23: Affected

18.8K 680 8
                                    

Cyleen's POV

Nang magising ako ay tulog pa sila Maddie. Kaya nga nagdecide muna akong magjogging para maexercise ang katawan ko ngayong umaga. Nasanay na din kasi akong mag-exercise every morning dahil kay Ahl. Lagi niya akong inaaya mag-exercise tuwing umaga doon.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan nang biglang mapahinto ako nang makita si Gian. Nagulat ako ng makita siya kaya agad akong tumakbo paalis bago niya pa ako makita. Nagjogging ako pabalik sa bahay. Hinihingal pa ako ng makabalik ako pero halos daig pa ang takbo ng kabayo sa bilis ng kalabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon kaya agad akong nagpanic at tumakbo palayo. Pero ang pinagtataka ko eh bakit sa labas ng bahay nila Maddie ko siya naabutan?

Saktong bumaba na si Maddie na nakaligo na. Mukhang pauwi na din siya.

"Uwi na ako. Baka gutom na ang pusa ko." sabi niya at akto na sanang aalis nang magsalita ako.

"Ayaw mo ba munang kumain?" tanong ko. Naghain na kasi ako ng breakfast para sa kanila.

"Hindi na. Doon na lang ako kakain sa bahay. Sila Andy na lang ayain mo." sagot niya. Napatango na lang ako. Bigla kong naalala na nakita ko nga pala si Gian kanina sa labas ng bahay nila kaya naisipan kong tanungin si Maddie.

"Nga pala, I saw him." sabi ko kaya napatigil siya at napalingon sa akin.

"I saw Gian in front of your house." pagpapatuloy ko.

"I forgot to tell you. We're in the same roof now. Alam kong hindi ka maniniwala pero half-brother ko na ang gago na iyon." sagot niya. Nabigla naman ako.

"Half-brother?" kunot noong tanong ko.

"Yeah. Napangasawa ni Mama yung tatay ni Gian. Nagpakasal sila a month after you leave. Kaya iyan magkapatid na kami. Tss. Nakalimutan kong sabihin sa iyo. Sorry." sabi niya. Napatango na lang ako. Hahaha! I bet hindi in good terms ang dalawang iyan. Parehas kasi silang masungit.

"Sige, Leen. Una na ako. Pakisabi na lang kila Louise na nauna na ako."

"Sige. Ingat." sabi ko kaya nga umalis na siya. Napasimsim na lang ako sa chamomile tea na iniinom ko. At naalala na naman ang itsura ni Gian kanina noong makita ko siya. He looks okay already. Mukhang mas maganda kung hindi ko na lang siya guluhin pa.

Gian's POV

Maaga akong nagising ngayon. I fed Helix first bago ako lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang pusa ni Maddie. Lumilingkis ito sa binti ko. Napabuntong hininga naman ako at saka hinaplos ito.

"Nasaan ang amo mo?" tanong ko sa pusa na akala mo naman eh sasagot.

"Maybe you're hungry." sabi ko at kinuha ang pakainan niya sa kwarto ni Maddie. Alam kong ayaw ni Maddie na pumapasok ako sa kwarto niya pero kukunin ko lang naman ang pakainan nitong pusa niya dahil nagugutom na at wala pa siya. Tss. Sabi kasi ni Tita Liyanel eh nakitulog daw kila sa kaibigan. Di ko alam kung kila Andy ba o kila Louise.

Nang makita ko ang pakainan niya ay nilagyan ko ito ng catfood tapos nagsalin na din akong inumin. Nang makita kong kumakain na ang pusa ni Maddie ay lumabas na din ako ng kwarto. Magjojogging muna siguro ako para magpapawis. Tutal, sabado naman. Nagpalit na ako ng damit saka lumabas ng bahay. Nag-stretching muna ako. Nang mapalingon ako sa kabilang daan ay para akong namalikmata nang makita ang isang pamilyar na pigura. Hindi ko agad nakita ang mukha ng babae dahil umalis ito agad. Kumunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar sa akin? Parang si...Tss. Sino nga ba niloko ko? Bakit naman mapupunta iyon dito. Eh nasa France nga siya. At mukhang hindi na babalik pa. Masaya naman na siya doon. Panigurado kasama yung boyfriend niya.

Inalis ko na lang sa isip ko ang bagay na iyon at saka nagfocus na sa pagjojogging. Iikot na lang ako dito around the subdivision.

Napahinto ako sa pagjojogging nang makasalubong si Maddie na mukhang pabalik na ng bahay. Pero nagtaka ako dahil hindi naman daan mula kila Andy o Louise ang pinaggalingan niya. Nagulat siya ng makita ako pero hindi niya ako pinansin at nilagpasan na lang.

Hindi pa kasi kami nagkakausap ulit mula nung naging sagutan namin noong nasa Miami ako. Tss. Bakit ako magsosorry sa kaniya? Ginawa ko lang naman iyon dahil nainis ako sa sinabi ni Eirol tungkol sa kaniya. Nakakainis lang na talaga ngang tinuturing ko ng kapatid ang malditang babae na iyan. Ewan ko ba. Nasanay na lang siguro ako dahil wala naman akong kapatid noon. Pero bahala siya. Kung wala siyang balak kausapin ako mas wala akong balak kausapin siya.

Nang mayari na ako magjogging ay bumalik na din ulit ako agad sa bahay. Naabutan ko na sila doong nag-aagahan sa dining area.

"O, Gian. Come on join us for breakfast." aya ni Tita Liyanel.

"Sige po. Maliligo lang po ako." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko para maligo dahil kagagaling ko lang sa jogging at pawis na pawis ako. Nang mayari ako maligo ay bumaba na din ako agad sa dining area at sumabay sa kanila mag-agahan.

Kukunin ko na sana ang natitirang hotdog sa plato nang sabay na naman kaming kukuha sana ni Maddie nito. Tss. Hindi ko alam na paborito niya din ito gaya ko.

Nagkatinginan kami pero inirapan niya lang ako at hinayaan na ako na ang kumuha nung last piece kaya nga inignore ko na lang siya at kinain iyon.

"Napansin kong hindi kayo nagpapansinan mula ng makauwi kayo galing Miami. May problema ba kayo?" tanong ni Dad. Nagkatinginan ulit kami ni Maddie dahil doon. She glared at me kaya I glared back. Akala niya yata magpapatalo ako sa kaniya.

"Wala po kaming problema." simpleng sagot ni Maddie.

"We're not really in good terms in the first place. Tss." sagot ko. Agad namang tumayo si Maddie nang mayari siyang kumain. Tapos ay umakyat na siya papunta sa kwarto niya. Napairap na lang ako at saka nagfocus na lang sa pagkain ko.

_

Nang mayari ako kumain ay agad na akong pumunta paakyat sa second floor para sana dumiretso sa kwarto ko nang makasalubong ko si Maddie na kalalabas lang ng kwarto niya. I just ignored her at akto na sanang papasok sa loob ng kwarto ko nang magsalita siya.

"She's here." bungad niya. Kaya napatigil ako at lumingon sa kaniya. Kunot noo ko siyang tinignan na tila hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Mukhang naintindihan niya naman ang reaksyon ko kaya nagsalita ulit siya.

"Leen's here. She's back." sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kung ano. Parang kumirot ang puso ko nang marinig na naman ang pangalan niya matapos ang ilang buwan. Ang akala ko kaya ko na. Akala ko magiging okay na ako matapos lahat ng nangyari pero ngayong narinig ko na naman ang pangalan niya at nalamang nandito siya ay naging sariwa na naman sa akin ang sakit na dinanas ko noon. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob at napaismid.

"Ano naman kung bumalik na siya? Wala akong pake." sabi ko at dumiretso na papasok ng kwarto at padabog na sinara ang pinto. Naupo ako sa kama ko at inis na napahilamos sa mukha ko. Ngayong narinig ko na naman ang pangalan niya ay tila bumagabag na naman siya sa akin. Inis kong binato ang unan ko sa kama.

Ano naman kung nandito na siya? Ano naman kung bumalik na siya? Anong pake ko. Panigurado bumalik siya dito para ipamukha sa akin kung gaano siya naging kasaya doon sa France. Habang ako dito naghihirap noong mga panahong nagsasaya siya. Gusto niyang ipamukha sa akin na naging masaya siya ng wala ako. Na naging ayos siya after niya akong itaboy.

Nakakainis lang dahil siya okay na okay habang ako dito ngayon ay naiinis sa sarili ko dahil naiiisip ko na naman siya. Tangina. Bakit ba ang hirap niyang ialis dito sa utak ko?! Bakit parang sobrang affected ako ngayong nandito na ulit siya? Di ba dapat hindi akong maging apektado. Okay na dapat ako! Kailangang maging okay ako.

Siya ang nagtaboy sa akin pero bakit parang ako pa ang nahihirapan ngayon? Bakit ako pa yata ang mas apektado sa aming dalawa?

Umalis ka na kasi di ba? Bakit ka pa bumalik? Sana hindi ka na lang bumalik ulit. Kasi nagiging okay na ako. Unti-unti na akong nasasanay na wala ka. Pero ngayong bumalik ka na. Nagkanda gulo-gulo na naman ang isip ko. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Cyleen? Bakit?

***
(Gian's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon