Special Chapter 2: Cabrera Family

26.7K 615 17
                                    

Maddie's POV

Kapapaligo ko lang kay Aleyna. At ngayon ay pinupunasan ko na siya ng tuwalya ng biglang narinig ko ang pag-iyak ni Ilayda sa crib.

"Eirol! Si Ilayda umiiyak!" sigaw ko. Maya-maya pa ay pumasok si Eirol na nakasuot pa ng apron na pink na may white polkadots at may hawak pang sandok.

"Why?" tanong niya na mukhang natataranta. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Ilayda is crying. Can you check her? Inaasikaso ko pa kasi itong si Aleyna."

"Oh okay. Papatayin ko lang yung stove sa baba. Baka masunog yung niluluto ko eh." sagot niya. Tinanguan ko na lang siya at bumaling na lang sa pagsusuot ng diaper kay Aleyna. Aleyna is my first daughter. She's 2 years old. And Ilayda my second daughter is 5 months old.

Maya-maya pa bumalik na si Eirol. Wala na siyang suot na apron at hawak na sandok. Nilapitan niya ang crib ni Ilayda at kinarga ang umiiyak pa ring si Ilayda. Pilit niya itong inamo-amo para tumahan habang hinehele ito sa mga bisig niya pero iyak pa rin ito ng iyak.

"Madds, paano ba magpatahan ng bata? I'm no good at this." natawa naman ako nung makita ang pag-pout niya.

"She's either hungry or she has something on her diaper." sagot ko.

"Something? What something?" nalilito niyang tanong. Hays! It's the same old Eirol. Kahit na nagkaamnesia siya. Haha! Pero unti-unti naman na siyang may naaalala kahit papaano. Hindi naman kasi ganun kadali ibalik ang mga nawalang alaala na iyon. Pero sabi nga ni Eirol, gumawa na lang daw kami ulit ng panibagong alaala kung hindi niya na maalala pa iyon.

"Check it for you to know." nakangiti kong sabi sabay nilagyan ng paper towel ang likod ni Aleyna para hindi matuyuan ng pawis kapag pinagpawisan. Nakita ko namang sinilip nga ni Eirol yung diaper ni Ilayda. At halos hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa paglukot ng mukha niya nung makita ang nasa loob ng diaper.

"Now I know why she's crying. Damn smell." daing niya.

"Palitan mo na ng diaper. And clean her up." sabi ko. Kumuha naman ng panibagong diaper at wipes si Eirol saka ihiniga si Ilayda sa higaan. Kinarga ko naman si Aleyna at pinanuod si Eirol. Dahan-dahan niyang inalis yung diaper ni Ilayda at sunod-sunod siyang napamura sa nakita. Punong-puno na kasi ng pupu ang diaper ni Ilayda.

"Stop cursing in front of our daughters, Eirol." banta ko sa kaniya pero hindi pa rin mapigilan ang tawa. Ngayon lang kasi siya gumawa ng ganito. Ako kasi ang nag-aalaga kay Aleyna noon. But now that we have two daughters ay kailangan niya na akong tulungan. Hahaha!

"Sorry. I can't help it. The smell is too bad."

"Well, dapat masanay ka na. Kasi you're already a father. You should learn those things. Saka wala namang taeng mabango no." sabi ko kaya tumango naman siya at nag-concentrate na lang sa paglilinis ng pupu ni Ilayda.

Pagkatapos niyang linisan si Ilayda ay tinapon niya na sa basurahan yung pinag-gamitang diaper at wipes saka nilagyan ng pulbos yung bagong diaper bago ito sinuot kay Ilayda.

"Phew. Done!" singhap niya ng matapos suotan ng diaper si Ilayda. Kinarga niya ito at binalik ulit sa crib. Lumapit naman ako sa kaniya habang karga-karga ko si Aleyna. Humawak siya sa bewang ko at hinalikan sa pisngi si Aleyna. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

I can't help it but to smile. Kasi kahit alam kong hindi marunong mag-alaga si Eirol ng bata, I know he's trying. He's doing his best to learn how to take care of his daughters. Hindi talaga ako nagkamali ng minahal at pinakasalan.

_

3 years later...

"Mama, how about this?" tanong ni Aleyna. Pinakita sa akin ni Aleyna yung minimix niyang icing gamit yung electric mixer.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon