Louise's POV
Nandito kami ngayon ni Andy sa café ni Maddie. Naisipan kasi naming tumambay dahil tutal wala naman kaming ginagawa sa mga bahay namin. Kasalukuyan akong umiinom ng frappé ko nang mapatingin ako kay Maddie. Nakatulala siya at nakatingin lang sa labas ng salamin na dingding. Napatingin ako sa gawi ni Andy kung napansin niya din ba ang pagka preoccupied ni Maddie gaya ko, pero ano pa nga bang aasahan ko? Malamang hindi. Busy si gaga ngayon kakakain ng cake.
Kanina pa kaming tatlo tahimik dito. Kung magsasalita man ako eh walang sasagot sa kanila. Kasi nga si Maddie wala sa sarili tapos itong si Andy kung sasagot man may tatalksik pang cake sa mukha ko. Tss. Eww. Wala kasi si Cyleen. May appointment kasama ang manager niya. Mukhang sinesettle niya na ang pagsstay niya dito.
"Hey!" tawag ko kay Maddie pero hindi siya kumibo kaya nga kinalabit ko na siya. At ito napalingon na siya sa akin.
"H-Ha?" tanong ni Maddie sa akin kahit wala naman akong sinasabi.
"Hakdog." sabi ni Andy kaya sinamaan ko siyang tingin. Napa peace sign na lang siya.
"Gurl, you're spacing out." sagot ko kay Maddie. Napabuntong hininga naman siya pero hindi niya ako sinagot.
"Eh ano namang sasabihin ko?" simpat niya. Alam ko naman na kasi na aalis na din si Eirol mamaya pabalik ng Miami kaya iniintindi ko na lang ang pag-eemote nitong kaibigan ko. Last week umiiyak siya sa amin at sinabi ang nangyari. Naawa ako sa kalagayan niya. Kasi she don't deserve it. Nagsabay-sabay ang problemang meron siya ngayon. Una yung tungkol sa Papa niya, ngayon naman about kay Eirol. Hays.
"Wala, barahin mo ko. Ang boring eh wala akong kasagutan." sabi ko. Inignore niya lang ako saka napatingin sa orasan niya.
"Closing na pala. Tara na. Magsasara na ako." sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya. Sakto namang tapos na din namang lumamon si Andy kaya sumunod na din kami sa kaniya. Kami na lang kasi ang natira dito. Nagsiuwian na yung mga staffs kanina after nila maglinis ng café.
Akto ko na sanang bubuksan ang kotse ko nang biglang makita ko ang isang paparating na lalaki. Katatapos lang ilock ni Maddie ang pinto nang café niya nang biglang makita niya ang lalaki. Napahinto siya at gulat na napatitig dito.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Maddie. At sa way pa lang ng pananalita niya, doon ko napagtanto na ito siguro ang Papa niya. Hindi ko pa kasi nakikita ito. Nang makilala kasi namin si Maddie, wala na ang Papa niya. And besides, ayaw niya ding inuungkat ang Papa niya.
"Maddie, anak."
"Wag mo akong tawaging anak. Kinamumuhian kita. Wala akong ama na gaya mo." sigaw niya.
"Mag-usap tayo anak kahit saglit. Hayaan mo akong magpaliwanag." sabi nito at aktong hahawak kay Maddie pero agad lumayo si Maddie sa kaniya.
"Ano pang ipapaliwanag mo? Ano? Magsisinungaling ka na naman ba sa akin ha? Sasaktan mo na naman ako?!" sagot ni Maddie.
"Anak, please...hear me out." pakiusap nito. Nagkatinginan naman kami ni Andy dahil sa sobrang tense ng eksena ng mag-ama na popcorn na lang ang kulang.
"Umalis na kayo dito. Nagsasayang lang kayo ng oras niyo." sabi ni Maddie at aktong sasakay na sa loob ng sasakyan ko nang mapagtanto niyang nakalock ito. Sa akin kasi sila sasabay umuwi. Hehe. Hindi nila dala mga sasakyan nila. Sa akin sila sumakay nang papuntang café kanina. Mwahaha.
"Louise, buksan mo ang sasakyan." maotoridad na sabi ni Maddie. Umiling naman ako.
"Sorry, friend. I won't do that. Unless kausapin mo ang Papa mo." sabi ko. Sinamaan niya akong tingin pero hindi ako nagpaapekto. Kailangan niyang makausap ang Papa niya nang mabawasan ang problemang dinadala niya. I just can't watch her being lonely you know?
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...