15: Surprise

19.7K 675 7
                                    

Maddie's POV

"Are you even sure na si Eirol iyon ha?" tanong ni Louise. Nakabalik na kami sa Villa at nandito kami ngayon sa kwarto namin nila Andy. Ayoko kasing makita nila Ethan na umiiyak ako. Kaya ito kila Louise at Andy ako humahagulgol.

"Oo nga, Maddie. Baka hindi si Eirol iyon. Baka namalikmata ka lang." sagot naman ni Andy sabay haplos sa likod ko. Si Louise ay nakapamewang sa harap ko.

"Sigurado ako! Nagkatitigan kami. Si Eirol iyon. Hindi ako pwedeng magkamali." sabi ko.

"Sige. Sabihin nating si Eirol iyon gurl ha? Pero malay mo naman relative niya lang yung babaeng kasama niya. Wag ka munang mag-isip ng kung ano." sabi ni Louise.

"Paano mo maipapaliwanag yung hindi niya man lang ako pinansin or naisipang lapitan nung nagkatitigan kami? Yung tingin niya Louise. Parang...Parang hindi niya ako kilala." sabi ko at humagulgol ulit. Napabuntong hininga naman si Louise at naupo din sa tabi ko.

"Malay mo naman kasi hindi ka niya totally'ng napansin. Syempre gurl, iisipin non baka namalikmata lang din siya kasi biglang nandito ka sa Miami without him knowing it." paliwanag ni Louise.

"How can he know that I'm here kung binlock niya ako. Hindi niyo ako masisisi kung iba ang naiiisip ko nung makitang may kasama siyang babae. Halos hindi na siya nagpaparamdam sa akin ng ilang buwan." sabi ko. Bigla naman silang natigilan ni Andy.

"WHAT? He blocked you? At ilang months na kayong hindi nakakapag-usap but you didn't even tell us?! Kami na kaibigan mong babae ka!" sigaw ni Louise at napatayo na naman.

"Ayoko lang namang mag-alala pa kayo. Relasyon naman kasi naming dalawa ito. Ayokong mastress din kayo." sagot ko at ginamit ang panyo na inabot ni Andy.

"So, kaya ikaw ang nagpaka-stress sa sarili mo ganon?" mataray na sabi ni Louise. Hindi ako sumagot. Bagkus ay napahagulgol na lang ulit ako. Ayoko talagang umiiyak sa harap ng ibang tao. Ayokong pinapakita ang fragile side ko. Pero dahil kaibigan ko naman sila ay okay lang.

"I'm gonna kick his ass!" sabi ni Louise at aktong aalis nang pigilan siya ni Andy.

"Kumalma ka nga Louise. Walang mangyayari kahit sipain mo pa ng sipain ang ass ni Eirol no? Saka malay mo naman may reason ang tao kung bakit ganon ginawa niya kay Maddie. Wag ka masyadong magpadala sa emosyon mo." sabi ni Andy kaya napahinto si Louise at napamewang na humarap ulit sa akin.

"Okay fine. Whatever. Make sure lang na valid ang reason niya dahil kung hindi sisipain ko talaga siya ng matauhan siya sa pinag-gagagawa niya sa kaibigan ko." sabi ni Louise.

"Tahan na, Maddie. Bukas magkakausap na din kayo." sabi ni Andy at niyakap ako. Bukas na kasi ang pinaplano naming surprise kay Eirol. Birthday niya na bukas. At sa bahay nila kami mag-aarrange ng surprise. Kukuntsabahin lang namin si Tita Jamie. Ang Mama ni Eirol. Sila Ethan na ang kumausap dito kaya all set na talaga para sa surprise bukas. Pero bakit ganon? Bakit parang gusto kong umatras? Parang ayokong ituloy.

Nakahiga lang ako dito sa kwarto at hindi lumalabas. Ayoko kasing makita nila Gian itong kalagayan ko ngayon dahil paniguradong magtatanong sila kung anong nangyari. Kaya dinalhan na lang ako nila Louise ng pagkain dito sa kwarto. Pero hindi ko pa ito nagagalaw dahil wala pa akong gana kumain. Kakaisip dahil sa nangyari kanina. Kung sino ang babaeng kasama ni Eirol. At kung bakit hindi niya man lang ako pinansin nung magkatitigan kami.

"You're so stubborn, you know that?" mataray na sabi ni Louise at umupo sa tabi ko.

"Hindi mo man lang ginalaw ang pagkain mo. Lumamig na tuloy." sabi niya pero hindi ako nagsalita. Kaya napabuntong hininga siya.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon