Maddie's POV
Ngayon daw bibisita ang sinasabi ni Gian na Aunt Jil niya kaya nagpaluto si Mama sa mga maid ng mga putahe na paborito daw nito. Dito siya magdidinner sa bahay para daw bumisita at mameet ako. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako or kakabahan. Kasi base sa pagkkwento ni Tito Derek eh sopistikada daw.
Simpleng pambahay lang sana isusuot ko kaso sabi ni Mama mag-ayos daw ako ng konti dahil nga bisita daw iyon. Kaya ito nakaharap ako ngayon sa human-sized mirror ko habang pinagmamasdan ang suot kong bestida. Napabuntong hininga na lang ako at saka sinuklay ang buhok ko. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto ko kaya nga agad akong nagtungo doon at binuksan. Tumambad sa akin si Gian kaya automatic na napataas ang kilay ko.
"Padating na si Aunt Jil kaya bumaba ka na daw sabi ni Tita Liyanel." sabi niya na walang kaemo-emosyon ang mukha.
"K." sagot ko. Kaya nga umalis na siya sa harap ko. Ako naman ay tumingin pa sa salamin ko sa huling pagkakataon bago lumabas ng kwarto at sumunod kay Gian sa baba. Pagkababa ko ay saktong pumasok ang isang babae. Rinig na rinig ang tunog ng takong niya habang naglalakad papalapit sa amin. At ang lakad niya poised! Yung aura niya nagsusumigaw ng confidence. Nang makalapit siya sa amin ay binigyan niya kami ng ngiti.
"Well, thank you for preparing a dinner for my visit. It's an honor to be here." nakangiti niya pa ding sabi. "Hey my handsome nephew." bati niya kay Gian. Nginitian naman siya ni Gian. Tapos bumaling naman siya kay Tito Derek.
"Hey, animal! Buhay ka pa! Congrats." sabi nito kay Tito Derek. Napakagat naman ako sa labi ko. Nagpipigil ng tawa. Di ko inaasahan na ganon ang bungad niya kay Tito Derek. Hahaha! Napaclear throat naman si Tito Derek mukhang hindi natuwa kay Aunt Jil.
"It's nice to see you too, Jilniana." sagot ni Tito Derek with a sarcastic tone. Napahalakhak naman si Aunt Jil. Halakhak pang sopistikada.
"Oh, puhlease Derek. Stop the formalities and call me Jil." sagot nito at bumaling kay Mama.
"So, you are the unlucky wife of this boar. Huh?" tanong niya kay Mama.
"Uhh, yeah? Haha. Nice to finally meet you, Jil. I'm Liyanel." sabi ni Mama at naglahad ng kamay pero tinitigan lang ito ni Aunt Jil.
"Oh no. I don't do that thing. I do beso instead...Nice to meet you, Liyanel." sabi nito kay Mama at nakipagbeso. Tila nakisakay na lang si Mama kahit na nagulat siya.
"I like your name. Lakas maka expensive brand. Parang channel. One of my favorite brands." sabi ni Aunt Jil. Napangiti na lang naman si Mama awkwardly. Tapos sa akin naman dumako ang mata niya kaya ngumiti na lang ako.
"Hello po, I'm Ma--"
"Oh well, well, well. So, It's you." pagpuputol niya sa sasabihin ko. Umikot siya sa akin na tila inoobserbahan ako mula ulo hanggang paa.
"Hmm. 36, 26, 30." rinig kong sabi niya. Napakunot naman noo ko. Did she just checked my vital stats gamit lang ang mata? Nang huminto siya sa harap ko ay tinitigan niya ako.
"I like you already. Your beauty is shining like a sun in summer. Naalala ko ang kabataan ko sa iyo. Nice to meet you uhm--?"
"Maddie po." sagot ko.
"--Maddie. Call me Aunt Jil and I'll be delighted." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ah. Sige po uhm. Aunt Jil." sagot ko. Napangiti naman siya lalo.
"I may not be your Aunt by blood, but I can be your Aunt by heart. After all, you're my nephew's half-sister. Maybe, I can be your half-aunt too?" sabi niya at tumawa. Napangisi na lang ako.
"By the way, here. Accept this as my first gift to you my beautiful niece." sabi niya at abot sa akin ng isang paperbag. Nahihiya ko naman itong kinuha.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...