Maddie's POV
It was nearly 3pm in the afternoon when we arrived at Miami International Airport. Hinintay pa kasi namin ang sundo naming sasakyan saka nakailang balik si Andy sa restroom. Sumama kasi ang pakiramdam dahil nagka-jet bloat si gaga.
Kila Ethan kasi kami tutuloy. Doon sa may Villa nila sa may San Marino Island near Miami Beach. And ang sabi sa akin ni Ethan, sa may Coral Gables daw banda nakatira sila Eirol. Doon banda sa may Ingraham Hwy which is 25 minutes drive mula daw sa kanila.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nandito na ako sa Florida. Nasa iisang lugar na ulit kami ngayon ni Eirol. At para akong kinakabahan na ewan.
Nang makarating kami sa Villa nila Ethan ay agad na kaming nagsibabaan. Pinagtulungang buhatin ng mga maid ang mga maleta namin kaya excited na pumasok sa loob sila Louise at Andy. Napatingin na lang ako sa kabuuan ng bahay. It was big. At dito ko napatunayan na mayaman nga talaga itong sila Ethan. Lalo na at hindi biro ang halaga ng mga bahay dito sa amerika. Beach house kasi nila ito. Bahay bakasyunan kapag naisipan nilang pumunta dito sa Florida. Buti na nga lang at meron kaming tutuluyan dito kundi sa hotel kami.
Nang makapasok kami sa loob ay mas lalo kaming namangha sa ganda nito. Simple lang siya pero halata namang mukhang mamahalin lahat ng mwebles.
"Kailan ulit last punta niyo dito, bully?" tanong ni Louise na nakangiting pinagmamasdan ang buong bahay.
"6 years ago?" sagot ni Ethan.
"Pero infairness huh? Parang hindi naluma." sagot ni Louise.
"Well, we hired caretakers of course." natatawang sabi ni Ethan.
"Come on guys, follow me. I'll show you your room. Para makapagpahinga na din kayo. For sure pagod kayo kasi pagod din ako. Hahaha!" sabi ni Ethan kaya nga sumunod kami sa kaniya.
"Dito kayo girls. Hindi kasi kayo makakapagsolo dahil 4 rooms lang ang meron kami dito. Yung isa hindi pwede kasi room ni Dad at Mom iyon. So, kaming mga boys doon na lang sa room ko. Then yung isang guest room naman kasi 2 single beds lang ang nandoon hindi kayo magkakasya kaya dito na lang kayo medyo spacious ang kama. Kasya kayong tatlo." sabi ni Ethan pagkabukas niya ng kwarto. Excited namang tumalon agad si Andy sa kama. Tapos si Louise tinignan agad ang banyo.
"Wow! Bath bombs!" rinig kong sigaw ni Louise.
"Yep. Nagpabili ako kasi alam kong mahilig kang magsoak sa bath." sabi ni Ethan.
"Omg, thanks! You're the best." irit ni Louise at yumakap sa jowa niya. Ako naman ay nilibot ang paningin ko sa buong kwarto saka lumapit doon sa bintana. Nagandahan ako sa view dahil tanaw na tanaw ang dagat.
"Wait! May nakalimutan ako tignan!" biglang sabi ni Andy at mabilis pa sa alas kwatrong bumangon sa kama at tumakbo palabas ng kwarto.
"WAAAAH!" rinig naming sigaw ni Andy kaya napalabas kami at sinundan siya. Akala namin kung ano ng nangyari. Iyon pala nakita lang ang mga stocks nila Ethan na pagkain sa pantry.
"Nagpastock akong food good for 5 days." nakangiting sabi ni Ethan kaya napapalakpak si Andy at agad humablot ng mga pagkain. Napailing-iling na lang ako tapos bumalik na ako sa kwarto. Sinimulan ko ng ilabas sa maleta ang mga damit ko at isa-isang hinanger sa aparador.
"When you need anything just call the maid. O kaya knock on our door. Nandito lang naman kami sa kabilang kwarto." sabi ni Ethan. Napatango na lang ako.
"Okay, bully thanks." sagot ni Louise tapos saka na umalis si Ethan.
"I'm gonna take a bath na. Lagkit na lagkit na ako sa sarili ko." sabi ni Louise at agad pumasok sa cr. Ilang saglit pa ay pumasok na din si Andy ng kwarto bitbit ang mga pagkaing nakulimbat niya sa kusina nila Ethan. Naupo siya sa beanbag at doon lumamon.
BINABASA MO ANG
TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]
Novela JuvenilAnyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for love? Or you will just pass and give up? The Game is not yet over! Get ready because we're going to...