69.2: Freedom

19.4K 614 66
                                    

Cyleen's POV

"I-I...uhm. Yung about sa kahapon nga pala I'm s-sor--" bago ko pa tuluyang masabi ang sasabihin ko ay bigla siyang tumayo upang lumapit sa akin. Naestatwa na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Napangiti na lang ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. But somehow, I found myself hugging him back this time.

Nang kumalas kami sa yakap ng isa't-isa ay hinawakan niya ang pisngi ko. Gaya ko ay umiiyak na din siya. Pero this time, may ngiti na sa mga labi niya.

"I love you, Cyleen. I'm really glad na magkakaroon na tayo ng chance para magsimula ulit at mapagpatuloy ang meron sa ating dalawa." nakangiti niyang sabi sabay pinunasan ang luha sa mata ko. I did the same. Pinunasan ko ang luha sa mata niya kaya napangiti ulit siya.

"I love you Gian. I'm sorry for pushing you away. I'm sorry for leaving you without saying anything. Hinding-hindi ko na gagawin ang bagay na iyon. Hindi na ako aalis sa tabi mo. I promise." sabi ko.

"I know. Nagtitiwala ako sa iyo. At saka hindi na ulit kita hahayaang umalis at iwan ako. Kaya wag ka ng magkakamaling umalis ulit Miss lider." he chuckled saka niyakap ulit ako. Natawa na lang din ako nang marinig ang bansag niya sa akin at saka dinama na lang ulit ang yakap niya sa pangalawang pagkakataon. Yakap na matagal ko ng hinangad.

Lubos akong nagpapasalamat kay Elaine dahil sa pagpaparaya na ginawa niya. Alam kong hindi naging madali ito para sa kaniya. Kaya tatanawin ko talaga ito bilang utang na loob sa kaniya. Now, Gian and I have freedom to love each other nang walang iniisip na problema. She gave way for us. I really admire her. I hope na makahanap din siya balang araw ng taong lubos na magmamahal sa kaniya. Because she deserves it. She deserves to be happy.

_

Elaine's POV

Napangiti na lang akong pinagmasdan silang dalawa na magkayap saka tuluyan ng lumabas ng coffee shop. Naramdaman ko na lang ang luha ko na umagos sa pisngi ko. Akto ko na sana itong pupunasan nang biglang may kulay pink na panyo ang nag-abot sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Ahl na nasa harap ko.

Nakangiti kong tinanggap ang panyo niya na kulay pink at saka ipinunas sa luha ko.

"I saw everything. Mukhang ayos na sila finally. Thanks to you. But, are you really okay?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"Yes. I'm okay and I'm happy for them. Dapat una pa lang ginawa ko na ito. Alam ko naman kasing babalik at babalik siya sa tunay na nagmamay-ari sa kaniya. He's not mine to keep anyway." sabi ko.

"You are happy for them. But you are not happy for yourself." sabi niya at napamulsa.

"Well, I can find happiness naman sa ibang bagay." sabi ko. Nagulat naman ako ng itap niya ang ulo ko.

"That's good. Don't depend your happiness to someone. Ikaw lang ang makakapag pasaya sa sarili mo. Tandaan mo iyan." he chuckled kaya ngumiti lang ako at tumango.

"Let's go. You have somewhere to go di ba?" tanong niya saka pinindot ang remote ng sasakyan niya kaya tumunog ito. Tumango lang ako saka sumakay na sa sasakyan niya. Sa totoo lang, I lied. Wala naman talaga akong pupuntahan. At wala naman na talaga akong mapupuntahan.

Actually, magkasabwat kami ni Ahl sa bagay na ito. I talked to him yesterday. And he gladly helped me. Nagkunwari siyang aayain si Cyleen dito sa coffee shop pero ang totoo ay gumawa lang kami ng way para magkaayos na sila ni Gian. Gaya kasi ng ginawa ni Ahl, inaya ko din si Gian na pumunta dito without telling him about sa totoong magaganap.

"I'm happy for Cyleen too, you know? I'm glad makakaalis na ako without worrying about her. Kasi alam kong masaya na siya." nakangiti niyang sabi pagkakabit niya ng seatbelt niya. Nang makabit ko ang seatbelt ko ay napatingin ako sa kaniya.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon