44: Together

18.8K 607 8
                                    

Drexler's POV

Nang pindutin ko ang doorbell ay agad lumabas si Andy sa bahay nila. Nang makita niya ako ay lumiwanag ang mukha niya. Kaya napangiti na lang ako hanggang sa pagbuksan niya ako ng gate at salubungin ng yakap.

"Kailangan pa ba talagang ikaw ang sumama?" nakapout niyang tanong habang nakatingala sa akin at nakayakap sa bewang ko.

"Oo naman. Bakit ayaw mo ba?" sabi ko.

"Hindi naman sa ayaw ko. Gusto kita kasama. Pero hindi sa ganitong paraan. Ayokong marinig mo ang kung anumang sasabihin sa akin ng doktor." sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. Pupunta kasi kami ngayon sa doktor niya para sa monthly check up niya. Saka bukas na din kasi alis namin papuntang Ilocos kaya kailangang mapacheck up muna siya.

"Andy, ang sabi ko naman sa iyo. Kasama mo ako sa lahat. Magkasama nating haharapin iyan. Di ba?" sabi ko then cupped her face. Napapout naman ulit siya.

"Kasi naman..."

"Shhh. Basta sasama ako. Masanay ka na kasi lagi na kitang sasamahan." sabi ko at ngumiti.

"Sabagay tama ka. Sige. Tara na?"

"Yep. Let's go." sabi ko saka sumakay na kaming sasakyan at nagtungo sa ospital kung saan ang doktor niya. Nang makarating kaming ospital ay agad kaming dumiretso sa office ng doktor niya at pumasok. Pinatuloy na din kami kasi wala namang pasyente ngayon. Saka maaga na ding nagsabi si Andy.

"Good day, Andrea. Have a seat." bati ng doktor niya nang makapasok kami. Kaya nga naupo na kaming dalawa sa upuang katapat nito.

"So? You have an accompany." nakangiting sabi ng doktor sabay tingin sa akin.

"Ahh. Opo. Boyfriend ko, dok." sagot ni Andy.

"Wow. Sana all." sagot ng doktor sabay humalakhak. Natawa na lang din kami.

"So, let's proceed to your check up?"

"Yes, dok." sagot ni Andy. Kaya nga sinimulan na siyang check-upin ng doktor. Una siyang nilagay sa stress test. Pinatakbo siya sa isang treadmill habang minomonitor ng doktor ang heart rate and rhythm niya. Dito daw malalaman if exercise-related ang arrhythmia ni Andy. Ittrigger daw yung arrhythmia para mapag-aralan ng doktor yung abnormal heart beat niya. Napatayo pa nga ako sa kinauupuan ko nang biglang mapahawak si Andy sa dibdib niya. Pero sabi ng doktor kumalma daw ako. Siya daw bahala kay Andy. Kaya naupo na lang ulit ako. Wala hindi lang talaga ako mapakali kapag nakita kong nahihirapan huminga si Andy. Parang na-trauma na ako sa huling nangyari sa kaniya. Natatakot na akong maulit iyon.

Ginawa din kay Andy yung test kung saan papahigain siya tapos patatayuin. Doon daw malalaman naman kung paano nagrerespond ang heart rate and blood pressure ni Andy sa tuwing hihimatayin siya. Ginawa ito sa kaniya dahil dalawang beses na siyang nawawalan ng malay sa tuwing sasakit ang dibdib niya. Dito daw kasi malalaman kung anong sanhi ng laging pagkahimatay niya.

"Since, sabi mo nga hindi naman madalas na umaatake ang arrhythmia mo and you're still taking the medicines I gave you gusto kong ireccomend sana sa iyo na magsuot ka ng transtelephonic monitor. I'll recommend you to wear it for a month. Para makapag-decide tayo if yung irregular heartbeats mo eh need pa ng ibang test or treatment." sabi ng doktor.

"Ano po iyon, dok?" tanong ni Andy.

"Well, it's an event monitor. Marami siyang klase actually pero yung wrist watch na lang siguro irerecommend ko sa iyo imbes na electrode patches para incase na may allergy ka hindi ka ma-irritate. Non-loop siya kasi hindi naman madalas ang pag-atake mo." sabi ng doktor saka tumayo at may kinuha sa ibabaw ng cabinet niya. Then pinakita sa amin ang isang kahon. Nang buksan niya ito ay nakita namin ang isang watch. Touch screen watch siya.

"This is an ordinary wrist watch but it can record your electrocardiogram or ECG. Lalo na kapag nakakaramdam ka ng sintomas like fast heartbeats, dizziness and fainting."

"Paano naman po siya gamitin?" tanong ulit ni Andy.

"Well, simple. You just need to wear it everyday like a watch of course. Once na makaramdam kang sintomas you will press the record button. Iyan ang wag na wag mong kakalimutan. And once na marecord mo siya, magsesend immediately sa akin ang record mo. I will receive your ECG tracing. By the use of this watch kasi malalaman ko ang heart's activity mo saka kung effective ba ang medicines sa iyo at kung bakit nakakaranas ka ng sintomas like dizziness, chest pain and fainting."

"Once na mareceive ko ang ECG tracing mo at nag-indicate ito ng emergency, I can call for an ambulance to bring you to the hospital immediately."

"Paano dok kapag out of town ako? Punta kasi kaming Ilocos bukas. Hehe." sabi ni Andy.

"Well, I'll call your parents, friend, and your boyfriend to inform them. I'll just need to get their contact number of course." sabi ng doktor kaya nga sinulat na ni Andy sa papel ang mga number namin at binayaran na din ang wrist watch na binigay sa kaniya.

"At oo nga pala, nirerecommend ko na din na magsuot ka ng facemask, Andrea. Too much exposure to pollution can also affect your heart's risk factor. Pollution is no good to the health especially for persons who have diseases like you." sabi ng doktor.

"Okay, dok. Magsusuot na po ako sa tuwing lalabas ako." sabi ni Andy.

"Good, good. Now, see you again in your next check up. Just follow all my prescriptions, okay?"

"Yes po, dok. Thank you." sabi ni Andy kaya nagpasalamat na din ako sa doktor saka nagpaalam. Nang makalabas kami ng room ay bumili muna kami sa pharmacy ng ospital ng facemasks saka ng ibang gamot niya na ubos na.

Suot na ni Andy ang watch kaya napatingin ako doon at sinuotan siya ng mask.

"Don't forget to wear that everyday." sabi ko kaya tumango-tango siya. Kaya nga napangiti ako at bigla siyang kinulong sa mga bisig ko.

"Hmm. Why?" tanong niya.

"Wala. I just feel like hugging you right now." sabi ko habang yakap siya kaya tumahimik siya at hinayaan lang akong yumakap sa kaniya.

"You promised me. And I promised you that we'll be in this together Andy. Walang bawian. Kaya kahit anong mangyari magkasama tayo. Hindi na ulit kita iiwan. Remember that." sabi ko. Hindi siya sumagot kaya nga kumalas ako sa yakap at tinitigan siya.

"You want some sweets?" tanong ko to cheer her up which is effective dahil automatic siyang tumango kaya natawa ako.

"Okay then. Let's go to Maddie's café. Ililibre kita ng kahit anong gusto mo." sabi ko kaya napapalakpak siya sa tuwa at yumakap sa braso ko habang naglalakad palabas ng ospital. Napangiti na lang ulit ako dahil doon.

Alam kong nawala siya sa mood nang makarinig na naman ng about sa sakit niya kaya lilibangin ko na lang muna siya para makalimutan niya kahit saglit. Ayokong malungkot siya kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang libangin siya at pasayahin. Aminado akong nag-aalala ako sa kaniya ng sobra pero kailangan kong lakasan ang loob ko para sa kaniya. Dahil sa akin na lang siya kumukuha ng lakas. And in order to do that, kailangan kong ipakita na kaya ko. Na we can do this together.

***
(Drex's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon