66: Weakness

19.8K 563 14
                                    

Drexler's POV

Nagising ako bigla nang marinig ang tunog ng heartbeat monitor ni Andy. When I looked at it ay naging straight ang linya nito. Kaya parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at agad tumakbo palabas ng ICU at lumapit sa nurse station.

"Help! Please!" sigaw ko kaya nga agad akong sinundan ng mga nurse sa ICU. Nang pumasok sila ay agad nilang nilapitan si Andy.

"Call doctor immediately!" utos ng isang nurse kaya agad lumabas ang isang nurse. Ilang saglit lang ay dumating na ang doktor ni Andy.

"Labas muna po kayo." sabi sa akin ng nurse kaya nga lumabas muna ako kahit na labag sa loob ko. Napahawak na lang ako sa bintanang salamin habang pinapanood na nirerevive si Andy. But the straight line continues. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na habang nakatanaw kay Andy na nakikipaglaban ngayon para sa buhay niya. It hurts to watch pero hindi ako pwedeng umalis dito. Andy needs me. And I need her too.

Ilang saglit pa ay dumating na sila Maddie. Umiiyak din silang pinanood ang lagay ni Andy. Kaya halos sabay-sabay kaming humahagulgol dito sa labas ng ICU.

Ilang minuto nilang nirevive si Andy. Pero halos mapatigil ako nang makitang umiling ang doktor at tumingin sa relo niya. Sinimulan na nilang tanggalin ang mga aparato na nakakabit kay Andy. Kaya agad akong pumasok sa loob.

"A-Anong ginagawa niyo?!" sigaw ko. Tapos naramdaman ko na lang sila Ethan na pinipigilan ako.

"BAKIT NIYO TINATANGGAL! IKABIT NIYO IYAN! IBALIK NIYO YAN!" sigaw ko at naiyak na nang dahan-dahan na nilang tinakpan ng kumot si Andy. Nang umalis na ang mga doktor ay binitawan na ako nila Ethan kaya tinahak ko ang natitirang espasyo palapit kay Andy. Niyakap ko siya nang mahigpit habang umiiyak.

"No. No. Hindi ito totoo. Hindi. Hindi Andy. Please no. Don't leave. Please, Andy I'm begging you!" garalgal na ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang ito. Wala na akong nagawa at niyakap na lang si Andy. Ang dating mabilis na pagtibok nang puso niya kapag niyayakap ko siya ay wala na. Wala na. Wala na yung makulit na Andy na laging mangungulit sa akin. Yung Andy na laging nagpapasaya sa akin. It's just her cold body now. And our hearts are not on the same rhythm anymore. Because I can no longer hear any beat. Pakiramdam ko ay biglang gumunaw ang mundo ko. Feeling ko wala ng silbi pa para mabuhay ako. Kasi yung taong isa sa dahilan kung bakit ako nabubuhay ay wala na. Wala na siya. Ganon kabilis.

Andy...I love you. You promised me na magkasama nating haharapin ito. Pero kung gusto mo na talagang mauna, hinahayaan na kita. Basta sana...sana ipangako mo na hihintayin mo ako diyan. Diyan sa paraiso kung nasaan ka man ngayon.

_

Nagising ako bigla nang maalimpungatan ako. Kaya nang idilat ko ang mata ko ay si Andy agad ang bumungad sa akin. Nakahiga pa din siya sa kama. Walang malay. May mga aparato pang nakakabit sa kaniya. Dahil doon ay para akong nabunutan ng tinik nang mapagtantong panaginip lang pala iyon. Pero yung bilis ng tibok ng puso ko ay nandito pa din dahil sa sobrang kaba.

Kaya nga agad kong kinuha ang kamay ni Andy at dinampian ng halik. Diretso akong tumitig sa kaniya habang hindi pa din inaalis ang palad niya sa labi ko.

"I love you. Be strong for us. Hihintayin kitang magising." sabi ko sa isang mahinang boses at nakangiting hinawakan ang pisngi niya. Nang makita kong nakabalik na sila Tita Helena ay lumabas na muna ako ng ICU. Sinalubong nila ako ng ngiti. Ngiti na may halong kalungkutan.

"Hijo, thank you for being here for our daughter. For not leaving her side." sabi sa akin ni Tita Helena.

"Wala po iyon, Tita. Iyon lang naman po ang magagawa ko sa ngayon. Ang manatili sa tabi niya. Saka nangako po ako sa kaniya. I'm just fulfilling my promise to her." sagot ko saka napatingin sa glass window at tinanaw si Andy.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon