39: Graduation

17.1K 554 10
                                    

Maddie's POV

Nang lumipas ang ilang buwan ay nagbunga na din ang paghihirap ko sa pag-aaral. Dahil bukas ay magtatapos na kami ng highschool at kolehiyo na ako sa pasukan. Ngayon, nandito ako sa kwarto ko at kasalukuyang kausap si Tita Aubrey na nasa Norway ngayon.

"Parang kailan lang tinutulungan pa kita magkulay ng assignment mo, ngayon gagraduate ka na ng highschool at magkokolehiyo na. Ang bilis talaga ng panahon. Hays." sabi ni Tita. Napangiti naman ako.

"Oo nga po eh. Hahaha! Kamusta kayo diyan Tita?" tanong ko.

"Okay naman. On the hunt pa din sa paghahanap ng forever." sabi niya at tumawa kaya natawa din ako.

"Ayos iyan Tita. Dapat pag-uwi mo dito may ipapakilala ka na sa amin."

"Aba, syempre naman. Hahaha!" sagot niya. "Ikaw? Kamusta ka? Kamusta kayo ni Eirol?" tanong niya kaya biglang nawala ang ngiti ko lalo na nang marinig na naman ang pangalan ni Eirol. Halos limang buwan na ang lumipas nung huling nagkita kami at nag-usap. At sa limang buwan na iyon kahit kailan hindi niya na ako kinausap kahit chat man lang. Mukhang desidido na nga talaga siyang kalimutan ako at ipagpatuloy ang bagong buhay niya kasama ang natagpuan niyang girlfriend doon.

Pero inaamin kong nalulungkot pa din ako. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Tanga na kung tanga pero umaasa pa talaga akong babalik siya. Na babalik ang Eirol na mahal na mahal ako noon. Umaasa ako na balang araw babalik siya sa harapan ko at sasabihing mahal niya pa din ako. Dahil kapag dumating ang araw na iyon, tatanggapin ko pa din siya. Mamahalin ko pa din siya kahit na may naging girlfriend siya bukod sa akin. Hindi niya naman kasi kasalanan iyon eh. Hindi niya ginustong kalimutan ako. Kaya naiintindihan ko siya.

"A-Ayos lang naman po kami." pagsisinungaling ko. Ayoko na munang sirain ang kasiyahan ni Tita sa ibang bansa kaya mas mabuting hindi ko na lang muna sabihin.

"Hmm. That's good. Alam ko namang magtatagal talaga kayo kasi mabait na bata iyang si Eirol. At hindi ka nagkamali sa pagpili sa kaniya Iyah." sagot ni Tita. Napangiti ako at tumango. Hindi ko kailanman iisipin na isang pagkakamali na nakilala ko si Eirol. Kahit na may problema kami ngayon. Dahil isa siya sa magandang naging parte ng buhay ko kaya hindi ko siya kayang sukuan ng ganon-ganon lang. Maghihintay pa din ako. Kasi alam kong gagawa at gagawa ng paraan si tadhana kung kami nga talaga.

After non ay nag-usap pa kami ni Tita sa mga iba-iba pang bagay katulad na lang ng experience niya sa Norway at ang pagkakakilala ko kay Aunt Jil. Tapos nagpaalam na din ako kay Tita dahil saktong tinatawag na ako ni Mama para magdinner sa baba. Nang makababa na ako sa dining area ay agad na akong umupo sa pwesto ko at sinimulan ng maglagay ng kanin at ulam sa plato ko.

"Bukas na ang graduation niyong dalawa. We should celebrate tomorrow. Saan niyo gusto?" nakangiting tanong ni Mama. Napatingin naman ako kay Gian pero hindi siya sumagot dahil busy lang siya sa pagkain kaya napairap ako.

"Kahit saan po Ma basta magkakasama po tayo." sagot ko.

"Well, let's just have a family dinner then. After ng graduation ceremony niyo." sagot ni Tito Derek.

"That's a good idea. Magpareserve na tayo ng table doon sa restaurant kung saan tayo lagi nagcecelebrate ng anniversary natin." sabi ni Mama kay Tito Derek.

"Okay, magpapareserve na ako mamaya." nakangiting sagot ni Tito Derek.

"We should ask Jil to join us too." sabi ni Mama kaya nawala bigla ang ngiti ni Tito Derek.

"Why?" kunot noong tanong ko.

"Why? She is part of the family. Kaya dapat lang na isama natin siya, Derek. Saka balita ko aalis na ulit siya next week ah? Kaya dapat lang na kahit papaano eh makasabay natin siya sa dinner for the last time." sabi ni Mama. Napabuntong hininga naman si Tito Derek.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon