24: Sake

18.6K 602 41
                                    

Drexler's POV

Napansin kong parang iniiwasan na naman ako ni Andy nitong mga nakaraang araw kaya naisipan kong kausapin siya ngayong uwian.

Nang idismiss na ng adviser namin ang klase ay nagmadali siyang lumabas ng room. Napatingin sila Louise at Maddie sa akin. Kaya nga agad din akong lumabas ng room at hinabol si Andy.

"Andy!" tawag ko. Pero hindi siya tumigil.

"Andy! Saglit!" sigaw ko at saka agad hinablot ang braso niya nang maabutan ko siya. Kaya nga napahinto siya at lumingon sa akin.

"May nagawa na naman ba akong mali?" tanong ko. Hindi naman kasi ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan niya na naman ako. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nagsalita ulit ako.

"Andy...please. Tell me." sabi ko at hinawakan ang pisngi niya para lumingon sa akin. Pero iniwas niya ang tingin niya at inalis ang kamay ko sa pisngi niya.

"Drex. Pagod na ako." bigla niyang sabi. Napakunot noo naman ako.

"Pagod saan?" tanong ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

"Pagod na ako sa relasyon na ito, Drex. Ayoko na. Sawa na ako." sabi niya. Bigla akong nasaktan nang marinig ko iyon sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para masabi niya ang mga bagay na ito.

"W-What are you saying? I can't understand." sabi ko. Dahil naguguluhan na talaga ako sa totoo lang.

"Narealize kong hindi pala talaga kita mahal. Na infatuated lang ako sa iyo. Narealize kong hindi ako masaya sa iyo."

"Andy. What is happening to you? Bakit mo nasasabi ang mga bagay na iyan?" nabibigla talaga ako ngayon sa inaasta niya. She's avoiding me since last week tapos ngayon sasabihin niya sa akin ito?

"I don't believe you. May rason lang siguro kaya mo nasasabi ngayon sa akin yan. Kaya please naman sabihin mo sa akin kung ano. Ng alam ko." sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero tinabig niya lang ang kamay ko saka diretsong tumitig sa akin.

"Drex, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko, ayoko na. Sawa na ako. Ayoko na sa iyo." sabi niya. Tumitig lang ako sa mga mata niya. Tinitignan ko kung totoo ba ang sinasabi ng mga ito. Pero parang hindi umaayon ang mga salitang iyon sa gustong ipakita sa akin ng mga mata niya. Kaya somehow, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya kahit na masakit. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang mangyari. Kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito ngayon. Pero isa lang ang nakikita ko. Pursigido talaga siyang saktan ako ngayon.

"Anong gusto mong gawin ko Andy?" tanong ko para matapos na ang usapan na ito. Hindi siya nakasagot ng ilang saglit. Mukhang nag-iisip siya.

"I want to end this relationship." sagot niya. Doon ako biglang natahimik.

"Ayoko na Drex. Ayoko na." sabi niya. Pero hindi pa din ako nakasagot.

"Sorry, Andy. Hindi ko magagawa iyang gusto mong mangyari. Hindi kita kayang pakawalan." sabi ko at tumitig sa mga mata niya. Pinaghahampas niya naman ako sa dibdib pero hinayaan ko lang siya. Hanggang sa marinig ko ang paghikbi niya. Unti-unti ding humina ang hampas niya.

"Hindi mo ba ako naiintindihan ha?! Sabing ayoko na eh. Ayoko na! Kaya pakawalan mo na ako. Ayoko na sa iyo Drex! Ayoko na!" sabi niya habang humihikbi. Bakit ka ba umiiyak Andy? Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak sa harap ko. Ganito ka na ba kapursigidong makipaghiwalay sa akin kaya umiiyak ka na sa harap ko? Talaga bang ayaw mo na sa akin?

"Bigyan mo muna akong rason kung bakit mo ginagawa ito, Andy." sabi ko at amba sanang hahawakan siya nang magsalita siya.

"M-May iba na akong mahal." sagot niya. Kaya natigilan ako. May iba siyang mahal? Meron siyang iba? Habang kami pa meron siyang ibang minamahal?

Biglang kumirot ang puso ko nang maisip ang bagay na iyon. So sa kada araw na magkasama kami, sa kada masasayang memories na meron kami eh hindi ako ang nilalaman ng puso niya? Ganon ba iyon? Pero bakit? Bakit niya pa ako sinagot? Bakit niya ako hinayaang manligaw kung iba ang gusto niya? Ano iyon? Palabas lang lahat? Para paglaruan ako?

"You're k-kidding right?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Hindi niya binawi ang sinabi niya. Andy, I know you. I know you can't do that. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Pero bakit ngayon parang nagddoubt ako?

"Andy, please. Sabihin mong biro lang iyan. Sabihin mong hindi totoo ang mga iyan maniniwala ako sa iyo. Tatanggapin ko kahit na nasasaktan na ako. Basta sabihin mong biro lang iyan." sabi ko. Kasi ayokong maniwala. Ayokong isipin na pinaglaruan niya lang ako. Kasi hindi ako naniniwalang lahat ng pinakita niya sa akin ay biro lang. Ramdam ko. Ramdam kong minahal niya talaga ako. Kaya I still trust her kahit na sobrang nasasaktan ako ngayon.

"No. I'm serious, Drex. I have somebody else. Kaya gusto kong makipaghiwalay sa iyo." sagot niya at tumayo na. Hindi ko alam na ang tiwala pa lang binuo mo ng matagal ay pwede ding mawala sa isang iglap lang. Ng ganito lang.

Hindi ako nakapagsalita. I just stared at her blankly. So, she's that desperate to send me away kasi may iba na siya? Ganon pala.

"You want me gone? Okay. Pumapayag na ako. Pinapalaya na kita Andy kung iyan ang gusto mo. Hope you'll be happy with him." sabi ko at umalis na sa harap niya without looking back.

Andy's POV

"You want me gone? Okay. Pumapayag na ako. Pinapalaya na kita Andy kung iyan ang gusto mo. Hope you'll be happy with him." sabi niya at umalis na sa harap ko. Nilingon ko siya. Pero nagtuloy-tuloy siya paalis without looking back. At doon, narealize kong wala na talaga. Tapos na ang kung anumang meroon kami. At wala ng atrasan ito.

Ang luhang akala ko ay tumigil na ay nagsimula na namang umagos sa mga mata ko. Gusto ko siyang habulin at sabihing hindi totoo ang lahat. Pero nandito na ito. Kailangan kong pangatawanan. This is my decision. I should stick with it.

"I'm sorry. I'm very very sorry." I mouthed. I'm just doing this for your own sake, Drex. Mas gugustuhin ko na lang na saktan ka ng ganito kaysa maghirap ka sa akin. I don't want you to suffer. Kaya kahit masakit din para sa akin, titiisin ko. Ito ang mas makakabuti sa ating dalawa.

***
(Drexler's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon