Louise's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto habang ni-bebreastfeed si Skyzzer habang natutulog naman ng mahimbing sa gilid ni Skyzzer si Chandra. Bilin kasi ng doctor na kailangan munang i-breastfeed si Skyzzer habang hindi pa ito nag-iisang buwan. Kapapanganak ko pa lang kasi sa kaniya at kalalabas lang namin ng ospital last week.
Napabaling naman ako kay Ethan na kalalabas lang ng banyo at kaliligo lang. Nakatopless pa nga ang mokong eh at tanging tuwalya lang ang tapis niya sa katawan. Tinitigan niya naman ako habang pinapadede ko si Skyzzer. Natawa naman ako sa titig niya.
"Don't stare at me like that. Don't tell me you want a breastfeed too?" pagbibiro ko sa kaniya.
"Pwede ba?" excited na sabi niya na ikinairap ko. Biniro ko lang sineryoso naman ng gunggong na'to.
"Shut up. I'm just kidding, Ethan. Aagawan mo pa ang anak mo eh. Saka please, kapapanganak ko lang last week." sabi ko sabay irap. Ngumuso naman siya at nagpalit na ng damit. Nang makapagpalit siya ng damit ay tumabi siya sa gilid ni Chandra. Nang makatulog si Skyzzer ay itinigil ko na ang pagpapadede ko sa kaniya at inilagay siya sa crib katabi nung kama namin. Pagkalapag ko sa kaniya sa crib ay humiga ulit ako sa kama. Napatingin naman ako kay Ethan ng kinalabit niya ako.
"What?" tanong ko na nakakunot ang noo.
"Hindi ba talaga pwede?" he asked.
"Yung alin?" kunot noo kong tanong.
"Yung alam mo na? Eh kase 10 months na ang nakalipas mula nung huli nating ano. Alam mo na. Hehe." napakunot lalo ang noo ko sa sinabi niya pero unti-unti ko rin itong naintindihan kaya inirapan ko siya.
"Tumigil ka nga, Francis. For pete's sake kapapanganak ko lang."
"Kahit foreplay bawal?" ngising aso niyang tanong.
"BAWAL!" sigaw ko at pinandilatan pa siya ng mata. Napanguso naman siya dahil sinabi ko. Napailing-iling na lang ako sa reaksyon niya.
Nang sumapit ang 9:30 am ay nakatanggap ng tawag si Ethan mula sa Dad niya. Mukhang pinapapunta siya sa building nila. Kaya nga tumayo na siya at nagbihis na. Nakaharap siya sa salamin ngayon at nagbubutones ng polo niya.
Nang makita ko siyang nahihirapan ay tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Pinihit ko siya paharap sa akin at tinulungan siyang ibutones ang damit niya. Sinuot niya ang kulay black niyang coat kaya pumili na ako ng kulay dark blue na nectktie sa may walk-in-closet at isinuot ito sa kaniya sabay tinali ng ayos.
Pansin ko naman ang pagtitig niya sa akin habang tinatali ko yung necktie niya. Kaya nga nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Thanks." he muttered.
"For what?"
"For being a good and caring wife to me." nakangiti niyang sabi. Pinagmasdan ko naman siya nang matapos kong ayusin ang necktie niya.
"No need to say thank you, Ethan. That's my role. To be a good wife to you and a good mother to our children." sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Nginitian niya naman ako pabalik at hinalikan ako sa noo.
"Aalis na ako. Take care. I'll be home by 4."
"Okay. We'll wait for you." sagot ko. Lumapit naman siya sa dalawa naming anak at pareho itong hinalikan sa noo.
"Bye." nakangiti niyang sabi at nagwave sa akin.
"Bye. Drive safely huh?" bilin ko.
"Yes, Ma'am!" pormal niyang sabi sabay lumabas na siya ng kwarto. Napailing-iling na lang ako at tumabi ulit sa dalawa kong anak.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...