Bonus Chapter

24.3K 599 91
                                    

This chapter happened some time after the epilogue. Not after the previous special chapters...

***
Elaine's POV

"Buntis ako, Ahl. You're the father." sabi ko. Bigla siyang nasamid nang marinig ang sinabi ko kaya agad siyang nagpunas ng tissue at tumingin sa akin.

"Elaine, you startled me. Wag ka ngang magbibiro basta-basta." he chuckled sabay nagpunas ng tissue. Napabuntong hininga naman ako.

"Sana nga biro na lang talaga." sagot ko sabay lapag sa lamesa ng pregnancy testing kit. Nanlaki naman ang mata niya nang makita niya iyon.

"P-Paanong--Isang beses lang iyon ah?! Imposible."

"Hindi ko alam, Ahl. Lasing tayo parehas non." sabi ko.

"B-But...Elaine...I-I..."

"--I don't deserve to be a father." sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang marinig iyon. Mukhang tama ako. Hindi niya ito papanagutan. Ano pa nga bang inaasahan ko?

"H-Hindi naman kita pinipilit na panagutan ako, Ahl. I just want you to know that I'm carrying your child." sabi ko at agad umalis. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na lang ito pinansin. Napahagulgol na lang ako nang makalabas akong café at saka tumakbo na lang palayo doon.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad at dinala ng paa ko pero nang makita ko ang bench ay naupo ako. Napatitig ako sa kawalan habang tuloy pa din ang pag-agos ng luha ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na ngayon at buntis ako. Hindi ko na mapagpapatuloy ang pag-aaral ko dito. At lahat ng mga naging hirap at sakripisyo ko ay mababalewala nang dahil lang sa isang pagkakamali.

Naiintindihan ko naman si Ahl kung ayaw niyang panagutan ang bata na nasa sinapupunan ko ngayon. Kasi nga parehas naming hindi inaasahan ito. Na ang isang gabing pagkakamali ay mapupunta dito. Kung alam ko lang. Edi sana hindi na lang ako nakiinom nung party. Argh! Ang tanga mo Elaine! Ang tanga-tanga mo!

"Look! It's snowing!" bulalas ng isang bata kaya napatingala ako sa kalangitan at inilahad ang palad ko. Nang may bumagsak na isang snowflake sa palad ko ay napangiti ako. Dahil ito ang first snowfall dito sa France. At ito din ang unang beses na makakaranas ako ng snow. Ang season na hinihintay ko.

"Elaine..." tawag ng isang pamilyar na boses. Nang mapatingin ako sa taong nasa harapan ko ay biglang kumabog ang dibdib ko lalo na nang magkatitigan kami sa mata habang ang snow ay patuloy pa ding bumabagsak mula sa kalangitan.

"Ahl..."

***

Elaine Marteja's side story
The Snow Made in France
(COMPLETED)

Elaine Marteja's side storyThe Snow Made in France(COMPLETED)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kindly visit my profile to find this story! :))

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon