Maddie's POV
Napasigaw na lang ako dito sa rooftop habang humahagulgol. Wala akong pake kung malamig dito at nakayapak lang ako. Ang mahalaga ay mailabas ko lahat ng hinanakit ko sa sarili ko. Lahat ng rants ko.
"KASALANAN MO ITO! KASALANAN MO LAHAT! WALA KANG KWENTA MADDIE! NAPAKA SELFISH MO! I HATE YOU! I FUCKING HATE YOU! SANA IKAW NA LANG ANG NASAGASAAN! SANA IKAW NA LANG ANG NACOMA AT HINDI SIYA! THIS IS ALL YOUR FAULT!" sigaw ko sa hangin at saka humagulgol. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko. I can't stop blaming myself. Kasalanan ko naman kasi talaga. Napakuyom na lang ako ng palad at inis na sinaktan ang sarili ko.
"GO DIE! DIE! THIS IS ALL YOUR FAULT! YOU ARE SO SELFISH! STUPID! JUST DIE!" sigaw ko habang sinasaktan ang sarili ko.
"Maddie! Stop it!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko kung sino ay nakita ko si Eirol na tumatakbo palapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang dalawang braso ko at saka tinitigan ako sa mata ko.
"Why are you hurting yourself?" mahinahon niyang tanong sa akin. A-Ano bang ginagawa niya dito? Hindi ba dapat nakaalis na siya kasama si Eliz? Bakit pa siya nandito?
"I deserve it." cold kong sagot saka nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko. "I deserve to get hurt. Saka ano bang pakialam mo kung saktan ko ang sarili ko ha? Hindi ba at gustong-gusto mo ngang saktan ang damdamin ko? The last thing I know, you don't care about me." sigaw ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako. Napabuntong hininga siya saka hinubad ang jacket niyang suot. Isinuot niya ito sa akin kaya napatigil ako sa ginawa niya. Napatitig lang ako sa kaniya habang inaayos niya ang pagkakasuot nito sa akin.
"I care, Maddie. I care for you." sagot niya kaya tila nabingi ako. Dahil hindi ko maunawaan kung anong sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito pa siya. Kung bakit nandito pa siya sa harap ko samantalang nagpaalam na siya sa akin dahil si Eliz ang pinipili niya.
"And I will always care for you. Remember that." sabi niya saka tumitig sa mata ko na lubos na nagpagulo sa isipan ko.
"You should not do this! May girlfriend ka di ba? Siya ang pinili mo. Kaya bakit nandito ka pa?! Dapat kasama mo ang girlfriend mo at hindi ako!"
"Masama bang magbago ng isip at piliin ka?" sagot niya. Hindi ako nakasagot agad kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
"A-Ano bang ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong.
"Isn't it obvious, Maddie? I'm choosing you that's why I'm here." sagot niya ulit kaya napatingin ulit ako sa kaniya na tila hindi makapaniwala. Seryoso ba siya? Tama ba ang rinig ko? Na ako ang pinipili niya? Pero bakit? Akala ko ba si Eliz? Dahil ba sa naaksidente ako kaya nagbago isip niya?
"Look, Eirol. Kung naaawa ka sa akin dahil sa naaksidente ako kaya mo ako binabalikan ay hindi ko kailangan ng awa mo. Just go back where you belong. Go back to your girlfriend!" sabi ko. Natigilan naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"But this is where I belong, Maddie. I belong here, right next to you." sabi niya kaya natigilan ulit ako at napatitig na lang sa mata niya. Hinintay kong sabihin niyang joke lang ito pero seryoso talaga siya. Hindi niya binawi ang sinabi niya.
"E-Eirol...I-I ca--" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay agad niya akong hinila at kinulong sa mga bisig niya kaya nagulat ako at tila hindi nakakilos. Hinayaan ko lang siyang ikulong ako sa yakap niya.
"Can you help me remember? Everything about you. I want to remember every single memory that I had with you, Maddie." sabi niya habang yakap ako. Hindi ako nakasagot. Tila pati dila ko yata ay nanigas na din dahil sa sinasabi ni Eirol. Masyado akong nabibigla sa pangyayari at hindi ito maproseso ng utak ko.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Fiksi RemajaAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...