9: Amends

22.7K 967 85
                                    

Louise's POV

Sa mag-iisang taon na naming relasyon ni Ethan, hindi ko pa namemeet personally ang parents niya. Kaya ngayon pupunta ako sa kanila para makilala ang parents niya for the first time. Busy kasing tao ang mga parents naming dalawa kaya ganon. A simple dinner lang naman sa isang restaurant kasama ang Mom at Dad niya. Kaya nga nagprepare talaga akong bongga. Pero dahil simplicity is beauty hindi ko na lang masyadong sinagad ang beauty ko ngayon. Hehe.

Nang makita kong nagriring ang phone ko at pangalan ni Ethan ang naka display ay agad ko itong sinagot.

[Hey, bully. I'm already here outside.] he chuckled. Tumanaw naman ako sa bintana ko. At doon nakita ko nga siya na nakasandal sa kotse niya. Napangiti na lang ako nang kumaway siya sa akin.

"Wait. Papunta na ako diyan." sabi ko at binaba ang tawag. Saka nagmadaling lumabas ng bahay at pumunta sa kaniya. Umikot ako sa harap niya para ipakita ang outfit ko.

"What do you think?" tanong ko habang nakangiti. Nakatitig lang siya sa akin.

"Pretty as ever." sabi niya kaya lalo akong napangiti.

"Let's go." sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Agad naman akong sumakay doon sa loob kaya sumukay na din siya.

Somehow, hindi kaba ang nararamdaman ko kung hindi excitement. Excited na akong makilala ang Mom at Dad niya. I don't know pero excited talaga akong makakilala ng bagong pamilya. Siguro dahil nagccrave ako ng complete family?

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may tumawag kay Ethan. At dahil katabi ko nga lang siya ay rinig na rinig ko ang usapan nila.

[Hello?--Yes, we are on our way na po--What? Why?--But Dad--Come on she waited this--Fine then.] nang maibaba niya ang tawag ay napabuntong hininga siya. Kaya napatitig ako sa kaniya.

"Anything wrong?" I asked. Napalingon naman siya sa akin.

"I'm sorry, bully. But the dinner was cancelled. Nagkaroon ng urgent meeting si Dad." sabi niya. Inamin kong nadisappoint ako doon kasi nagprepare akong ilang araw para dito. Pero okay lang naman. Like my family, busy din ang family ni Ethan sa pamamalakad ng negosyo. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sanay na akong mareject sa family ko. Pero bakit ito masakit? Hindi ako nakasagot kaya nagsalita ulit si Ethan.

"I'm very sorry. Alam kong pinaghandaan mo ito." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

"It's okay. May next time pa naman." nakangiti kong sabi. Pinilit niya na lang ding ngumiti para sa akin.

"Do you wanna go somewhere else?" tanong niya. Pero umiling ako.

"Iuwi mo na lang ako. It's been a long day. I'll take a rest na lang." sagot ko. Napatango na lang siya kaya nga inuwi niya na lang ako sa amin. Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko at nagpatihulog sa kama ko. I prepared for nothing. Hays.

Ethan's POV

Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko sila Mom at Dad sa living room. May kausap si Dad sa telepono pero hindi ko na napigilan ang inis ko kaya nagsalita ako.

"What the heck is this Dad?" sigaw ko kaya napatigil si Dad at agad binaba ang tawag. Napatayo naman si Mom kasi alam niya na ang mangyayari.

"Why are you raising your voice to me, Francis?" sagot ni Dad.

"Louise expected this dinner Dad! Ilang araw niya itong pinaghandaan makilala lang kayo for the first time. Pero anong ginawa niyo? You made her disappointed." sigaw ko.

"What can I do? There's an urgent call from the office. They need me. Marami pang next time sa dinner na iyan Ethan."

"You don't understand, do you?" sabi ko. Napakunot noo naman si Dad.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon