Andy's POV
Nailipat na si Maddie sa isang room. Okay na ang lagay niya kaya nagpapasalamat kami talaga na walang nangyaring masama sa kaniya. Sa ngayon hihintayin na lang namin siyang magising. Pero ang Papa niya, dahil medyo mas malala ang sinapit nito kumpara kay Maddie ay nacoma ito at kasalukuyang nasa ICU.
"Gurl, silipin kaya natin ang Papa niya? Tutal sa next floor lang naman yung ICU di ba?" sabi ni Louise.
"Ha? Eh di ba bawal pumasok doon?" tanong ko.
"Pwede naman daw. Kaso may oras ng bisita. Sumilip ako kanina eh. Pwede bumisita ngayon kaya tara na dali para naman may maibalita tayo kay Maddie pagkagising niya." sagot ni Louise. Napatingin naman ako kay Maddie na nakahiga ngayon sa kama niya at wala pa ring malay.
"Paano si Maddie? Iiwan natin siya dito?" I asked.
"Saglit lang naman tayo. Sisilip lang tayo. Saka nasa pharmacy lang naman si Tita Liyanel." sagot niya. At dahil nga nagpupumilit itong si Louise ay pumayag na ako. Nagtungo kami papunta sa susunod na floor at pumunta sa ICU kung nasaan ang Papa ni Maddie.
Sumilip kami sa glass window kung saan tanaw ang Papa ni Maddie. May mga nakakabit na aparato dito.
"Papasok pa ba tayo sa loob? Or dito na lang?" tanong sa akin ni Louise. Sasagot na sana ako nang saktong may matanaw akong lalaki papalapit sa amin. Nang tuluyan kong makilala kung sino ay nagulat ako.
"David?" bungad ko sa kaniya. Mukhang nagulat din naman siya nang makita ako.
"Andy? You're here?" tanong niya sa akin.
"Ahh. Oo. Naaksidente kasi kaibigan ko kaya nandito kami ni Louise. Hehe. Ikaw?" sagot ko napatango naman siya.
"Uhh, well. I'm here to visit my Dad too. Naka confine din siya dito. So? Dito din ba sa floor na ito nakaconfine ang kaibigan niyo?" he asked.
"Ay hindi. Sa ano siya sa baba lang. Nandito lang kami para bisitahin ang Papa niya na nasa ICU. Hehe." sabi ko. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya.
"Her Father? Did I heard it right?" tanong niya.
"Uhh, oo." sagot ko. Natahimik naman saglit si David na tila nag-iisip bago ulit bumaling sa akin.
"Andy, dalawa lang ang nakaconfine sa ICU sa floor na ito. Yung isa middle aged woman, at yung isa ang Dad ko." seryosong sagot ni David. Nagkatinginan naman kami ni Louise. Parehas na kaming naguguluhan. Hindi din kami nakasagot ni Louise. Hindi namin alam kung anong sasabihin.
"Looks like your friend, turns out to be my half-sister. Ang liit nga naman ng mundo no?" he chuckled. Pero kami ni Louise nganga pa din. Hindi makapaniwala na kapatid ni Maddie sa tatay itong si David. Lalo na ako syempre. Kasi ako ang kakilala ni David tapos kaibigan ko si Maddie. Like omg? Magkapatid pala sila!
_
Maddie's POV
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Mama na kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa side table. Nang mapansin niya ako ay nanlaki ang mata niya at nagmadaling tumawag ng nurse. Napapikit na lang ako ng mariin nang maramdaman ang kung anong kirot sa ulo ko.
Tapos ilang saglit lang ay bumalik na si Mama kasama ang isang doktor at nurse. Chineck nila ang kalagayan ko tapos after non eh umalis din agad ang mga doktor.
"I'm so glad at nagising ka na anak. You made us worried." sabi ni Mama at niyakap ako.
"Sorry Ma. Uhm...Si Papa? Nasaan siya? K-Kamusta po ang lagay niya." I asked kaya agad napakalas si Mama sa pagkakayakap sa akin at tumitig sa mga mata ko na parang nagdadalawang isip pa siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...