Louise's POV
Kasalukuyan akong nag-iiscroll sa facebook nang bigla kong mabasa ang isang post na shinare ng friend ko. Isang battle of the bands contest para sa padiriwang ng summer break. Napangisi naman ako nang makaisip ako ng isang balak. Agad kong dinial sa phone ko ang numero na nakaindicate doon at nang ilang ring lang ay may sumagot agad.
"Hello, magpapalista lang sana ako para sa battle of the bands?" bungad ko.
[Yes po, Ma'am. Ano pong name ng band? And name na din po ng members.]
"The Edge. Ang name ng band. The members are Gian Ford Rodriguez, Francis Ethan Montereal, Eirol James Cabrera and Shawn Drexler Gatdula." masaya kong sagot.
[Copy po, Ma'am. We'll just call you about the further details.]
"Okay, okay. Thank you so much!" sagot ko saka binaba ang tawag. Napapalakpak na lang ako sa tuwa dahil doon. Mwahaha! Okay, time to inform them na. Agad kong chinat si Ethan na papuntahin kako ang mga kaibigan niya sa café ni Maddie. Then ako naman ay nagchat na lang sa gc namin nila Maddie at sinabing pumunta sa café mamayang hapon.
Me: Make sure they will come later. Especially, Gian.
Ethan: Yes, boss. Ano ba kasi meron? 🤔
Me: Basta! Mamaya ko sasabihin. Okay? 😉
Ethan: Hmm. Okay. ❤️
Napangisi na lang ako at natawa sa isip-isip ko. Wahaha! Wala silang kaalam-alam na pinalista ko sila sa isang contest. Pero, oh well, wala naman silang magagawa. Hindi na sila makakaangal kasi nakalista na sila. Hehe. Saka namiss ko silang marinig tumugtog. Naalala ko kasi nung tumugtog sila nung intramurals. Kaya nung makita ko agad yung post eh ginora ko na agad. Hehe.
_
"WHAAAT?" bulalas ni Ethan pagkasabi ko na naipalista ko na sila for the battle of the bands. Nandito na kami ngayon sa café. At buti na lang nagsipunta sila. Maski si Gian. Pero hindi niya kasama ngayon si Elaine.
"So, ang sinasabi mo ba eh pinalista mo kami nang hindi pa muna kami tinatanong kung gusto ba namin sumali?" sabi ni Drex.
"Yaah! Bakit ba ganiyan kayo makareact? Parang iyon lang naman eh. Kaya niyo namang tumugtog. And besides, namiss ko kayong tumugtog. Gusto ko ulit marinig na tumugtog kayo." sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Tororot tooot tooot tooot! Iyan bully, tugtog na iyan. So ano pwede na ba iyan?" sabi ni Ethan kaya agad ko ngang pinaghahampas ng Louis Vuitton Félicie Pochette ko. Pilosopo eh.
"Ouch! Just kidding, bully. Ouch!" daing niya. Inirapan ko nga.
"Bakit mo naman kasi sila pinalista nang hindi pa nila alam gaga ka. Hindi naman ikaw ang magpperform di ba? Sila! Manager lang ang peg?" sabi ni Maddie.
"Oo nga naman, Louise. You can't force them to join dahil lang sa gusto mo." sabi naman ni Cyleen.
"But--" magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Gian. Kanina pa kasi siya walang imik tapos ngayon biglang magsasalita.
"Sasali kami." simple niyang sagot na nakade-kwatro pa ang upo at nakasandal sa upuan. Nagtaka lang ako dahil yung titig niya eh nakadirekta kay Cyleen pagkasabi niya ng sagot niya. Hmm.
Gulat namang napatingin sila Ethan sa kaniya pero ako ay lumiwanag ang mukha ko nang marinig ang sagot niya.
"Brad? Seryoso ka ba? Ang tagal na nating hindi nakakatugtog." sabi ni Ethan. Sinamaan ko ngang tingin. Kanina pa ito kontra ng kontra eh. Boyfriend ko ba talaga itong siraulo na ito?
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Roman pour AdolescentsAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...