55.1: Wrong

19.5K 606 22
                                    

Eirol's POV

Napangiti na lang ako nang iahon mula sa oven ang ginawa kong banana cake na paborito daw ni Maddie ayon kay Louise. Naisipan ko kasing gawan si Maddie bilang pasasalamat sa binigay niyang brownies at cookies sa akin. Para maicheer up na din siya dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano siya icocomfort gayong hindi pa naman ako nadaan sa ganoong sitwasyon. Kaya ito, ginawan ko na lang siya ng favorite niyang cake.

Nang matapos ko nang lagyan ng coating ang banana cake ay masaya kong kinuha ang phone ko nang tumunog ito. Nakita ko ang message ni Maddie kaya agad kong binuksan.

Maddie: Malapit na ako.

Me: Okay. Copy.👌

Nang matapos ko siya replyan ay hinubad ko na ang apron ko at nagsimula ng maglinis ng kitchen dahil naging mess ito dahil sa pagbebake ko. Hahaha! Well, syempre first time ko magbake. At nanood lang akong tutorial sa youtube. Tsk. Sana lang magustuhan ito ni Maddie.

Nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell ay agad akong pumunta sa front door at binuksan ito.

"Madd--" napatigil ako nang mapagtantong hindi si Maddie ang nasa harapan ko ngayon. Kung hindi si Eliz.

"Eirol!" masaya niyang bungad sa akin sabay yakap sa akin. Doon ko lang napansin ang maleta na nasa likod niya.

"E-Eliz? Y-You're here." sagot ko kaya agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at bumaling sa akin.

"Surprise!" sabi niya at ngumiti. Nang mapansin niyang hindi ako umiimik ay nagkunot noo siya. "Why? Hindi mo ba ako namiss, Eirol?" she asked.

"Ahh. O-Of course I missed you, Eliz. What kind of question is that? N-Nasurpresa lang talaga ako. Uhm, come in." sabi ko at binitbit ang maleta niya papasok sa loob ng bahay kaya sumunod na siya sa akin papasok sa loob at inilibot ang mata niya sa buong bahay.

"Hmm. Nice house you have here." sabi niya at naupo sa sofa.

"So? Bakit bigla mong naisipang sumunod sa akin dito?" I asked kaya nabaling ang tingin niya sa akin.

"Well, bakasyon naman eh. So, I decided to follow you here to have a vacation with you. Para makapag bonding na din tayo together." nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam pero parang hindi ako naexcite sa sinabi niya. Na dati kapag nakikita ko siya ay nasasabik ako. Pero bakit ngayon? Bakit parang hindi na ganon?

"Wow. What's this? You baked a cake? Eh di ba you're not into baking? Anong naisipan mo at nagbake ka ng cake huh?" she chuckled at sabay pipigilan sana siya dahil akma niya nang titikman ang cake kaso huli na ako dahil nahiwa niya na ang cake at tinikman na ito. Cake na para sana kay Maddie.

Nang bigla kong maalala si Maddie ay siya namang saktong pagtunog ng doorbell ko. Napatingin sa akin si Eliz dahil doon. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahil alam kong si Maddie iyon. Pero agad akong nagtungo sa front door at pinagbuksan siyang pinto. Bumungad sa akin ang mukha niyang nakangiti sa akin ngayon.

"Eirol, bakit mo ba ako pinapunta dito? Ano yung ipapakita mo sa akin?" nakangiti niya pa ding tanong sa akin.

"M-Maddie." sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nandito ang girlfriend ko. Na nandito si Eliz. Na I can no longer show her the cake na ginawa ko para sa kaniya kasi kinain na ni Eliz. Paano ko ba sasabihin? Bakit parang kusang tumiklop ang dila ko?

"Eirol, who is--" hindi natuloy ni Eliz ang sasabihin niya nang makita niya si Maddie sa harap ko. Pati si Maddie ay naestatwa nang makita si Eliz. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa na nagtititigan ngayon.

"U-Uhm. Eliz, meet Maddie. Maddie meet Eliz. My uhm--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad nagsalita si Eliz.

"His girlfriend. Nice to meet you, Maddie." sagot ni Eliz at naglahad ng kamay kay Maddie para makipagkamay. Napatitig naman si Maddie sa kamay niya bago napatingin sa akin na parang nagtatanong. Pero agad niya ding inaccept ang kamay ni Eliz at nakipag-shakehands. Eliz, smiled at her pero si Maddie hindi ko mabasa ang ekspresyon niya kaya para akong nakaramdam ng kaba sa loob-loob ko.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon