65: Owe

18K 536 14
                                    

Maddie's POV

Andy was brought to ICU kaya wala kaming nagawa kung hindi ang titigan lang siya mula sa glass window.

Si Drex ang nasa loob ngayon. We can't go inside kasi isang visitor lang ang allowed. Kahit na gustong-gusto na naming pumasok, hinayaan na lang muna namin si Drex na makasama si Andy ngayong gabi. Kasi siya ang isa sa pinaka naapektuhan. He also refused to eat. Ang sabi niya hindi siya aalis sa tabi ni Andy. Wala kaming nagawa kaya hinayaan na lang muna namin siya.

Umuwi na din muna sila Tita Helena para kumuha saglit ng mga gamit kaya kami na lang muna ang naiwan dito. It is already 12 midnight pero mga wala pa kaming balak umuwi.

"Are you sure you're not also coming with us to eat?" Louise asked. Tumango lang ako habang nakatitig sa kawalan.

"Sige guys. Mauna na kayo. Susunod na lang ako." sabi ni Eirol kaya nga umalis na sila Louise at kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Lumuhod siya sa harap ko at pinantayan ako. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako sa kaniya.

"I know you're hurt. But you should not refuse to eat, Maddie. You need energy." sabi niya sa isang malambing na tono.

"Wala akong gana kumain." I answered.

"I know. But you should eat kahit konti lang. Please? Do this for me." he plead. Wala akong nagawa kaya tumango lang ako.

"I understand that you don't want to leave here. Kaya, wait me here huh? I'll go with them to buy you some food. We will eat together." sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti saka inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa may likod ng tenga ko. Naluha na lang ulit ako dahil sa ginawa niya. What can I do without him?

"Shh. No more crying. I told you, Andy is strong. She'll be fine. Magiging okay ang lahat." sabi niya saka pinunasan ang luha ko.

"Babalik ako agad. Wait for me. It won't take long." sabi niya kaya ngumiti lang ako at tumango kaya nga umalis na siya at sumunod kila Louise. Napatitig na lang ulit ako sa pinto ng ICU kung nasaan si Andy ngayon. It's been hours magmula nang pumasok si Drex sa loob at hindi pa din siya lumalabas ngayon kaya napabuntong hininga na lang ako. Well, lahat kami nalulungkot at nag-aalala para kay Andy kaya nga sana ay makarecover na agad siya nang maging maayos na ang lahat.

Nag-angat ako nang tingin nang biglang may pares ng paa ang tumayo sa harap ko. Nagulat ako nang makita si Elaine. Kasi ang akala ko hinatid na siya ni Gian bago siya sumunod dito sa ospital. She's the one who gave CPR to Andy. Kung hindi dahil sa kaniya baka kung ano ng nangyaring masama sa kaibigan ko.

Kalilipat lang ni Andy sa ICU, when the doctor came para kausapin sila Tita Helena. We heard the conversation kasi pare-parehas lang naman kaming nasa waiting room non that time.

"She had a sudden cardiac arrest because of the sudden cutoff of blood flow and oxygen to her brain. Sad to say, she's now in coma. Hindi namin alam kung kailan siya magkakamalay. Buti na lang someone gave her a CPR. You owe her life to that lady. Kung hindi siya nabigyan ng agarang CPR that time? Hindi na kayo aabot dito sa ospital." the doctor said.

"B-But, dok. What should we do about Andy? Please tell us." tanong ni Tita Helena.

"Well, for now. We don't have a choice but to undergo her through cardiac ablation."

"Ano po iyon, dok?" tanong ni Tito Andres.

"It's a surgery which we will insert a catheters through her vein or artery in the groin. By that, we can permanently eliminate the tissue that was causing the short-circuit in the electrical pathway na nagcacause ng arrhythmia niya."

TOD 2: Dare for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon