36: Plan

18.5K 562 2
                                    

Drexler's POV

Biglang pagbawi kay Andy naisipan ko siyang dalawin sa kanila. Lalo na kapag may free time naman ako ay hindi ko nakakalimutan na pumunta sa kanila.

Pagkapindot ko ng doorbell ay agad lumabas si Tita Helena. Nakangiti niya akong sinalubong at pinagbuksan ng gate.

"Hello, hijo. Ang tagal mo ding hindi nakadalaw ah?" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Opo, tita. Nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakaintindihan ni Andy nitong nakaraan kaya hindi na po ako napapadalaw dito." sagot ko.

"Sorry nga pala at hindi namin sinabi sa iyo agad ang tungkol sa sakit ni Andy ha? Ayaw lang naman kasi naming pangunahan ang desisyon ni Andy. Saka relasyon niyo naman kasing dalawa iyan." sabi ni Tita. Napatango na lang ako.

"It's okay po, Tita. Naiintindihan ko po. Basta ang mahalaga po ngayon eh ayos na po ang lahat." sabi ko at ngumiti.

"You're right. By the way, halika nandoon si Andy sa kwarto niya. Kanina ka pa nga hinihintay. Ibinilin ka pa sa akin na kapag dumating ka daw eh papuntahin ka daw agad sa kwarto niya." sabi ni Tita sabay pumasok na sa loob kaya sinundan ko siya.

"Iaakyat ko na nga din sana sa itaas itong gamot niya eh. Tutal, pupunta ka din naman na sa kaniya pwede bang ikaw na lang ang mag-abot nito? Inumin niya na kamo at mahirap na kapag wala sa oras ang inom ng gamot non." sabi ni Tita Helena. Napatango na lang ako at kinuha ang gamot na inabot niya sa akin saka nagtungo na paakyat sa kwarto ni Andy. Kumatok muna ako.

"Andy, si Drex ito." sabi ko pero walang sumagot kaya dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakahandusay sa lapag. Nanlaki ang mata ko at agad nilapag ang gamot sa sidetable niya. Tapos saka ko siya nilapitan na may kabog sa dibdib ko.

"Andy? Andy! Gising. Andy!" tawag ko na tila natataranta. Akto na sana akong tatayo at lalabas na sana ng kwarto niya para tawagin si Tita Helena nang makarinig ako ng tawa. Agad naman akong napalingon sa babaeng walang tigil ngayon kakatawa.

"Hahaha! It's a prank!" sabi niya at wala pa ding tigil katatawa. Sinamaan ko siyang tingin dahil inaamin kong kinabahan ako doon sa ginawa niya. Lalo na at naospital siya nitong nakaraan lang.

"Whaaaat?" tanong niya nang mapansin ang masamang titig ko sa kaniya.

"Not funny, Selena Andrea." sagot ko agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Sorry na. Hindi ka naman mabiro. Pampa-good vibes lang. Naging masyado kayong lugmok dahil sa akin eh." katwiran niya at yumakap sa braso ko. Hindi ko siya pinansin.

"Uy, Drex. Sorry na. Joke lang naman." sabi niya at nagpout pa saka yumakap naman sa bewang ko. Tinitigan ko naman siya. Kaya nakita ko siyang nagppuppy eyes sa akin.

"Sorry na. Huhu. Joke lang naman eh. Bahala ka nga diyan." sabi niya pa ulit at padabog na umupo sa kama niya at nagcrossed arms pa sa akin.

"O, ngayon? Ikaw naman ang nagtampo? Di ba ako dapat?" sabi ko at nilapitan siya.

"Eh ikaw kasi. Di mo ko pinapansin. Joke lang nga eh. Nagsorry naman ako." sabi niya sabay pout. Natawa naman ako at kinurot ang pisngi niya.

"So ganon? Kapag nagtampo ako, magtatampo ka din? Bandang huli ako susuyo sa iyo imbes na ako suyuin mo?" I chuckled.

"Hmph. Ayoko na magjoke kahit kailan." sabi niya at inirapan ako. Napailing-iling na lang ako sa kaniya. Pero natatawa ako dahil inaamin kong namiss ko yung pagganito niya sa akin. Namiss ko yung kulitan naming dalawa.

"Next time, kasi kapag magjjoke ka. Make sure na nakakatawa. Hindi nakakainis." sabi ko at tumawa. Tumingin naman siya sa akin.

"Ah, so ako pa nakakainis ganon?"

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon