Andy's POV
After ng huling usap namin ni Drex ay hindi na kami nagpansinan pa. Umiiwas na din ako na makausap siya kasi sa tuwing makakausap ko siya ay nasasaktan ako. Kaya minabuti ko na lang na manahimik sa isang tabi. Sa nagdaang araw, iba-iba ang nakikita kong kasama niyang babae. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang mangyari. Pero kung plano niyang saktan ako pwes nagtagumpay siya. Dahil inaamin kong kada makikita ko siyang may ibang babaeng kausap, katawanan, kayakap ay nasasaktan ako. Mga bagay na dati niyang ginagawa sa akin ay ginagawa niya din sa iba.
Pero gaya nga ng sabi nila Louise noon bago ako makipaghiwalay ay dapat ihanda ko ang sarili ko na makita si Drex sa piling ng iba. Pilit ko namang sinasanay ang sarili ko. Pero kahit anong gawin kong iwas or pagkakaila ay nasasaktan pa din ako. Pero di ba? Ito naman ang naging desisyon ko. Ito ang ginusto ko. Kaya kailangan ko itong panagutan. Titiisin ko na lang hangga't kaya ko.
Malelate na naman ako ngayon kaya nagmadali akong pumasok. Lagi akong tinatanghali ng gising kasi hindi ako makatulog ng ayos sa gabi. Kakaisip kay Drex. Pinagsabihan nga ako ni Mama na wag ko daw ugaliing magpuyat dahil makakasama sa akin. Pero anong magagawa ko? Ang hirap piliting matulog kung yung isip ko gising na gising. Tsk.
Nang makarating akong school ay laking pasasalamat ko nang maabutang wala pa ang adviser namin. Kaya nga naupo na ako sa pwesto ko at binati sila Maddie.
"Pumapayat ka Andy." seryosong sabi ni Maddie kaya napatingin din sa akin si Louise.
"Oo, nga gurl. Are you sure you're eating well?" tanong ni Louise.
"Oo naman. Hahaha! Ako di kakain ng ayos?" sabi ko. Pero sa totoo lang nitong mga nakaraang araw ay nawawalan na akong gana kumain. Kahit na paborito ko pang mga pagkain ang ihain nila Mama sa mesa ay konti lang ang nakakain ko. Napapadalas na din ang pagkapos ng hininga ko at pagkahilo na ikinakabahala ko. Samantalang, hindi naman ako tumitigil sa pag-inom ng medicines at ang pagdalaw sa doktor ko.
Nang magrecess ay inaya na ako nila Louise sa cafeteria. Kaming apat lang ngayon ang nasa table. Tatanungin ko na sana kay Ethan kung nasaan si Drex pero nasagot na din agad ang tanong ko nang makita ko siyang nakaupo sa table na di kalayuan sa amin. Nakikipagtawanan siya sa grupo ng mga babae na hindi namin ka-section. Napatigil ako nang makitang akbay niya ang babae. Habang yung babae naman eh halatang tuwang-tuwa pa.
"Are you sure you're okay?" tanong ni Louise nang mapansin nakatingin ako sa direksyon ni Drex. Tumango na lang ako at saka pinilit ngumiti. Para hindi na sila mag-alala. Saka nagfocus na lang sa pagkain ko na hindi ko pa nababawasan.
_
Nang mag-uwian ay sabay na kaming lumabas nila Louise ng room. Nagmamadali din kasi si Louise dahil magpprepare pa daw siya para sa dinner mamaya kasama ang parents ni Ethan. Kanina niya pa nga bukambibig sa amin ni Maddie eh. Halatang excited na excited talaga siya. Napangiti na lang ako dahil doon. Naalala ko na naman kasi yung araw na nagdinner din ako kila Drex para makilala ang Mama niya. Sa sobrang kagagahan ko eh napagkamalan kong maid ang Mama niya. Hahaha!
Napahinto ako nang bigla kong maalala na nakalimutan ko pala yung notebook ko sa science. May assignment pa man din kami doon para bukas. Di ko na sana kukunin eh kung hindi lang yung masungit na subject teacher ang nagtuturo non. Tsk.
"Ah, guys. Kunin ko lang sa locker ko ang notebook ko saglit. Nakalimutan ko. May assignment pa man din tayo doon bukas." sabi ko.
"Seriously? Ngayon mo pa naalala kung kailan nasa labas na tayo ng building." sabi ni Louise.
"Sorry naman. Hahaha! Wait niyo ako. Saglit lang ito." sabi ko.
"Samahan ka na namin baka ano pa mangyari sa iyo." sabi ni Maddie. Hindi naman na ako tumanggi kaya nga sinabayan nila ako pabalik sa loob ng building.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...