Maddie's POV
Nang makauwi ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi ko napigilang maiyak kanina dahil nadala ako masyado ng emosyon ko sa sinabi ni Andy. Yung tipong malungkot na nga ako dahil kay Eirol tapos dumagdag pa sa lungkot ko yung nalaman ko about kay Andy. Kaya hindi ko nakaya at nag-breakdown na lang.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang convo namin ni Eirol. Hindi niya na ako binlock pa ulit. Pero magmula ng huli naming usap ay hindi niya na talaga ako kinakausap. Talagang pinutol niya na ang koneksyon namin sa isa't-isa ng ganon-ganon lang dahil sa may nakilala siyang bago. Pinipilit kong intindihin siya kasi nga nagkaamnesia siya. Pero bakit ganito? Bakit ang sakit Eirol? Ang sakit sakit. Hindi naman kita masisisi kung nakalimutan mo ako. Pero ang tuluyan ng kalimutan ang lahat ng pinag-samahan natin without even trying? Sobrang sakit. Parang mas gugustuhin mo na lang manatili kung nasaan ka man ngayon. Kaysa bumalik sa dating Eirol na minsang minahal ako.
Naiyak na lang ulit ako habang nagbabackread sa convo namin. Hanggang dito na lang ba ako? Hanggang dito na lang ba tayo?
Cyleen's POV
"Hello, Ahl. I'm already here in the airport.--Yes, sa bahay namin ko ako tutuloy para hindi na magastos sa check-in sa hotel.--No need. Magtatawag na lang akong cab around here.--Yes, yes.--Okay, bye." then I ended the call. Naglakad ako palabas ng airport at inalis ang salamin na suot ko. Napangiti na lang ako nang madama ang simoy ng hangin. It's good to be finally back after seven months.
I joined a modelling agency 6 months ago. Wala talaga akong balak nung una pero nung naglayas ako sa amin ay naisipan ko itong tanggapin. Inofferan din kasi nila ako ng apartment na pag-sstayan near their agency's building. Oo, lumayas ako sa amin dahil masyado akong nahigpitan kay Mom.
Flashback
Kayayari ko lang maglunch that time kaya agad kong kinuha ang phone ko para contact'in sana sila Maddie. Nang biglang pumasok si Mom sa kwarto ko. Nagulat ako nang hablutin niya ang phone ko sabay pumunta sa balcony ko at binato ang phone ko sa may lake na katabi ng bahay namin. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.
"Mom! Why did you do that?!" sigaw ko. Paano ko macocontact sila Maddie? Nandoon ang contacts nila sa akin pati ang social media accounts ko. Ni wala akong saulo na password doon dahil nakasave lang sa google.
"Stop fooling around, Cyleen. Kaya tayo nandito ay para magfocus ka sa pag-aaral mo. At magkaroon ka ng degree. Hindi para makipagkamustahan ka sa mga kaibigan mo." sabi niya. Napakuyom naman ako sa palad ko. This is too much. Masyado niya na akong pinaghihigpitan.
"Mom! This is too much. Pumayag na nga akong sumama dito tapos pagbabawalan niyo pa akong kamustahin ang mga kaibigan ko?!" galit kong sigaw. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakita ko namang nabigla siya sa inasta ko.
"You never loved me as your daughter right? Kasi anak niyo lang ako sa lalaking nanggahasa sa inyo!" sigaw ko kaya bigla niya akong sinampal ng malakas.
"How dare you to say those things in front of me! You disgracing child! I'm your Mother!"
Oo, anak lang ako ni Mom sa lalaking nanggahasa sa kaniya noon. I'm an unwanted child. Para lang akong sampid sa pamilya na ito na paulit-ulit pinapamukha sa akin ng sarili kong ina. Nagpapasalamat na lang ako kahit papaano na itinuring akong parte ng pamilya ng lola ko, ng Dad ko at ng kapatid kong si Noreen. Mas tinuring akong anak ni Dad kahit na hindi niya ako kadugo.
"Hindi niyo naman kahit kailan pinaramdam sa akin ang pagiging ina niyo. Pinaramdam niyo sa akin na kahit kailan hindi ako magiging belong sa pamilya na ito." sigaw ko. Tama na. Pagod na ako. Pagod na akong mag-assume na mamahalin niya pa ako. Balewala lahat ng efforts ko. Nagiging ina lang siya sa akin kapag sa harap ng ibang tao. Para hindi siya masabihan ng kung ano. Reputation ika nga.
After that argument, nagdecide akong lumayas. Alam kong this is a bad idea lalo na at nasa lugar ako na hindi ako pamilyar. Pero anong gagawin ko? Mas gugustuhin ko pang magpalaboy-laboy sa kalsada kaysa dito.
Nag-iwan lang akong letter para kay Dad, Lola, at Noreen. Nag-apologize ako dahil sa biglaan kong pag-alis. Pero tama si Mom. I don't deserve a family. Kasi sampid lang ako.
I roamed the streets that night. Naranasan kong matulog sa bench sa may park. Until a guy named Ahl approached me. Binigyan niya ako ng business card. Isang modelling agency. Ang sabi niya naghahanap sila ng new models at pasado daw ako sa standards na hinahanap nila. Nung una ayokong sumali kasi hindi ko naman talaga passion ang modelling. Pero nung sinabi niyang nagpprovide ang agency nila ng apartment para sa mga models ay tinanggap ko ito. I have nowhere to go anyway. I have no choice. Kaya sumali na lang ako. And that's where my career in modelling started.
End of Flashback
Nakaipon akong pera bago magpasukan kaya naafford ko din kahit papaano pag-aralin ang sarili ko ng 10th grade. Saka sinuportahan ako ni Ahl kaya nagpursigi talaga ako. I became friends with Ahl. Kung hindi dahil sa kaniya siguro pulubi na talaga ako ngayon. Hahaha!
Kahit papaano nakaipon na din ako ng sarili kong pera sa banko. Ito ang first time kong umaccept ng project outside France. Dati pa nila ako inaalok gaya ng sa Las Vegas, Sydney, at Spain. Pero hindi ako pumayag. Ngayon lang lalo na at nalaman kong sa Pilipinas ito. Matagal ko ng hinangad ang makabalik dito.
_
Nang makababa akong taxi ay agad akong nagdoorbell. Lumabas ang caretaker ng bahay namin. Nagulat pa si manang ng makita ako. Pero pinagbuksan niya din ako ng gate.
Hindi alam ni Mom na nandito ako ngayon sa Pilipinas kaya dito muna ako magsstay sa bahay. Para kahit papaano eh malapit ako sa mga kaibigan ko.
"Mam? Kayo lang po?" tanong ni Manang nang mapansin na ako lang mag-isa.
"Opo manang. Ako lang." sagot ko. Napatango naman siya.
"Manang can I have a favor?" tanong ko.
"Ano po iyon, Mam?"
"Pwede ho ba kapag tumawag sa inyo si Mom or si Dad kung nandito ako. Pwede ho bang wag niyong sabihin?" sabi ko. Nagtaka pa si Manang nung una pero sumang-ayon na lang din siya. Tapos dumiretso na ako paakyat sa kwarto ko. Napangiti ako nang makita ulit ang kwarto ko. Malinis pa din ito. Well, nandito kasi si Manang na for sure naglilinis everyday.
Naupo ako sa kama ko at bigla kong naalala ang mga kaibigan ko. Sila Maddie. I feel bad kasi ngayon lang ulit ako magpaparamdam sa mga kaibigan ko after seven months. Naging busy na din kasi ako since I joined the agency lalo na at kasabay pa nito ang pag-aaral ko. Finocus ko lang talaga ang buong atensyon ko sa modelling at saka sa studies ko. Gusto ko once na makabalik ako dito sa Pinas ay may mukha akong maihaharap sa kanila. Na, ito na ang bagong Cyleen. Na nakaalis ako sa puder ni Mom at a young age. At somehow, naging proud ako sa sarili ko kahit na inaamin kong namimiss ko din sila.
Hindi pa muna ako magpapakita sa kanila ngayon. Hahanap na muna ako ng tamang tsempo para surpresahin sila. Kahit na miss na miss ko na ang nga babaitang iyon. Well, sana lang hindi sila galit sa akin dahil pitong buwan akong walang paramdam tapos bigla na lang akong susulpot dito na parang kabute at lilitaw sa harap nila. Ieexplain ko na lang sa kanila kung ano talagang nangyari. At sana maintindihan nila ako.
***
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...