32: Sick

17.4K 583 20
                                    

Gian's POV

Agad akong umalis doon sa venue at dumiretso palabas dahil sa sobrang inis ko nang makilala kung sino yung lalaking dumating at yumakap kay Cyleen. Siya yung lalaking nasa picture na pinadala ni Cyleen kasama ng sulat. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Dahil siya ang rason kung bakit ako iniwan ni Leen. Siya ang rason ng lahat! Kaya minabuti ko na lang na lumabas dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sugurin siya sa harap mismo ni Leen. Tss.

"Gian!" rinig kong tawag ni Elaine na sumunod pala sa akin nang lumabas ako. Kaya nga napalingon ako sa kaniya.

"Bakit ka biglang umalis?" tanong niya.

"Uuwi na tayo." seryoso kong sabi. Kaya napakunot ang noo niya.

"Agad? Eh kararating lang natin saka baka hanapin ka ng Tita mo. Hindi ka nakapagpaalam." sabi niya.

"Basta. Umuwi na tayo. Itetext ko na lang si Tita para sabihin na umuwi na tayo." sabi ko.

"Ahh. Osige. Ikaw bahala." sabi niya at sumakay na ng kotse. Kaya nga sumakay na din ako at nagdrive paalis doon. Hinatid ko muna si Elaine sa apartment niya saka ako dumiretso pauwi. Nang makauwi ako ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Sa sobrang inis ko ay tinabig ko lahat ng makita ko saka nagsisigaw doon. Tangina. Sa harap ko pa talaga sila nagyakapan? Anong gusto niyang ipamukha sa akin? Na mas better ang nahanap niya? Na wala akong binatbat doon? Tss. Umuwi ba siya dito para lang saktan ako? Para lang paulit-ulit na isampal sa akin na kahit kailan ay hindi siya naapektuhan sa nangyari sa amin? Na ako lang ang naghirap? Ang nangulila? Ang nagmukhang kaawa-awa?! Tangina! Bakit ba ako nagkakaganito. Dapat kalimutan ko na siya. Dapat alisin ko na siya sa isip ko. Gaya ng pagkalimot na ginawa niya sa akin. Bakit ba ang dali para sa kaniya non? Samantalang ako ay hirap na hirap?

Napabuntong hininga na lang ako nang makita si Helix na nagtago sa ilalim ng kama. Kaya nga pinakalma ko ang sarili ko.

"Sorry Helix. Hindi ko mapigilan ang inis ko. Sorry If I scared you." sabi ko at saka nagpatihulog sa kama ko. Napahilot na lang ako sa sentido ko saka pumikit. Pagod lang siguro ito kaya ganito. Iidlip muna ako nang mahimasmasan ako. Nang makalimot ako kahit saglit.

_

Nagising na lang ako ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ko. Kaya nga inis ko itong binuksan. Tumambad sa harap ko si Maddie. Tss. Mukhang kauuwi niya lang. Kaninang umaga pa iyan wala eh. Hindi ko alam kung saan nagpupunta. Saka ano naman pake ko? Malaki naman na siya.

"Ano?" masungit kong tanong. Napairap naman siya.

"Bumaba ka kung kakain ka." simple niyang sagot saka umalis sa harap ko. Nang tumingin ako sa orasan ko ay nakita kong ala sais na pala. Mukhang napasobra ang tulog ko. Tss. At dahil nga tinawag na ako ni Maddie para maghapunan ay sumunod na ako sa kaniya at nagtungo sa dinig area. Nandoon na si Tita Liyanel at Dad na nagsisimula ng kumain kaya naupo na din ako sa pwesto ko at nagsimula na ding maglagay ng pagkain sa plato ko.

"You overslept. Sabi ng maid nakabalik ka daw agad pagkaalis mo." sabi ni Dad.

"Pagod lang po ako. Di ko namalayan na nakatulog ako ng ganon kahaba." dahilan ko.

"So, anong nangyari nang puntahan mo ang Aunt Jil mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Napansin ko nitong naging asawa na ni Dad si Tita Liyanel ay medyo naging okay na siya sa akin. Nagkaroon na din siyang pakialam sa akin. Dahil lagi niya na akong tinatanong about sa current situations ko na para bang kinakamusta ako. Ngayon lang ulit siya naging ganito sa akin after mawala ni Mom. Ito ang namiss ko. I missed the Dad I have before. At ngayon ay unti-unti na siyang bumabalik.

"She's happy to see me. Tapos we talked about things like her new project. That's the reason why she's here. Then, I told her about Maddie. Kaya she might visit here anytime para mameet niya daw si Maddie." sabi ko. Kaya napatingin sa akin si Maddie na tila naguguluhan.

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon