45.1: Ilocos

18.2K 577 78
                                    

Gian's POV

"Again? Lagi na lang ba akong magiging bodyguard ng maldita na yan?" taas kilay kong sabi. Gusto din kasi ako pasamahin ni Dad sa Ilocos bukas kila Maddie para daw mabantayan ulit ito. Tss. Gaya nung sa Miami.

"As if naman gusto kitang kasama." mataray na sagot ni Maddie. Kaya inignore ko lang siya.

"Why not Gian? Kasama din naman ang mga kaibigan mo. Think of it as a vacation." sabi ni Dad. Oo nga kasama naman sila Ethan pero hindi kasi talaga ako mahilig magtravel. Bakit ba kasi ang gala ng mga ito. Ang daming alam.

"Okay fine. But I should come with Elaine this time." sabi ko. Tutal, naman kasi sa Pinas lang naman kaya pwedeng-pwede ko siya maisama.

"Ano?! Bakit mo isasama iyon? Sira ka ba?" bulalas ni Maddie.

"Bakit? Girlfriend ko siya eh. Dapat lang na isama ko siya. Tutal, pares-pares kayo magdadala din ako ng kapares ko." sabi ko at napaismid nang malamang kasama din pala yung lalaking laging kasama ni Leen.

"Tss. Fine. Dumbass." sabi ni Maddie at pumunta paakyat ng kwarto niya. Napatingin naman sa akin si Dad.

"Wag na wag mo na ulit iiwan kapatid mo doon ng basta-basta gaya ng ginawa mo nung nag-ktv kayo, Gian." bilin niya. Tumango na lang ako kaya pumunta na din siya paakyat sa kwarto niya. Agad ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan si Elaine. Ilang ring lang ay sinagot niya na ito agad.

[Hello, Gian?]

"Hello, Elaine. Gusto sana kitang isama kung pwede ka?"

[Where?]

"Nagkaayaan kasi sila Maddie na mag-Ilocos. Pinapasama ako ni Dad para mabantayan ko daw ulit. So, I'm just thinking if you can come too?" sabi ko. Hindi agad nakasagot si Elaine kaya nagsalita ulit ako.

"Elaine?"

[Ahh. Ilocos? Uhm. I-Isasama mo ako?]

"Yeah. If you want. Pero kung hindi ayo--"

[No. No. Sasama ako. Sure. Bakit hindi? Hehe.] sagot niya agad cutting my sentence.

"Hmm. Great. Mamayang madaling araw na ang gayak eh. Mga 2am? Kasi 6-7 hours ang byahe depende pa sa traffic. And we're staying there for 5 days nga pala." sabi ko.

[Ganon ba? Sige. Mag-iimpake na pala ako kung ganon.]

"Sige. Cocontact'in na lang kita mamaya kapag susunduin ka na namin diyan. Isang van lang kasi tayo."

[Sure. Sige. Goodbye!]

"Bye." then I ended the call. Pagkababa ko ng tawag ay umakyat na din ako papunta sa kwarto ko at nagsimulang mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. After that ay nagpasya na din akong matulog agad dahil maaga pa ang alis namin mamaya.

_

Cyleen's POV

Pasado alas dos ng madaling araw ay natapos akong maggayak. Kaya nga hinintay ko na lang sila Louise dahil ang van nila ang gagamitin papuntang Ilocos.

"They're here." sabi ni Ahl sabay bukas na ng pinto at binitbit ang bag naming dalawa. Kaya nga sumunod na din ako agad sa kaniya palabas. Dito kasi siya natulog sa amin para hindi na siya dadaanan sa hotel na tinutuluyan niya. Medyo malayo kasi dito iyon.

Nang makalabas na kami ni Ahl ay agad ko na ding nilock ang bahay. Agad binuksan nila Louise ang pinto ng van kaya bumungad sila sa akin na kaniya-kaniya nang nakaupo sa pwesto nila. Pero napatingin ako sa gawi ni Gian nang makitang kasama niya si Elaine. Habang siya naman ay masama ang tingin kay Ahl.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon