Maddie's POV
Nagising ako na nasa kama na ako. Samantalang ang pagkakaalala ko ay nasa sala kami kanina nila Louise. Kaya nga lumabas ako ng kwarto para hanapin sila.
"Eirol has an amnesia. Naaksidente siya 2 months ago sabi ni Tita Jamie." rinig kong sabi ni Drex kaya napatigil ako. May amnesia si Eirol?
"Ha? Eh bakit kilala niya pa din kayo?" naguguluhang tanong ni Andy.
"Mukhang ang recent memories niya lang ang hindi niya maalala. Which is nung dumating kayo. Kasi kilala niya pa kami saka ang mga parents niya." sagot ulit ni Drex.
"Ha? So, you mean. Pati kami eh hindi niya din maalala?" tanong ni Louise. Tumango naman si Drex.
"Kaya pala halos hindi sila nagkausap ni Maddie ng dalawang buwan, Louise. Kasi wala ng maalala si Eirol non." sagot ni Andy.
"Mukha nga." sabi ni Louise at napabuntong hininga.
"So, that girl na nakita ni Maddie yesterday na kasama ni Eirol? Kaano-ano ni Eirol iyon?" tanong ni Louise.
"Nakita niyo si Eirol kahapon?" tanong ni Ethan.
"Yeah, nung nasa Brickell centre tayo. Nakita siya ni Maddie na may kasamang babae. So, I'm just wondering baka kilala niyo iyon? Meron ba siyang cousin dito? Or sister?" tanong ni Louise. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang tanong ni Louise.
"Walang kamag-anak sila Eirol dito sa Florida. At saka wala siyang kapatid." simpleng sagot ni Drex. At sa sinabing iyon ni Drex ay doon na lumakas ang hinala ko.
"So, you're saying na nagkagirlfriend si Eirol ngayong hindi siya nakakaalala?" tanong ni Louise.
"We don't know. Wala siyang nabanggit kanina kasi nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan kanina nung umalis kayo. Nasuntok ni Gian si Eirol." sagot ni Drex. Nabigla naman ako ng marinig ang sinabi ni Drex. Bigla akong nakaramdam ng kung anong inis nang malamang sinaktan ni Gian si Eirol. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita.
"What? You punched him?" napatingin naman silang lahat sa akin. Inis akong lumapit kay Gian.
"Why did you fvcking do that Gian?! Are you insane!" sigaw ko.
"I did that for you, Maddie." matigas niyang sabi. Lalo akong nainis dahil sa sagot niya. Para sa akin sinaktan niya si Eirol? Naririnig niya ba ang mga sinasabi niya?
"For me? Wow. Thank you ha? Pero hindi ka nakakatulong! Lalo mo pang pinapalala! Pwede ba next time wag ka ng makikialam? Hindi ko kailangan ng tulong mo! Hindi ko kailangan ng pake mo!" sigaw ko. Napaismid naman siya.
"Oo nga naman. Ano nga bang pakialam ko sa iyo? Eh hindi naman kita totoong kapatid. Half-sister lang kita. Tss." sabi niya at umalis sa harap ko. Napatulala na lang ako dahil doon. Tapos bumaling naman kila Louise.
"Is it true? May amnesia si Eirol kaya hindi niya ako maalala?" tanong ko. Tumango sila. Nanghina ulit ang tuhod ko kaya napaupo ako. Agad naman akong dinaluhan nila Louise. Ang luhang akala ko tapos na ay tumulo ulit.
Nasasaktan ako sa tuwing iisipin kong naaksidente siya noon na wala ako sa tabi niya. Na wala akong kaalam-alam. Nasa peligro ang buhay niya noon pero wala ako sa tabi niya. Tapos ngayon magkakaroon ako ng inis sa kaniya dahil lang sa hindi niya ako maalala? Anong karapatan ko para mainis sa kaniya ng ganito samantalang wala ako sa tabi niya noong mga panahong kailangan niya ako. Niyakap ulit ako ni Louise at Andy kaya napahagulgol na lang ako sa kanila.
_
Tulog na yung dalawa ngayon. Nakayakap silang dalawa sa akin dahil ako ang nakapwesto sa gitna at silang dalawa sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Teen FictionAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...