13: Flight

16.9K 736 7
                                    

Maddie's POV

"Take care of your sister, Gian." maotoridad na sabi ni Tito Derek.

"Tss. May choice pa ba ako?" masungit na sabi ni Gian at binitbit na ang maleta naming dalawa saka sinakay doon sa may likod ng van. Sasakyan kasi namin ang gagamitin namin papuntang airport. Dadaanan na lang namin sila Louise.

At oo, kasama ang tukmol na si Gian sa Florida. Wala talaga siyang balak sumama actually. Pinilit lang siya ni Tito Derek para daw mabantayan ako. Hindi ko naman na kailangan ng bantay. Kasama ko naman sila Louise. Pero hindi din naman ako makatanggi kay Tito Derek kaya hinayaan ko na lang.

"Take care, Iyah. Yung mga bilin ko ha?" sabi ni Mama at yumakap sa akin na akala mo eh magtatagal ako ng ilang taon doon.

"Yes, Mama." sagot ko.

"Okay, sige. Ingat kayo. Baka mahuli pa kayo sa flight niyo." nakangiting sabi ni Mama kaya nga sumakay na ako sa loob. Si Gian naman ang sumakay sa front seat katabi ng driver namin. Binilin ko sa driver na daanan na sila Louise kaya nga dumiretso ito sa bahay muna nila Louise dahil mas malapit ito compared kila Andy.

"Heya, gurl!" nakangiting bati ni Louise at tumabi sa akin. Si Ethan naman ay nilagay ang maleta nilang dalawa ni Louise sa likod ng van tapos sumakay na din siya at tumabi kay Louise. Dibale ako kasi yung nasa bintana, then si Louise sa gitna. Tapos si Ethan. Tsk. Dito pa nakigitgit sa akin itong dalawa na ito eh ang luwag pa naman sa likod.

Sunod naman na dinaanan namin ay yung bahay nila Andy. Nandoon na din si Drex kaya nga sabay na silang sumakay din sa loob. Sa likod namin sila umupo.

"Okay na po Mam?" tanong ng driver.

"Yes, kuya. Sa airport na po." sagot ko. Kaya nga nagdrive na si Manong papuntang airport. Nang makarating kaming airport ay kaniya-kaniya ng baba ng maleta ang mga boys. Si Gian ang nagbaba ng maleta ko kaya kinuha ko kaagad. Binagsak niya pa nga eh. Pero wala ako sa mood makipag-away sa kaniya kaya inignore ko na lang. Tss.

Nauna na ako sa kanila sa loob. Pinakita ko sa security ang printed itinerary namin tapos pumasok na kami sa loob ng airport. Inilapag ko ang maleta ko sa may conveyor belt kaya pumasok na ito sa loob ng baggage scanner. Kaya pumasok na din ako mismo sa loob ng metal scanner. After ko ay sila Louise naman kaya kinuha ko na ulit ang maleta ko at hinanap na ang airline na sasakyan namin. Nung nakita ko na sa tv screen ay agad akong pumila doon. Sinundan naman ako agad nila Louise at pumila sa likod ko. Nakapila kami ngayon sa lane na nakaayon sa flight number namin.

Nang makalapit na kami sa counter ay hiningi na ang valid id ko. Passport ang inabot ko kaya chineck naman ito ng staff sa may computer nila para tignan ang data base. Tapos dahil nga minor pa lang kami ay hiningi na din ang letter of consent ng parents namin na may pirma.

Nang maicheck na din ang weight ng maleta ko ay binigyan na din ako ng boarding pass. Nang makuha na din nila Louise ang boarding pass nila ay pumila na kami para sa security screening.

Nagsimula na akong maghubad ng sapatos at iniligay ito sa tray kasama ng phone ko. Kinuha naman ito ng staff at ipinasok sa loob ng baggage scanner kasama ang maleta ko. Ganon din ang ginawa nila Louise. At dahil nga nauna ako ay ako na ay hinintay ko muna sila matapos. Tapos sabay-sabay na naming hinanap ang gate number namin. At dahil nga flight agad namin ng 2pm ay hindi na namin kailangan maghintay pa. Halos mag-aalas dos na din naman na kasi. Pumila na agad kami doon sa may gate namin. Inabot namin isa-isa sa attendant ang boarding pass namin. Tapos binalik na lang sa amin yung maliit na slip para copy ng seat number namin.

And then iyon naglakad na kami sa pathway papunta sa entrance ng eroplano. Pinakita namin isa-isa sa flight attendant ang slip kaya ginuide kami nito sa designated seats namin. Nang makapunta na kami sa kaniya-kaniya naming seats ay inakyat na ng boys ang mga maleta namin sa overhead bin. Kaya nga naupo na kaming girls sa seats namin. At dahil nga first class ang binili naming ticket ay solo-solo kami ng upuan. Pinipilit ko si Louise na mag-premium economy na lang dahil super duper mahal ng first class lalo na at international flight pa kaso ayaw pumayag ni gaga mas sanay daw siya sa first class kaya iyon ang binili namin. Dami arte di ba?

Napapikit na lang ako at sinuot ang neck pillow ko. After ng ilang oras Maddie nasa Florida ka na. Kung nasaan si Eirol. Pero bakit ganon? Parang hindi ka masaya? Di ba dapat matuwa ako? Kasi makikita ko na ulit siya.

Hays. Ewan ko ba. Nag-aalala kasi ako. Ilang buwan na ang lumipas na wala akong contact sa kaniya as in. Wala akong magawa gabi-gabi kung hindi mag-isip ng mag-isip at hintayin ang araw na ito. Kakausapin ko na lang siya kapag nagkita kami. Siguro naman may rason siya kung bakit ganon.

"Hala! Heaven!" bulalas ni Andy kaya nga naudlot ako sa pag-iisip at napalingon sa kaniya. Nakita ko ngayon ang table niya na punong-puno ng sari-saring pagkain.

"Gurl, seriously? Iyan lahat ng pinareserve mo?" taas kilay na sabi ni Louise.

"Oo, bakit. Mukhang masarap lahat sa picture eh. Hehe." sabi ni Andy at nagsimula ng lumamon.

"Gurl, we still have 24 hours. Don't rush." sabi ni Louise.

"Wag ka mag-alala. Marami pang puwang sa tiyan ko para mamaya." sabi ni Andy.

"You'll regret it once na bumaba na tayo ng eroplano sis." sabi ni Louise at saka umupo na ng ayos sa seat niya. Napailing-iling na lang ako kay Andy na parang walang narinig sa sinabi ni Louise at patuloy pa din na lumamon.

Napikit na lang ulit ako saka nagpasyang umidlip dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Eirol. Hays.

See you, Eirol.

***
(Maddie's photo on the gallery...)

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon