51: We Can't

19.2K 610 24
                                    

Cyleen's POV

"Do you want to go with us later?" I asked Ahl over the phone. Tinatanong ko siya kasi baka gusto niyang sumama sa battle of the bands mamaya.

[Yeah. Susunod na lang ako. Iidlip na muna ako para magbawi ng tulog. Tinapos ko kasi paper works na finorward sa akin ni boss.] sagot niya.

"Osige. Imessage mo na lang ako mamaya para alam ko. Magpprepare na din ako dahil maya-maya lang nandito na sila Maddie para sunduin ako."

[Okay, sige. Bye.] sagot niya kaya nga pinatay ko na ang tawag at agad nang pumasok sa banyo para maligo. Nang mayari akong maligo ay agad na akong namili ng damit na susuotin ko. At dahil for sure matao doon, nagpants na lang ako at saka hoodie. Dahil gabi magsisimula panigurado anong oras na din matatapos. Malamig pa naman kapag gabi.

Nang matapos akong magbihis ay nag-apply na din ako ng light make up saka konting accessories na babagay sa outfit ko. Tapos saka na ako nagsuot ng rubber shoes. Saktong pagkatapos ko isintas ang aking sapatos ay ang siya namang pagtunog ng doorbell sa baba. Kaya nga agad ko ng kinuha ang slingbag ko at lumabas ng kwarto. Dahil sure naman akong sila Maddie na iyon.

"Cyleen, gurl. Let's go. I don't want to be late coz I'm so excited to watch my boyfriend already." sabi ni Louise kaya nga agad na kaming sumakay sa loob ng van. Kami lang apat na babae ang nandito. Kanina pa kasi nauna yung mga lalaki sa venue para magprepare.

"Wow ha? Ngayon ka lang yata nag-asam na hindi ma-late?" sagot ni Maddie. Katabi niya ay si Andy na nakababa ang facemask na suot dahil umiinom ng chuckie.

"Alam mo gurl? Sorry. Good mood ako ngayon kaya hindi ko muna papatulan ang kamalditahan mo." sabi ni Louise. Inirapan na lang naman siya ni Maddie.

"Hindi sumama si Elaine?" tanong ko nang mapansin na wala si Elaine. Sa amin kasi dapat siya sasabay.

"Ang sabi niya mauna na daw tayo. May dadaanan pa daw kasi siya." sagot ni Maddie.

"Eh bakit hindi na lang siya sumabay dito? Pwede naman nating ipadaan doon sa pupuntahan niya. Saka para hindi na siya mahirapan sa pagcocommute. Lalo na at rush hour ngayon." sagot ko.

"Gurl, pinilit naman namin siya kaso she insist na wag na talaga kaya hinayaan na namin." sagot ni Louise. Napatango-tango na lang ako at saka agad nagtipa ng message para kay Ahl.

Me: Hey, Ahl. Hope you don't mind. Pero pwede mo bang isabay na sa iyo si Elaine kapag papunta ka na sa venue?

Ahl: Okay fine. Kapag naabutan ko pa siya.

Me: Okay, thanks. Ahl.

"Wow. You're concern to Elaine? Ang girlfriend ng mahal mo? Really?" sabi ni Louise na mukhang nabasa ang message ko kay Ahl. Katabi ko lang kasi siya.

"Why? Anything bad?" tanong ko.

"Well, wala naman. Very unusual lang. You know? You are Gian's past, and Elaine is the present. Di ba dapat supposedly hindi kayo in good terms? Kasi ganon ang karaniwang mga napapanood ko sa mga dramas."

"Wala naman kasi akong nakikitang rason para kainisan si Elaine. Mukha naman kasi siyang mabait. And besides, wala naman siyang kinalaman sa nangyaring problema sa amin ni Gian kaya bakit ako magagalit sa kaniya?" I answered. Napatango naman si Louise.

"You're right." sagot niya kaya natahimik na kami. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa venue. Medyo madami na din ang tao kaya agad na kaming bumaba ng van. Napansin ko naman si Louise na may kinuhang kahon sa likod ng van kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Wear that!" sabi niya sabay abot sa amin ng tshirt na tig-iisa. Nang kunin namin iyon ay tumambad sa amin ang mga personalized shirts. Mga may mukha lang naman nila Gian.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon