(3) Meet Max

17.3K 302 14
                                    

"Ano bang gusto mong patunayan na bata ka ha?"

"Wala."

"Anong wala? Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan Alyssa."

"Alam mo naman pala eh bakit pa natin pinag-uusapan?"

Napabuntong hininga na lang ang tatay ni Alyssa sa sagot ng anak sa kanya. Inuwi niya ito sa bahay matapos mahuling may ginagawang milagro sa kotse nito sa tapat ng dorm. Bakit siya nandoon? Tinawagan siya ng guards at agad naman siyang sumugod doon. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nahuli si alyssa ng mga guard kung kaya't bilin niya dito ay tawagan siya kapag naulit muli.

Napapagod na siya sa ginagawang kalokohan ng anak niya pero pilit niya pa din itong iniintindi. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita muli.

"Ang akin lang naman eh wag mo sanang binabago yang sarili mo dahil lang sa kanya."

"Hindi mo ko naiintindihan Pa."

"Anak, alam mo sa sarili mong hindi ka ganyan."

Malaki ang pinagbago ni Alyssa mula noong nangyari ang insidenteng iyon 2 taon na ang nakakalipas.

"Ganito na ko ngayon Pa. Mas madali."

"Ako ang nahihirapan. Kaming lahat na nakakakilala sa'yo."

"Bakit? Mas mabuti na yung ganito. Walang nasasaktan, walang naloloko. Naglalaro lang ang lahat."

"Sige nga at walang nasasaktan. Pero masaya ka ba?"

Hindi nakasagot si Alyssa sa tanong ng tatay niya. Alam niyang iba pa rin ang may kasama talagang kasintahan. Iba ang makipagsex na may kasamang emosyon.

Lalambot na sana ang puso niya pero naalala niya din kung gaano kasakit kapag naginvest ng emosyon sa isang tao. Naalala niya kung paanong nagigising siya sa umaga na nagagalit kung bakit nasikatan pa siya ng araw. Sa sobrang sakit mas gusto niya pang mamatay. Sa sobrang sakit eh nagawa niyang baguhin ang sarili niya. Nagawa niya ang mga bagay na kinasusuklaman niya noon.

Eto na siya ngayon, tila ba'y walang puso. Walang nararamdaman kung hindi sama ng loob at init lang ng katawan. Love? Hindi totoo yun. Kalokohan.

"2 taon na Alyssa. At kung wala kang gagawin para bumangon sa pagkakadapa mo ay ako na ang gagawa ng paraan. Bukas din ay aalis ka sa dorm mo."

"What?! Anong kalokohan ito Pa?"

"Hindi ito kalokohan. Tinutulungan kita anak. Magpapasalamat ka pa sa akin balang araw."

"Tsss."

Hindi nalang sumagot si Alyssa dahil alam naman niyang wala na siyang magagawa kapag nagdesisyon na ang kanyang ama. Gusto niya na ring umalis ng dorm dahil crowded doon masyado, minsan kahit maliligo siya eh may makukulit pang nanlalandi sa kanya. Iba na ang sikat.

"Lilipat ka sa condo na binili ko para sa'yo. Wag ka munang magsaya kasi may kasama ka doon para magbantay sa'yo. Ipapakilala ko siya sa'yo bukas."

"Bahala ka."

Napangiti si Alyssa internally dahil sa balitang ito. Condo, nice!

"Matulog ka na. Ipapaayos ko na lang kay Manang Andrea at Mang Dolor ang mga gamit mo sa dorm. Maaga tayo bukas pupunta sa condo."

"Geh."

Umakyat na sa kwarto si Alyssa tsaka humiga sa kama niya. Ni hindi na siya nagpalit ng damit dahil tinatamad siya. Niyakap niya lang ang paborito niyang stuffed toy, hindi siya nakakatulog kung wala ito. Isa na lamang ito sa mga masasayang alaala niya sa kanya, ito ang tanging nagpapakalma sa kanya araw-araw at gabi-gabi.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon