21: Fantastic Four

18.4K 607 3
                                    

Maddie's POV

A few weeks later...

"Anong balak mo Andy? Hindi mo sasabihin kay Drex iyang tungkol sa kalagayan mo?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa rooftop. Nag-uusap kaming tatlo. Nagpapatulong na naman kasi si Andy para iwasan si Drex. Gusto niyang isekreto kay Drex ang tungkol sa sakit niya dahil daw ayaw niyang mahirapan si Drex dahil lang sa lagay niya. Iba din mag-isip ito eh. Minsan di ko maintindihan.

"Sis, boyfriend mo siya. May karapatan siyang malaman ang about sa sakit mo." sagot ni Louise.

"Hindi guys. Ayoko. Ayokong mahirapan si Drex. Ayokong malungkot siya. Ayokong mag-alala siya dahil lang sa lagay ko. Kilala ko si Drex kaya ko ginagawa ito. Mahal ko siya kaya mas gugustuhin ko na lang masaktan ako kaysa siya." sabi ni Andy.

"Hindi mo naman siya pwedeng iwasan na lang basta-basta ng wala kang sinasabing rason sa kaniya, Andy. Mag-iisip yung tao kung bakit bigla kang dumidistansya." sabi ulit ni Louise.

"Saka hindi mo ba alam sa gagawin mong iyan eh mas masasaktan si Drex. Ha? Andy?" sabi ko. Kinukumbinsi kasi namin siyang sabihin na lang kay Drex ang totoo. Pero ayaw niya talaga. Ayaw niyang kaawaan daw siya ni Drex.

"Saka don't talk things like that nga. Akala mo naman eh mamamatay ka na." sabi ni Louise.

"Guys, maging totoo na tayo. I can die any time once na biglang umatake ito. Doktor na din mismo nagsabi sa akin. Na delikado itong sakit ko. Na seryoso ito at hindi biro. Pwede akong mawala any time." sabi niya.

"Wag mo ngang sabihin yan!" sigaw ko.

"Hindi ka pa lumalaban, sumusuko ka na agad!" sagot ko.

"Wag lang ang sarili mo ang isipin mo. Isipin mo din kaming mga taong nagmamahal sa iyo. Lumalaban kami para sa iyo. Pero ikaw kung makapagsabi ka ng ganiyan akala mo hindi masakit para sa amin." sabi ko. Naiinis na kasi ako sa mga sinasabi niya. Naririnig niya ba ang sarili niya? Kung pwede ko lang siyang sampalin para magising siya sa katotohanan gagawin ko eh. Para siyang si Eirol. Hindi pa lumalaban, suko na agad.

"Chill, gurl." sabi ni Louise sa akin.

"Sorry guys. Pero buo na desisyon ko. Hindi ko sasabihin kay Drex ang totoo. Mas gugustuhin ko na lang saktan siya kaysa maghirap siya sa akin." sabi ni Andy. Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya. Buo na ang desisyon niya at wala na akong magagawa. Buhay niya naman iyan eh. Kung ayaw niyang makinig sa advice namin di wag.

"Anong ibig mong sabihin? Makikipaghiwalay ka sa kaniya?" tanong ni Louise. Marahan namang tumango si Andy bilang sagot.

"Gurl, wag kang padalos-dalos. Pag-isipan mo muna. Marami na kayong napagdaanan ni Drex. Don't you think It's better kung sabihin mo sa kaniya ang tungkol dito? Malay mo another challenge lang ito sa inyo na kailangan niyong lagpasan together. You can fight together, Andy." sabi ni Louise.

"No, Louise. This is my fight. At ayokong idawit si Drex dito. Ayokong masaktan siya kapag dumating yung araw na iwan ko na siya."

"Natanong mo na ba sa sarili mo kung ready ka na? Kung ready ka ng makita siyang may kasama ng iba at hindi ikaw?" tanong ulit ni Louise. Ilang saglit hindi nakasagot si Andy.

"Hindi ako ready. Pero kailangan. Kailangan kong magpakatatag para sa kaniya. Kung makakahanap man siyang iba. Ayos lang sa akin. Mas gugustuhin ko pa siyang maging masaya sa iba kaysa manatili sa akin na sakit lang naman ang maidudulot sa kaniya." sagot ni Andy. Napabuntong hininga na lang si Louise.

"Mukha naman pa lang nakapag decide ka na bakit hiningi mo pa advice namin. What's the use of giving advice kung hindi mo gagamitin." sabi ko at iniwan silang dalawa doon. Nauna na akong bumaba at pumunta sa classroom. Sumunod na din naman sila ilang saglit lang. Nang dumating ang adviser namin ay nagturo na ito kaya nakinig na lang ako habang nagttake down notes.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon