38: Fashion Show

18.1K 612 13
                                    

Cyleen's POV

Nang lumipas ang ilang buwan. Dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Which is ang fashion show. Naging busy si Miss Jil sa pag-aayos kasama ang kaibigan niyang fashion designer na galing pang Las Vegas. Nameet ko na ito nung dumating ito last week. Last week kasi eh halos strikto dahil sa preparation. Mabait naman ito pero like Miss Jil strikto ito pagdating sa trabaho.

Nandito ako ngayon sa dressing room, kasalukuyang inaayusan kasama ng mga ibang model. Nakabihis na din ako suot ang damit na irarampa ko mamaya sa runway. And in a few minutes ay magsisimula na din ang show. Sinabihan ko sila Maddie about dito kaya nagdecide silang manood para sa akin.

Andy: Leen! Goodluck! Nandito na kami. Kakawayan kita mamaya. 😂

Louise: Goodluck gurl! You can do it! ❤️

Maddie: Goodluck, Cyleen. 💪

Me: Thanks. Guys! 😘

Napangiti na lang ako ng mabasa ang message nila saka itinago na ang phone ko sa bag at tumingin ulit sa salamin.

"Done." sagot ng make up artist nang matapos akong ayusan.

"Thanks." sagot ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Sakto namang pumasok na si Zeb at nagclap para kunin ang atensyon ng ibang models.

"Attention ladies! Mag-iistart na ang show. Pumunta na sa backstage ang mga tapos ng ayusan sabi ni Madam para makapagready na. Go!" sabi ni Zeb kaya nga lumabas na ang ibang models. Dahil tutal tapos na akong ayusan ay lumabas na din ako ng dressing room at nagtungo sa backstage. Sinalubong ako ni Ahl doon kaya napangiti ako.

"Uy, Ahl!" bungad ko nang makita siya.

"Nervous?" tanong niya.

"Actually, oo. Masisisi mo ba ako? First time kong sumali sa fashion show. Tapos kilalang designer at expert pa ang naghandle ng event na ito." sabi ko. Nung nasa France kasi ako hindi ako sumasali sa fashion shows. Sa mga photoshoot lang talaga ako. Ngayon lang talaga ako tumanggap ng project na ganito dahil nga gustong-gusto ko ng makabalik dito sa Pilipinas.

"Well, don't be nervous. Just have fun. Consider this as your first milestone. Just be yourself and be confident." sabi ni Ahl. Napangiti na lang ako at saka tumango. Mahahati kasi sa tatlong show ang event. Which is ang una ang irarampa namin sa runway ay yung mga two-pieces na outfit. Pangalawa ay mga knee-length na cocktail dresses. Tapos panghuli mga long gowns.

Nang mamatay ang mga ilaw sa stage ay nagsimula ng magplay ang slideshow sa bigscreen na nasa center. Isa-isa na din kaming pinapila na mga models. At dahil ako ang pinaka main model ng show, ako ang ilalagay sa huli. Sumenyas na si Miss Jil nang mayari na ang slideshow sa bigscreen. Nagsimula ng lumabas isa-isa ang mga models at rumampa sa runway. Nang ako na ang susunod ay bumuntong hininga ako. Tapos nang sumenyas na si Miss Jil ay umakyat na din ako at lumabas papunta sa runway. Naka fierce look lang ako habang rumarampa. Tapos huminto ako sa dulo gaya ng iba at nagpose sa camera saka rumampa ulit sa runway pabalik sa backstage. Agad akong nagpalit ng knee-length cocktail dress. Tapos niretouch ng konti ng make up artist bago nagtungo ulit sa backstage.

Medyo nakakakaba kapag nasa backstage ka. Pero once na ako na ang rumarampa doon sa runway ay nagfofocus na lang ako sa paglakad ko. Hindi ko din naman makita ang mga audience dahil madilim sa part nila at nasa amin lang ang spotlight.

Nang matapos naman ang second show ay nagpalit ulit kami sa dressing room para sa final show. Pinagbreak din kami saglit habang pinapalabas sa bigscreen ang isa ulit na slideshow. Tapos saka na ulit kami tinawag para bumalik sa backstage.

Isa-isa nang lumabas ang mga model ulit kaya nagready na din ako. Nang ako na ang lalabas ay umakyat na ulit ako papuntang runway at saka rumampa confidently suot ang long gown. Tapos ay rumampa na ako pabalik sa front stage at nagpose kasama ang mga ibang models na nakatayo sa platform. Nang mamatay ulit ang ilaw ay lumabas naman mula sa backstage si Miss Jil kasama si Miss Richardson. Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao kaya napangiti na lang ako. Nagbow si Miss Jil at Miss Richardson sa may dulo ng runway at ngumiti sa camera. Tapos nung pabalik na sila ay isa-isa na kaming bumalik ng backstage.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon