70: Hug

19.5K 590 34
                                    

Drexler's POV

Nasa operating room na ngayon si Andy at nandito kaming lahat sa waiting room, pinagdadasal na sana ay maging successful ang surgery. Na sana ay walang mangyari'ng masama sa kaniya.

Kada minutong lumilipas ay kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Kaya wala na akong magagawa kung hindi ang matiyagang maghintay sa paglabas ng doktor.

After four hours of waiting, napatayo agad kami lahat nang lumabas ang doktor mula sa operating room. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Dok, how's the surgery?" bungad na tanong ni Tita Helena. Isa-isa naman kaming tinignan ng doktor kaya parang bigla akong kinabahan. But when a smile formed in his face ay bigla akong nagkaroon ng pag-asa.

"The surgery was successful. She'll be okay now. Sa ngayon, ililipat na namin siya sa isang room. Kailangan na lang muna natin maghintay na magising siya." nakangiting sabi ng doktor at saka nagpaalam na sa amin. Naiyak sa sobrang tuwa si Tita Helena at yumakap kay Tito Andres. Napangiti na lang ako nang makita din sila Maddie na tuwang-tuwa. At gaya nila, halos maiyak na din ako sa sobrang tuwa. Thank you God for giving Andy another life.

Nang mailipat na si Andy sa isang room, agad kaming pumasok nila Maddie sa loob. Sila Tita Helena at Tito Andres naman ay namili na muna ng makakain namin sa labas.

Agad akong lumapit kay Andy at hinawakan ang kamay niya. Dinampian ko ng halik ang palad niya saka napangiting tumitig sa kaniya.

"You'll be awake soon. Magiging okay na ang lahat." sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang pagtap ni Ethan sa balikat ko. Then sumunod ay lumapit na din sila Maddie. Nakapaligid kami ngayong pito sa higaan ni Andy. Hinawi-hawi ni Louise ang buhok ni Andy at tumingin sa amin isa-isa nang may ngiti sa labi.

"I told you guys, this bitch is strong." sabi ni Louise na teary-eyed na. Natawa na lang kami kasi nagsimula na ngang maiyak si Louise na inasar naman ni Maddie.

"You're so emotional." natatawang sabi ni Maddie.

"Bakit ba? I can't help it eh. My tears are in low tide." sagot ni Louise.

"Ha? Low tide?" naguguluhang tanong ni Maddie.

"Bitch, go back to grade school. It means mababaw. Tsk." sagot ni Louise at umirap. Napairap na lang din si Maddie pero natawa na lang.

Nang dumating sila Tita Helena dala na ang mga pagkain ay nagsimula na din kaming magsikain ng lunch. Kasalukuyan naming hinihintay ang doktor ni Andy para sa sasabihin nito about sa kondisyon ni Andy.

"I think we should put this chicken on Andy's nose. Baka sakaling kapag nasinghot niya itong amoy ng inihaw na manok eh baka magising na siya." sabi ni Louise sabay tawa kaya natawa din kami.

"Kahit kailan talaga yung ideya mo ano? So dumb." mataray na sagot ni Maddie.

"Why? This is her favorite, right?" Louise chuckled.

"Lahat naman paborito niyan, sira." sagot ulit ni Maddie saka napangisi. Napatingin na lang kami lahat nang mapansin na ngumunguso si Louise sa direksyon ni Cyleen at Gian. Nagtataas baba ang kilay ni Louise sa dalawa kaya natawa kami. Napansin kasi namin kanina pa na mukhang close na close ang dalawa.

Ngayon kasi eh kasalukuyang pinaghihimay ni Gian ng chicken si Cyleen. Nang mapansin nilang tahimik kaming lahat ay napatingin sila sa amin. Doon lang nila napansin na nakatitig kaming lahat sa kanilang dalawa.

"Stop starring at us. Tss." masungit na sagot ni Gian.

"Hmm. I smell something fishy here." sabi ni Louise.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon