68: Revelation

20.2K 570 13
                                    

Gian's POV

Kahahatid lang namin kay Cyleen. Ngayon naman ay kami na ang idadaan sa bahay nila Louise. Nang biglang mapansin ko ang isang purse sa inupuan ni Cyleen kanina.

"Kay Cyleen iyan." sabi ni Maddie nang makita ang purse na hawak ko.

"Hays, loka talaga iyang si Leen. Mahilig pa naman siya maglagay ng mga mahahalagang bagay diyan. Pustahan tayo nandiyan susi ng bahay nila." Louise chuckled. Kaya nga para tignan ay binuksan ko ang purse niya.

Nang buksan ko ang loob nito ay nakita ko ang lamang pera, cellphone, at susi niya. Tama nga si Louise. Nandito ang susi ng bahay nila Leen. Tss. Paano siya makakapasok ng bahay nila niyan kung nakalimutan niya ang purse niya kung nasaan ang susi.

Sakto namang nasa tapat na kami ng bahay kaya bumaba na kaming dalawa ni Maddie at nagpaalam na kila Ethan. Napatitig na lang ako sa purse na hawak ko.

"You should go there. Baka hindi siya makapasok ng bahay nila dahil nandiyan ang susi. I'll just tell the maids to wait for you at wag munang ilock ang pinto." sabi ni Maddie kaya napatingin ako sa kaniya. Akto na sana akong magsasalita nang umalis na siya agad sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako saka nagsimula nang maglakad papunta sa bahay nila Cyleen.

Kaso nang makarating ako sa bahay nila ay nagtaka ako kung bakit bukas na ang ilaw sa loob samantalang nasa akin ang purse niya kung nasaan ang susi. Nakapasok na ba siya agad? May spare key siya?

At dahil nga tutal nandito na din naman ako ay tumuloy na ako papasok ng gate nila. Akto na sana akong kakatok sa front door nila nang marinig kong may kausap si Cyleen.

"Cyleen, I'm not here to scold you. I'm here to say sorry. To apologize. And to make things right for our family. Gusto kong ayusin ang mga pagkakamali ko."

"Family? I didn't know na tinuring niyo pala ako bilang parte ng pamilya niyo kahit na halos kulang na lang ay isampal niyo na sa pagmumukha ko na anak ako sa labas." rinig kong sabi ni Leen. Nang silipin ko kung sinong kausap niya ay nakita ko ang Mom niya kaya nanlaki ang mata ko. Teka? Ano ba ito? Dapat pa bang makinig ako? Pero ewan ko ba, parang may nagtutulak sa akin na huwag umalis at makinig sa usapan.

"Cyleen. I'm sorry. And I mean it. Nagsisisi na ako sa nagawa ko. Narealize ko lahat ng mali ko nang iwan ako ng Dad mo. Narealize ko na mahirap pala talaga ang mag-isa. Ang walang pamilya. Kaya ginawa ko ang lahat para mahanap ka. Napag-alaman ko na bumalik ka dito sa Pilipinas kaya agad akong nagbook ng flight pauwi dito. Para kausapin ka at manghingi ng tawad sa iyo. Alam kong hindi ako naging mabuting ina sa iyo kaya sana mabigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para bumawi sa iyo. Para punan lahat ng pagkukulang ko, anak." sagot ng Mom niya.

"Nanggaling na din ako sa Ilocos. Sa Dad mo. Pero ayaw niya akong kausapin. Kaya ikaw na lang muna ang naisipan kong puntahan dahil tutal mas malaki ang atraso ko sa iyo. Marami akong nagawang kasinungalingan. Kaya nagsosorry talaga ako, Cyleen. Ayos lang sa akin kung hindi mo agad ako mapapatawad gaya ng Dad mo. Pero basta ang mahalaga ay maamin ko sa iyo ang katotohanan."

"A-Ano pong katotohanan?" Cyleen asked.

"I paid your teacher para hindi ka niya bigyan ng mataas na marka." sabi ng Mom niya. Bigla naman akong nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso ko nang marinig iyon. Parang feeling ko ay may kasagutan akong maririnig.

"Anong binayaran?" Cyleen asked.

"You are in Grade 9 that time. Alam kong gusto mo na din si Gian kaya ayaw mong pumayag para sumama sa France kaya ako ang gumawa ng paraan para bigyan ka ng rason para umalis. Kinausap ko ang teacher mo na wag ka bigyan ng mataas na marka para magkaroon ako ng rason na isusumbat sa iyo. Para makasama ka sa France." natigilan ako nang marinig ang sinabi ng nanay ni Cyleen. So, kaya pala hindi si Leen ang naging valedictorian? Kasi pinlano niya ang lahat?

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon