakit pa magwiwish kung hindi naman matutupad." sabi ko. Hindi niya na lang ako pinansin saka nilapag ang cake sa lamesa kasama ng ibang handa.
"Kainan na! Yey!" sigaw ni Andy kaya nga nagsimula na silang magkainan. Pinanood ko lang sila habang masayang kumukuha ng mga pagkain sa mesa.
Napangiti na lang ako dahil naalala pa nila ang birthday ko na nakalimutan ko mismo. Kahit papaano naman may mga tao pa din naman palang nagmamahal sa akin. Bukod kay Elaine, nandiyan din ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Pero bakit ganon? Bakit malungkot pa din ako. Bakit pakiramdam ko may kulang pa din.
***
(Elaine's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...